Chapter 31

2K 95 12
                                    

31

Tilian nang mga kaklase ko ang nangibabaw habang tumitingin sa list rankings. Napalingon ako kay Burgos na papalapit sa gawi ko. Nagsikuhan si Clifford at Sandra. Kunwari pa 'to si Sandra, may gusto naman 'to kay Burgos.

"Congratulations, Ms. Valedictorian." He offered his hand. Tinanggap ko naman.

"Thank you, congrats din po, Mr. Salutatorian."

"Hirap mong kalabanin, Ms. Effortlessly Smart."

"Talino mo kaya, tingnan mo nga naman, magkalapit lang tayo ng average."

"Malapit ba ang 98.99 sa 99.05%?" Tinawanan ko nalang s'ya.

"Oo kaya! .06 lang layo natin."

I can't believe it! Worth it lahat ng sleepless nights, para mag-aral. Everyone congratulates me for being the Valedictorian of the year.

Nahiya naman ako kasi ang intimidating ng dating ni Burgos. Halata sa tayo nya na matalino s'ya. The why he speaks and act.

Pinagtutulukan si Burgos ng mga kaklase n'yang lalaki. Nagtaka tuloy ako kung bakit. Gusto ko sanang umalis pero baka bastos ang dating para sakanya non kaya nag-antay ako ng ilang saglit baka kasi may sasabihin pa s'ya.

"Tigilan n'yo nga ako." Suyaw nya sa kaklase n'ya.

"Sige na pre! Hindi ka naman pinalaking ganyan."

"Tiklop pala sa babae 'to eh."

"So, uhm, can I take you to. . ."

Kinurot ako sa tagiliran ni Sandra. Nagtataka naman ako bakit ang laki ng mga ngisi nila. Si Cliff at Sandra lang kasama ko dahil nasa room ang tatlo, si Richel, JC, at Joseph, may ginagawa.

"Hoy, beh, taken na si Alzera, ibalato mo nalang kay Sandra 'yan." Pero mukhang hindi narinig ng mga taga kabilang section iyon.

Pinagtutulukan nila si Burgos palapit sakin kaya nagulat ako. Muntikan n'ya akong matamaan

"Stop it, guys. Hindi na kayo nakakatuwa." Inis na sabi ni Burgos sa mga kaklase n'ya.

Humarap s'ya sakin at napahawak sa batok n'ya. Aalis na sana ako pero bigla s'yang nag-salita.

"Can I take you to a coffee—"

Napatigil s'ya sa pagsasalita at sabay-sabay kaming lumingon sa likuran namin nang may biglang linggal doon. Nanlaki ang mga mata ko.

Madilim ang mukha n'ya at parang kakatay na sya ng wala sa oras. Napalunok ako. Anong ginagawa n'ya dito?! Nakita ko ang pag sulyap ni Clifford.

"Good morning, Mr. Aguas!" Bati ng iilan.

Kahit ang pag tango bilang tugon ay hindi n'ya magawa dahil masama ang tingin n'ya. . . sakin? Hindi. Kay Burgos. Sobrang sama.

Napalunok ako.

"G-good morning, S-sir Aguas." Nauutal kong bati.

Nakakatakot s'ya. Hindi man lang s'ya bumaling sakin at diritso lang ang tingin sa grupo nila Burgos habang nasa bulsa ang dalawang kamay. Napayuko tuloy ang iilang estudyante dahil sa paraan ng tingin n'ya.

"Luluhuran po." Sabi ng isang estudyante sa kabilang section kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Ako lang dapat ang luluhod sakanya! Hindi ko need ng assistant!

"I supposed some of students here are an achiever, yet, can't find a decent place to flirt."

Napaawang ang labi ko sa narinig. Ramdam ko ang kurot ni Clifford sa tagiliran ko.

Fire Burning Where stories live. Discover now