CHAPTER 20

228 1 0
                                    


YANA'S

Humihingal akong napa-balikwas ng bangon. Inilibot ko ang tingin sa paligid, hindi pamilyar ang kwarto kung nasaan ako.

"Hija, are you okay?"

Napalingon ako sa nag-salita. Si Ma'am Cita nakaupo sa silya kalapit ng kamang hinihigaan ko.

"Okay lang po ako."

Sagot ko naman dito.

"You don't look fine to me. I'm watching you while your unconscious, hindi ka mapakali. May buma-bagabag  ba sayo?"

Tumingin ako sa kanya.

"Naaalala ko na po ang nang-yari sa akin."

Ni-kwento ko sa kanya ang mga nangyari. Kung paano ako sumama kay Aling Isay, hanggang kung paano ako nakawala sa mga taong bumili sa akin. Naiiyak at nanginginig ako habang nagki-kwento sa kanya. Hindi ako maka-paniwala na nagawa ko na takasan sila. Hindi ko kailanman naranasan o kahit maka-saksi man lang ng kahit anong karahasan habang lumalaki ako, kaya labis labis ang takot ko ng maranasan at masaksihan ko na ang mga masamang karanasan na iyon.

"Dapat nakinig na lang ako sa lola. Kung sumunod lang sana ako sa payo niya, e 'di sana kasama ko pa sila."

Wika ko kay Ma'am Cita habang nangingilid ang mga luha. 'Yun ang eksina na naabutan ng taong nag-bukas ng pinto ng silid, si Sir Yael.

"You're awake." Wika nito.

Tumango lang ako sa kanya, saka pinahid ang luha na nag-badyang bumagsak galing sa mata ko. Nakita iyon ng lalaki, kaya agad itong lumapit sa akin.

"Why are you crying? Are you not okay?" Nang hindi ako sumagot ay bumaling siya sa ina. "Mom, tell me. What's goin' on? Bakit umiiyak si Yana?"

Umismid sa kanya si Ma'am Cita bago sumagot.

"Nothings wrong. Nag-kwento lang sa akin si Yana sa mga nangyari sa kanya."

Tumingin sa akin ang lalaki nang marinig ang sagot ni Ma'am Cita.

"You remember everything now?"

Naka-titig lang siya sa akin habang tinatanong ako. Hindi ako sumagot, sa halip ay si Ma'am Cita ang sumagot sa tanong niya.

"Yes, son. She remembered everything now." Bumuntong hininga siya bago nag-patuloy. "And I think, what happened to Yana is bigger than what we know."

Si Ma'am Cita ang sumagot pero nanatili na naka-titig lang sa akin si Sir Yael. Nakaramdam ako ng ilang sa pagkaka-titig niya, lalo pa at kaharap namin si Ma'am Cita.

"Ok lang po ako, Sir Yael."

Sabi ko sa kanya ng makitaan ko siya ng pag-aalala. Hindi ako komportable sa pinapakita niya sa akin na pag-aalala sa mismong harap ng nanay niya. Dahi ayokong mag-isip ng hindi maganda sa akin si Ma'am Cita

"Sigurado ka ba? I just saw you shed a   te—"

"Yael, will you please stop asking to Yana if she is okay, like a freaking husband?" Putol ni Ma'am Cita sa sinasabi ni Sir Yael. "And to answer your question, Yana is not okay. She just remembered her most traumatic experience, syempre hindi siya okay."

________________________________________

YAEL'S

I can hear the irritation from my moms voice. Dahil alam kong pansin niya ang mga pagbabago ko ng kilos kapag tungkol kay Yana ang mga nagaganap. Hindi agad ako naka-sagot sa sinabi ng nanay ko. She's right. I am not Yana's husband, to show too much concern for her. Pero kaya ko bang pigilan 'yon? Syempre hindi, kung kaya ko sanang i-suppress ang feelings ko ginawa ko na. But, I can't.

