Prologue

6.3K 240 80
                                    

Prologue

"Mag-aral kang mabuti ha? 'Wag puro landi jusko, huwag kayong gagaya sakin na pumatol sa Papa ayon hindi umasenso sa buhay,"

I'm beyond blessed nga eh because the result was me! Hindi kong hindi sya pumatol kay Papa edi wala ako dito sa mundo, hindi nila masisilayan kagandahan ko. Gusto ko sanang sabihin kay Mama 'yon, huwag nalang pala baka sermonan na naman ako.

"Mahal, wala sana si Zerang kong hindi kita nilandi noon," nakita kong sinusuyo ni Papa si Mama. Kadiri naman, tatanda na!

Inikot ni Mama ang mata nya, "Palibhasa alam mong marupok ako, kaya ang kapal ng mukha mong ganunin ako dati! Ginanon-ganon lang ba naman ako, aba!"

Natawa nalang ako sa asaran nila. Ang aga pa, pero ayan nagsisimula na sila. Kong hindi alarm clock ang gigising sakin, boses nila ang gigising sakin sa lakas aabot ata hanggang kabitbahay namin. May pasok pa ako ngayon, kaya wala akong choice kundi ang bumangon nalang para maghanda na.

Second day of school ko na, bilang senior high student. As usual walang ginawa kahapon kundi ang mag introduce yourself. Stem kinuha kong strand kahit bobo ako sa Math, bahala na palakasan nalang kami ng guardian angel.

"Mama, alam mo ba may pogi akong kaklase." Masaya kong sabi habang tinutusok yong hotdog saka sinubo. Natigilan silang dalawa at sabay na tumawa.

"Mapapasayo ba 'yan anak?" She's clearly mocking me! Nakakainis may feeling bagets na Nanay, looking for bagong Mama yong hindi ako gaganituhin.

"Mas gwapo ba ako dyan, Zerang?" Isa pa 'to! Hindi ko na alam kong saan na ako lulugar. Well sabagay, kay Papa ko namana pagiging makapal ng mukha.

Napakamot nalang ako sa ulo. "Alam nyo kayo, sinabi ko lang naman na mag pogi akong kaklase hindi ko sinabing mapapasakin! Kontrabida," Sinamaan ko sila ng tingin.

"Gaano ka gwapo ba 'yan? Mala Cha Eun Woo ba?" Tanong ni Papa. Napakamot ako sa ulo ko.

Lahat nalang kinokompara nya kay Eun Woo. "Kaka-drama mo yan, Pa." Inismaran ko sya. "Hindi kasing gwapo ni oppa Eun Woo pero okay narin, palibhasa kasi sayo puro ka Cha Eun Woo. Mas pogi kapa don, Pa." Baka naman dagdagan ng bente baon ko.

"Alam ko anak, may bente ka sakin." Ayown!

Halos tumambling ako sa tuwa ng iabot sya sakin yong kulay orage na papel. Bente!

Tinapos ko ka agad ang pagkain para papasok na. Medyo malayo yong school namin pero mas bet ko mag lakad para exercise narin.

Tiningnan ko yong relo ko, ay oo nga pala sira na pala 'to. Sinout ko lang, para kunwari magmukhang expensive, magmumukha lang pala akong timang. Tss.

"Wahh, Mama! Potangina!" Gulat na napatili ako dahil sa lakas ng busina ng mamahaling sasakyan na nasa likuran ko. Hinarap ko ang sasakyan at sinamaan ng tingin kahit diko makita kong may tao ba sa loob. Syempre umandar nga eh, may tao talaga. Bobo.

Infairness ang ganda ng sasakyan nya, meron palang ganitong kaganda dito Pilipinas? Nako kong ako may-ari nito diko to irarampa baka ma holdap pa ako.

Nabalik ako sa katinuan ko ng muli syang bumusina, ampota. Saka ko napagtanto na nanasa gitna na pala ako ng kalsada. Ay diko napansin yon ah.

"Ening, tumabi ka dyan, magpapakamatay kaba?!" Sigaw nong matandang panot, nakadungaw ulo nya sa sasakyan. Ang kinis ng ulo nya, dahil sa sikat ng araw ay klarong-klaro ito. Sya pala may-ari.

"Opo, ito na! Galit kana nyan, tigang." Napanguso ako at naglakad nalang ulit. Pero may di kalayuan ay may nakita akong Lola na may maraming bitbit tila ba nahihirapan sya sa mga ito.

Fire Burning Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum