Chapter 04

3.1K 154 82
                                    

04

Muntikan pa akong ma late buti nalang may nakita agad akong taxi sa labas. Maaga umalis sila Mama at Papa para sa work. Anong oras narin, hindi na nila ako ginising baka daw kasi hindi ako papasok dahil may lagnat ako. Okay naman na ako!

Hiningal-hingal akong tumakbo sa hagdanan papunta sa room ko. Laking pasasalamat ko ng wala pang teacher na pang first period.

"Oy, Pres! Alam mo ba ang chika?"

Bungad agad sakin ni Chino. Chismis agad lumalapit sakin. Binati ako ng iilan, binati ko rin naman sila saka ningitian.

"Bakit? Ano bang chismis, Chino?" Isa si Chino sa matatalino sa room, nangongopya pa nga 'to sakin.

"'Yong post ni Sir Aguas sa IG n'ya kahapon, dito daw 'yon nag-aaral. Nasa college department," sabi n'ya.

Nanliit ang mata ko. Gusto ko syang sabunutan. "Hindi ka sure, oy!"

"Syempre sa college talaga kukuha si ng babae si Sir. Kulangan abot non pag minor ang babae, hindi pa naman mapagkatiwalaan ang mukha ni Sir. Matinik sa babae,"

Nag pokerface ako. "Ganoon ba? Oo nga naman! Minor moments!"

Kong alam lang nila. Pati sa labas ng school ay kalat-kalat na iyon, habang naglalakad ako kanina ay yon din ang pinag-uusapan nila.

Hindi na ako magugulat na pati sa mga social media at balita ay nandon rin sya. Baka nga maeron na eh!

A notable bachelor, teacher and a tycoon business man is in a relationship. Relationship ba tawag don? Oo, sa mga hindi alam kong ano ba talaga ang nasa likod ng storyang iyon. At, hindi, para sakin dahil alam kong walang namamgitan sa amin.

Wala sa mukha nya ang pumatol ng bata. Mga high maintenance ata mga babae ni Sir Wrath. Sino bang baliw papatol sakin?!

Nagsimula na first period namin. Buti nalang may naalala pa ako sa naging last lesson namin.

Pinukpok ko ang ulo ko dahil sobrang hirap ng number 5! Five items lang ang binigay ni Ms. pero lahat kami nga-nga. Hindi ko talaga makuha ang percentage na binibigay kahit anong formula na gamitin ko!

Agad sumilay ang ngiti sa labi ko ng makuha ko na 'yon! Lahat sila ay tutok sa ginagawa at tila ba nahihirapan. Pati 'yong pinaka matalino sa klase.

"Everybody, time is up!" Sigaw ni Ms. kaya agad na tumutol ang mga kaklase kong hindi pa tapos.

"Exchange your papers, class! Bigay n'yo agad sakin pagkatapos," ganoon talaga mga teachers dito.

Kinukuha ang mga papers pagkatapos para matingnan if walang nag cocoaching. Noong binalik ang papel ko ay nagpasalamat ako, yon nalang ang pagkunot ng noo ko ng mali ang 1 at number 4 ko!

"Bakit wrong 'to, Meghan?" Tanong ko sa nag check ng papel ko. I'm confident na tama mga answers ko eh!

"E, wrong naman talaga 'yan." Akmang tatawagin ko si Emman dahil isa sya naka perfect pero nagsalita ulit sya. "Tanggapin mo nalang kasi na mali 'yan! Sinasabi mo bang hindi ako marunong mag check?!"

Nagulat ako sa sigaw n'ya. Napatingin ang iilang kaklase ko na medyo malapit samin. Tinatawag na ma'am ang mga apelyido para sa recond ng scores.

"Huh? Wala naman akong sinabi ah, defensive mo. Confident ako sa mga sagot ko! Kaya alam kong tama iyon, Meghan–," naputol ang sasabihin ko dahil tinawag ni Ma'am ang apelyido ni Meghan.

"Dela Torre! Meghan Dela Torre?!" Sisigaw talaga si Ms. dahil sobrang ingay.

"T-two po!" Nahihiyang sagot n'ya.

Fire Burning Where stories live. Discover now