Chapter 38

1.8K 97 60
                                    

Notes:

Short update. Enjoy reading, everyone! Light lang po ang story na 'to, dili ma scared (don't be scared). Hindi ko na s'ya inedit, diritso publish na HAHAHAHAH excited ako eh, bakit ba. Play n'yo music sa itaas para mas dama.

_________________

38

"What's happening?!" Galit na sigaw ni Mommy Glenda ng makababa s'ya.

Kahit ako ay hindi alam ang nangyayari. Hinawakan n'ya ako sa braso at sabay na pumunta sa gate ng mansion. I saw how furious my boyfriend is. He is shouting. May kasigawan nya. Siguro kaibigan n'ya? Pero bakit naman ganito na ka gabi?

"There's an evidence! Bakit ayaw mong maniwala sakin, Grit?!"

"Amana– what the fuck your name is, I don't remember sleeping with you. I have a girlfriend! I cannot do such thing to her!"

"It's Amanda! And I don't care if you a girlfriend!" Galit na sigaw ng babae sa kabilang. Hindi ko maanig ang mukha ng babaw dahil naka harang si Sir Wrath. "I have an evidence! Nasa phone ko! How can you say that it is not you the father of my child?"

"Fuck! Just leave! Or else—"

Anong pinagsasabi nila? Hindi ko alam kung anong meron pero dinagsa ang dibdib ko ng kaba. Bakit pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari?

"What's happening here, son?" Tanong ni Mommy Glenda ng makalapit kami kay Sir Wrath.

Dali-dali lumingon si Sir Wrath sa gawi namin at kita ko ang takot at taranta sa mukha n'ya. Umigting ang kanyang panga at namumungayng nakatingin sakin.

"Mom, take Alzera inside."

"Bakit? What's happening? Sino ang kasigawan mo d'yan?"

"Anong nangyayari? Gabi na ah," nag-aalalang tanong ko. Hindi makatingin sakin si Sir Wrath kaya nagtaka ako. "Pumasok na tayo–"

Pilit kong dinudungaw ang babae sa labas pero hinarangan ako ni Sir Wrath kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Kahit si Mommy Glenda ay hindi n'ya hinayaang makita kung sino ang nasa labas.

"Mom, take her inside."

"Why—"

"Please! Just take her inside, Mom."

Pilit n'ya kaming tinutulak pero winaksi ko ang kamay n'ya sa balikat ko at sinamaan s'ya ng tingin. "Tabi," mariing sabi ko pero umiling s'ya. "Sabi ko, tabi."

"Baby, gabi na. Mom, pumasok na kayo–"

"Grit! Let's face this together! Hindi pwedeng ako lang magdusa sa batang ito!"

"Fuck."

Bata? Tama ba ang pagkakarinig ko? Bata? Baby? Huh?

Napasinghap si Mommy Glenda ng biglang may agresibong babaeng pumasok mula sa gate. Hinihingal at sobrang pula ng mukha. Nagulat kaming dawala sa hitsura ng babae. Gulo-gulo ang buhok at pinagpapawisan.

"Sorry, Sir. Nagpupumilit talaga–" akmang hahawakan ulit ng dalawang guard ang babae ay nag-salita ako.

"T-teka lang po, bitawan n'yo s'ya." Mahinang sabi ko. Naawa rin ako sa hitsura n'ya dahil namamaga ang mga mata n'ya.

"Who are you?" Masungit at pabalang na tanong ni Mommy sa babae.

Bumababa ang tingin ko sa tiyan n'ya, may hindi kalakihang umbok doon. Hinaplos ng babae ang tiyan n'ya.

Nagsimula ng mangingig ang kamay ko. Mukhang alam ko na kung saan na papunta ang pangyayaring ito. Pero, sobrang impossible naman? Diba? Hindi maaari. Hindi pwede. Tama. Hindi ako dapat mag-isip ng kung anu-ano. Let's be optimistic.

Fire Burning Where stories live. Discover now