Chapter 17

2.3K 100 120
                                    

Warning: Medyo SPG sya. Enjoy reading!

17

Dahan-dahan ko syang nilingon. Sumalubong sakin ang masama n'yang tingin. Napakapit tuloy sakin si Cliff, natakot siguro. Bumaba naman ang tingin ni Sir sa kamay ni Cliff. Napabitaw tuloy sakin si Clifford.

Tumikhim ako at hindi alam ang susunod na gagawin! Ang awkward. Pansin kong dala parin ni Sir Wrath ang paper bag.

"Baby, come here..." Mariing sabi n'ya pero hindi man lang gumalaw ng kaunti ang paa ko.

"Hoy, teh, come here daw." Sabi ni Clifford sakin kaya napabalik ako sa katinuan.

"Ha?"

Sir Wrath looks impatient right now. Lumapit ito sa gawi namin at hinila ako papalit sakanya. Napahawak tuloy ako sa braso n'ya. Ang tigas! Sanaol matigas.

Rinig ko ang impit ng sigaw ni Clifford sa gilid namin.

"Why are you with him here alone?" Huwag n'yang sabihin na nag-seselos sya kay Clifford? Sa bata?!

"N-nag-usap lang kami. Ikaw ba among ginagawa mo dito? Akala ko nasa office kana," sabi ko. Nagsalubong naman ang kilay nya. Mukhang hindi ata nagustuhan ang sinabi ko.

"Usap? About what?" Ang sungit talaga!

Halos yumakap na sya sakin kaya mas lalo akong nahiya dahil alam kong nakatingin samin ngayon si Clifford.

"Basta nag-usap lang. Bitaw na muna," pilit kong inaalis ang hawak n'ya sa bewang ko. He shook his head. "Bitaw." Seryosong sabi ko. Agad namang syang bumitaw sakin.

Pero agad ding humuwak muli sa bewang ko. Naiilang na hinarap ko ulit si Cliff. Kita ko ang putla sa labi n'ya. Mukha syang hihimatayin!

"Hoy, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sakanya. Akmang lalapit ako pero hinigpitan ang hawak ni Sir Wrath sa bewang ko.

"Stay here." Sabi n'ya.

"A-ayos lang ako. Oo, ayos lang talaga ako. Beh, pag ako hinimatay. Please sabihin mo nalang kay Ms. na e-excuse ako. Mukhang magkaka-heart attack ako ng wala sa oras."

"Huwag ka ngang mag-salita ng ganyan. Ano kaba, kumalma ka nga."

Agad namang syang nag inhale, exhale. Paulit-ulit n'yang ginawa iyon hanggang sa medyo kumalma na sya. "A-ano kong ibig sabihin nito Mr. A-aguas?"

"I'm her suitor. Nililigawan ko sya." Diritsong sabi ni Sir Wrath. Napatanga naman si Clifford sa narinig.

"H-hala di nga?!"

"Totoo ang sinasabi ni Sir Wrath, Clifford."

Kinakabahan ako sa magiging reaksyon n'ya. Huhusgahan n'ya rin ba ako? Lalayuan n'ya na ba ako dahil pumatol ako sa mas matanda pa samin? Kawalan n'ya talaga kung hindi na n'ya ako papansinin, ganda ko kaya.

"Pero bakit po? Hindi naman ito kagandahan si Alzera– aray! Joke lang eh! Pero seryoso, bakit si Alzera po? Tangina," hindi parin makapaniwalang tanong ni Clifford. "Hindi ko na ata keribells! Naistress na beauty ko."

Palipat-lipat pa ang tingin n'ya samin, tapos ay napapatingin sa kamay ni Sir sa bewang ko na nakapulapot. Kinusot-kusot n'ya pa mata n'ya.

"I wanna introduce myself to you not as the son of the owner of this school, but as Alzera's suitor. I'm Wrath Grit Aguas, my intentions are pure towards Alzera. I hope you can respect us and don't tell it to anyone as long as you don't have my baby's consent yet. I would really appreciate that."

"O-opo naman! Hindi naman ako news spreader... pero teka lang! Hindi pa nga ako maka move on sa nalaman ko, medyo expected ko na may kinalaman kayong dalawa pero hindi yong ganitong nag-liligawan na pala kayo. Masyadong low-key itong si Alzera, nako. Kurutin kita beh! Masyado n'yo naman akong pinapakilig. Sa inngit lang pala ako hihimatayin, charot!"

Fire Burning Where stories live. Discover now