Chapter 20

2.2K 93 4
                                    

20

"4 students out of 103 got perfect on the examination test. So far, walang bumagsak! Congrats everyone!"

Nagsigawan ang buong klase sa balita. Friday na ngayon at talagang nakabilis ng panahon. Ngayon namin malalaman ang mga naging scores namin sa lahat ng subject.

Kinakabahan ako habang papalapit na si Ms. upang ibigay ang answer sheets. Kumaripas ng takbo si Clifford papunta sakin.

"Acla, sabay tayo! E record mo para may remembrance yong reaksyon natin. Bilis!"

"Wala pa sakin ang answer sheets ko, nandon pa kay Ms. wala pa sa girls."

"Sige, e wait natin! Sino kaya ang naka perfect? Grabe ganoon ka hirap! Apat lang naka-perfect grabe 'yan."

150 items ang exam at talagang saludo ako sa mga na perfect. Natutulog pa kaya sila?

"Thank you po." Saka tinanggap ang binigay ni Ms.

Inistart na ni Clifford ang video kaya natatawa ako. Talagang kabado s'ya. Baka nga isa sya sa naka perfect eh. Maraming matatalino sa section namin kaya hindi ko matukoy kung sino ang posibleng naka perfect.

Tinawag ko narin si Richel, Sandra, at Joseph. Para naman sabay kaming ma disappoint sa scores namin.

"Kinakabahan ako, kahit alam ko namang hindi ako nag study and importante?!"

"Pumasa!" Sigaw naming lima sabay tawanan.

Pinagtitinginan tuloy kami ng iba naming kaklase at nakitawa din. "Dali na!"

"Let's go!"

"Arat na!"

Tumingin muna ako sa camera bago dahan-dahang sinilip ang score ko pero bago ko pa iyon makita ay tumili si Clifford kaya napatigil ako. "Hinaan mo boses mo!" Inis kong suyaw.

"149/150!" Sigaw ni Clifford. Edi s'ya na!

Kinakabahan ako sa akin. Dahan-dahan kong sinilip ang score ko, tangina, kinabahan ako! Alam ko namang ginawa ko ang best sa subject na ito eh!

1, napakapit ako kay Joseph sa saya. Alam kong 100 na iyon.

"148/150 sakin, Alzera! Sayo ba?!"

"150?!" Napatigil kami dahil sumigaw si Sandra. Isa sya sa naka perfect?!

"Congrats!!!" Sabay naming sigaw. Nakisali ako sa talon nila dahil sa saya.

"Deserved, teh! Tingnan mo nga naman mata mo, puro na eyebags!"

"149/150." Sabay kaming napalingon kay Richel. Sobrang laki din ng ngiti nya. Binati din namin sya ng congratulations!

"Pustahan tayo, si Alzera perfect din 'yan!" Masayang sabi ni Joseph.

"Libre mo kami, be, ha! Pag na perfect iyan!"

"Manahimik nga kayo, imposibleng na perfect ko eh ang hirap nito— 150?!" Gulatang kung bulaslas. Napatili ako. Hindi maak"Hala?! Hindi nga?! Gago?"

"Congrats!!!"

"Friendship goals yarn!"

"Congrats, satin mga bebe ko!"

"Libre na 'yan! Libre na 'yan!" Kantyaw ni Clifford kaya naman nakisali din si Joseph.

"Si Sandra rin kaya, perfect din 'yan!" Natatawang sabi ko. Ang saya ko, jusko. Paano ko nagawa iyon?!

"Hoy, pasali sa friendship n'yo!" Sigaw ni JC. "Alam ko namang bobo ako pero baka naman pwedeng pasali—"

"Ang humble naman, ilan ba score mo?" Tanong ni Sandra.

Fire Burning Where stories live. Discover now