" I'm not acting like a husband." Deny ko pa sa nanay ko. "I am concern to her because— concern ako dahil may kasalanan ako sa kanya. And the only way para makabawi ako sa kanya ay maging concern lang. Nothing more, noothiing less. I don't have any feelings for her. If that is what your concern about, mom."

She just stared at me with doubt before she decided to go out of the room. I look at Yana again after my mom left the room, and I was about to ask her about what she remembered. But the moment our eyes meet, natahimik ako.

" Bakit mo ko hinalikan? Kung wala ka pa lang feelings sa akin. Ano 'yon? Horny ka lang? Naisip mo lang akong halikan kase trip mo?"

She asked. Confusion is written all over her face.

"No, it's not what you think. I wa—"

"Hindi mo na kailangan sagutin ang tanong ko. Na-realize ko na kung bakit." Putol niya sa paliwanag ko. "Na-confuse ka na naman siguro sa amin ng asawa mo. Mag-kamukha kase kami. Pero 'wag ka mag-alala hindi ako magagalit. Wala akong karapatan."

"Hindi ako nalito." I said. " And I don't regret that it happened."

I stated before I left the room. I heard her said something but did not heard it clearly, dahil tuluyan ng sumara ang pinto.

Dumeretso ako sa veranda ng bahay ng mga in laws ko. I needed a fresh air. I needed to think. To clear my head. Naabutan ko doon ang father in law ko. Nang makalapit ako sa kanya ay tinapik niya ako sa balikat at inalok ng sigarilyo.

"Baka makita ka ni Mama, Pa. Pagagalitan ka noon."

Biro ko sa kanya.

"Your mother in law won't, son. Matagal na akong tumigil sa bisyo ko na 'to. At nagagawa ko na lang ulit kapag kinakabahan at stress ako."

Sagot naman niya saka muling humithit sa hawak na sigarilyo.

" Saan ka kinakabahan or stress, Pa? Sa kalalabasan ng DNA?"

Tanong ko naman na sinagot niya ng tango.

" You see? I am not good being a father. Wala akong time na naibigay noon kay Dianne kaya lumaki siyang mas malapit ang loob sa mommy niya. I am always working my ass to earn more." Tumingin muna siya sa akin bago muling nag-salita. "Ginagawa ko 'yon hindi dahil nag-hihirap na kami. I was once the reason why the company I ran, got into a bankruptcy. Galit na galit ang Papa ko—lolo ni Dianne— nang mangyari 'yon. My father sees me as a failure after I almost got our company to ruin. The very reason kung bakit muntik ko ng hindi mapakasalan ang mommy Rosenda mo. Kaya nag-sikap ako para maibangon ulit 'yon. At simula noon hindi ko na pinabayaan na bumagsak  ulit 'yon. I always make sure that the company my father left is still one of the best."

" Anong kinakatakot mo, Pa? You always work to maintain the company and give Dianne a better life. Hindi katulad ng tatay ko, heartless asshole beating  monster jerk."

Sagot ko naman.

"Your right. But I wish, na dapat nagbigay rin ako ng time para sa anak ko. Kaya tuloy ngayon hindi ko alam paano ko pakikisamahan si Yana. O kung paano ba ako magiging ama sa kanya? Hindi ko nga nagampanan ng maayos kay Dianne kay Yana pa kaya."

Napa-ngiti ako sa tinuran ni Papa.

"Tanggap mo na agad si Yana bilang anak, Pa. Kaya mas better ka pa rin na  ama."

"Hindi na kailangan ng DNA para tanggapin ko na anak ko siya. I know she is. At sisiguraduhin ko na this time magiging mabuting ama na ako hindi lang kay Yana, kundi pati na rin kay Dianne kapag nakabalik na siya."

Ngiti lang ang naging tugon ko sa huling sinabi niya.

________________________________________

💜
To be continued... 


GUILTY PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon