CHAPTER 5

343 1 0
                                    


YAEL'S

" Mayroong laceration sa vaginal wall niya. Ibig sabihin may mga cut kaya nagkaroon ng bleeding. Isa sa mga rason kung bakit siya nilagnat. Did you two had sex? Did you force her?"

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa doktora. Kung kaibigan ko siguro ito hindi ako mag aalinlangan na sabihin ang totoo.

" She is my wife and my worker found her in the edge of our hacienda. Dalawang taon siyang nawawala hanggang makita siya ng mga tauhan ko na sugatan at walang malay. " Huminga ako ng malalim. " And yes we had sex after two days that my worker found her."

Wika ko pa sa doktora, kung matatawag nga na sex ang ginawa namin. Hindi ko na sinabi dito na ipinilit ko lang ang sarili sa babae dahil sa frustration ng pag-tanggi nito.

" Are you nuts? Galing pa sa injury ang asawa mo tapos hindi mo man lang pinigilan ang sarili mo? Hindi mo man lang hinintay na gumaling siya?"

Namamanghang wika sa akin ni Dr. Samson.

"So how is she?"

Pag-iiba ko na lang ng topic. Napa-iling iling sa akin ang doktora bago sinagot ang tanong ko.

" She is not fine. She needs a lot of rest. Mga one week of rest, walang kahit anong sexual activities ang pwedeng gawin. Kaya sana pigilan niyo po muna ang libido niyo. Nag-lagay na rin ako ng reseta ng mga gamot na iinumin niya. Naka-lagay rin d'yan ang intructions ng pag-inom ng gamot."

Paliwag pa nito.

Nakinig lang ako sa mga sinasabi niya. Nang matapos nitong suriin ang dalaga ay hinatid ko na rin ito palabas ng bahay.
_______________________________________

YANA'S

Apat na araw na ang nakalipas simula ng pwersahan akong angkinin ni Mr. De Silva. At apat na araw na rin itong hindi nagpapakita sa akin. Si Ate Alma at ang anak nitong si Sab lang ang palagi kong nakikita at nakakausap.

Nalaman ko rin kay Ate Alma na nilagnat ako at sinabi pa nito na alalang alala daw sa akin ang ama ni Sab. Ang lalaki pa raw ang nag-bantay sa akin ng unang gabi na ina-apoy ako ng lagnat. Hindi na lang ako sumagot dito. Ayaw kong maniwala sa kanya. Bakit naman mag-aalala sa akin si Mr. De Silva? Hindi naman ako ang asawa niya.At napatunayan ko  yun ng sapilitan niya akong angkinin.

Marahil ay nako-konsensya ang lalaki sa ginawa nito. Hinihiling ko na lamang na sana ay hindi ko makita ang lalaki habang nagpapa-galing ako. Ngunit tila madamot 'ata ang diyos sa mga hiling ko dahil bigla na lang pumunta sa silid na inuukopa ko ang lalaki.

" Do you feel better?"

Tanong nito habang hindi lumalapit sa akin. Nasa may pinto lang ang lalaki.

" Ayos na ako. Hinihintay ko na lang gumaling ang paa ko para maka-alis na ako dito sa bahay mo."

Napa-yuko ang lalaki.

" Ahm, I am sorry for what I did. Kung gusto mo akong ipa-kulong ayos lang sa akin. Mali ako e, dapat hindi ko hinayaan na pangunahan ako ng damdamin ko. "

Dinig ko ang pagsisisi sa boses nito.

" Hindi kita ipapa-kulong alang alang na lang kay Sab. Kailangan ka ng anak mo. Hindi ko kayang tagkalan ng isa pang magulang ang bata. Alam ko ang pakiramdam na walang magulang na kasama sa pag-laki. Pero hindi ibig sabihin noon na pinapatawad na kita. Walang kapatawaran ang ginawa mo."

Napa-tango tango ito sa mga sinabi ko.

" Thank you. 'Wag ka mag-alala tutulungan kita na maka-uwi sa pamilya mo bilang kabayaran sa nagawa ko."

Matalim ko itong tiningnan bago sumagot.

" Hindi na kailangan. Magta-trabaho ako sa bahay mo para maka-uwi ako. Hindi ko kailangan ng pera mo kapalit ng pagka-babae ko na winasak mo. Dahil hindi lahat mababayaran mo gamit ang
pera mo. "

" Sige kung yan ang gusto mo. "

Sang-ayon na lang nito sa akin. Marahil ayaw na rin nito na salungatin ako.

Nakaramdam ako ng pag-tawag ng kalikasan hindi pa man siya nakakaalis. Sinubukan ko na kumilos at nakita iyon ng lalaki.

"Kailangan mo ba ng tulong?"

"Patawag na lang si Ate Alma. Magba-banyo sana ako."

Sagot ko dito.

"Wala si Ate Alma, umalis. Ako na ang tutulong sayo."

"Hindi na ako na lang."

" 'Wag na matigas ang ulo. Tutulungan na kita."

Wika naman nito, saka lumapit sa akin.

"Yung isang paa ko na lang ang masakit. Kaya ko na."

Pilit ko pa dito. Pero talaga 'atang hindi ito sanay na tinatanggihan. Nagulat na lang ako ng buhatin ako nito ng pa-bridal style at dalhin ako sa banyo.

"Hindi ka talaga napipigilan sa gusto mong gawin ano?"

Masungit kong wika.

"Lalabas ako, tawagin mo na lang ako pag tapos ka na."

Sagot naman nito sa akin sa kalmang boses.

Ang kalma nitong boses ay hindi tumutugma sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam ang dahilan niyon. Nagkaroon ba ako ng attachment sa lalaking kumuha ng iniingatan ko noon na puri? Galit ako sa ginawa nito, dahil kinuha nito ang nag-iisang bagay na pwede kong ipag-malaki sa magiging asawa ko sa hinaharap. Pero hindi ko rin maita-tanggi sa sarili na may kaka-ibang epekto ito sa akin.

Nang matapos ako sa pag-ihi ay hindi ko tinawag ang lalaki. Pinilit kong makarating sa pintuan ng banyo at ng mabuksan ko iyon ay muntik na akong matumba. Kung hindi lang mabilis ang repleksyon ng katawan ng lalaki na nasa labas pala ng pinto ng banyo ay baka napa-subsob na ako sa sahig.

" Ang tigas talaga ng ulo mo."

Mariin nitong wika sa akin.

Nakahawak ang lalaki sa bewang ko habang naka-kapit naman ako sa balikat nito. Magkalapit ang mga katawan namin at amoy na amoy ko ang mabangong amoy nito. Sa takot na marinig ng lalaki ang malakas na kabog ng dibdib ko ay bahagya ko itong tinulak.

Ngunit hindi nito hinayaan na makawala ako sa mga bisig nito. Muli ako nitong binuhat at dinala sa kama. Nang mai-balik na ako nito sa kama ay nagma-madali itong umalis ng silid ko. At hindi na nagawa pang makapag-paalam. Nagtataka man sa naging kilos nito ay ipinag-kibit balikat ko na lang iyon.

_____________________________________

💜
To be continued...

GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon