Chapter 03

3.3K 167 120
                                    

03

Bigla akong nahiya sa hitsura ko. Wala pa akong ligo while sya sobrang fresh! Tumingala ako sakanya. Ang linis tingnan ng kabuan ng mukha n'ya, wala ka talagang makikitang dumi kahit isa. Perfect!

"You won't invite me to come inside? That's rude."

"Nasaan si Wrena, S-sir?"

"She can't come. Dad called her in his office while we're on our way here."

"Ah ganon ba," sabi ko sabay tango-tango.

"Mag-isa kalang dito?" Tumango naman agad ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

"M-may binili lang sa labas, hihi..."

Nanatili kaming nagkatitigan hanggang sa ako ang unang umiwas. Para nyang kinakain ang buo kong pagkatao.

"Hindi mo ba ako papasukin?" Seryosong sambit n'ya. "And you are sick? Is it true?"

"Isa-isa lang po ang tanong, ano kaba. Pasok ka muna, Sir!"

Agad naman syang pumasok sa loob. Gago nakakahiya, ang kalat ng sala namin. Para tuloy akong nanliit. Hindi sya bagay sa ganitong uri ng bahay! Iginaya ko sya sa sofa saka doon pinaupo, mukha syang babasagin. Inilibot nya ang tingin sa buong bahay.

"First time mo makapasok sa ganitong bahay, Sir? Mukha kang ignorante," natatawang saad ko.

Binigyan n'ya lamang ako ng isang malamig sa tingin at walang ka ngiting-ngiti mukha. Ay walang bago. Sinimulan kong iligpit ang mga projects ko sa lamesa na nasa harapan n'ya.

"You should take a sit, young lady. You are sick!"

"Hindi naman po ako balbado!" Sigaw ko pabalik sakanya.

"Tigas ng ulo mo."

"Nugagawen," inismaran ko sya.

"E kong hindi ka po pumunta edi sana natutulog ako ngayon. Nakakahiya naman sayo kong hindi ko liligpitin 'to-."

"You don't have to, let go of that. Maids will take care of that–."

"Wala kaning maid, okay? Hindi kami sobrang yaman tulad n'yo." Napasimangot ako. His forehead furrowed.

Isa-isa kong pinulot ang maliliit na papel. Napatigil ako ng maramdaman ko ang kamay nya sa balikat ko.

"Sit. Let me," malamig na sabi n'ya.

Agad n'yang hinawakan ang pulsuhan ko at iginaya paupo ng sapilitan. Napasinghap ako ng sinimulan n'yang ligpitin ang natitirang kalat.

"H-hoy ano kaba, hindi bagay sayo maging katulong. Tabi ako na dyan!"

Tumayo ako at akmang tutulong nadin ay biglang bumukas ang pintuan. Dalawang kalbo na naka uniporme. Guard nya ata. May dalang groceries at prutas. Required ba maging kalbo pag guard? Hindi naman ata.

Nanlaki ang mata nila napatingin kay Sir Wrath. Sino ba namang hindi. Pati nga ako eh. He looks hot, though.

Feel na feel nila yong bahay namin. Nilagay ata nila ang mga dala nila sa kusina.

"Ano po 'yon, Sir? Yong bitbit nila," sabi ko sabay dungaw sa mga kalbo sa kusina.

"Groceries–."

"I mean para po saan? Nanalo ba kami ng raffles ganon?" Tanong ko sakanya.

Nakita kong tumayo na sya kaya alam kong tapos na iyon. Agad din naman akong nagkuha ng walis para medyo mawala yong mga maliliit na paper cuts.

"Raffles? What's raffles, woman?" Malamig nyang tanong.

Fire Burning Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu