Chapter 47

1.8K 86 79
                                    

Note: Update na ako kasi magiging busy na si em again. Keep safe, everyone! Enjoy!^^

__________________

47

Nabitawan ko ang phone ko dahilan upang natahimik ang tao sa loob. Napatingin ang lahat sakin. Bumukas ang pintuan. Tuluyan ko nang nakita kung sinu-sino ang nasa loob. Wrena and Wreck hurriedly ran to me. Wrena's face was shocked so Wreck is.

Kulang ang salitang durog na durog ako sa mga oras ngayon. Nataranta ako ng biglang hinakbang ni Sir Wrath ang pagitan namin at iwinaksi si Wreck at Wrena.

"B-baby. . ." Nangingig ang boses n'ya.

Sa mga taong nasa loob na hindi ako kilala ay puno ng pagtataka. Meghan is also here, magkatabi silang magkapatid. Kita ko ang galit sa mata ni Amanda habang nakatingin sakin. Si Meghan naman ay malaki ang ngisi.

Habang ako. . . ito. Ang maliliit kong hikbi ay naging hagulhol.

"B-baby. . . Please." Puno ng pagmamakaawa ang boses n'ya.

Tinabig ko ang kamay n'ya dahil hahawakan n'ya sana ako. I am so disgusted. I trusted him! At dahil anak n'ya ang dinadala ni Amanda, ibig sabihin non. . . he cheated?!

I felt so betrayed. May nag babadya naring luha sa mga mata n'ya. Wala akong pakialam kung marami ang makakasaksi sa kaawa-awang pangyayari sa buhay ko ngayon.

Tinikom ko ang bibig ko para pigilan ang malakas na iyak. Pero hindi ko iyon mapigilan. Kusa itong lumabas kasabay ng sunod-sunod na pag tulo ng luha sa mata ko.

Sobrang nasasaktan ako ngayon.

"Baby–"

"H-huwag mo akong tawagin ng ganyan." Mariing sabi ko habang umiiling. "R-respeto sa magiging ina ng a-anak mo. Don't ever c-call me again like that."

Hindi parin mag-papaawat ang luha ko. Akmang hahawakan na naman n'ya sana ako pero umilag ako. Kita ko ang sakit na dumaan sa mata n'ya habang nakaawang ang bibig na nakatingin sakin.

"N-no. Baby, no. H-hindi ako papayag. You can't leave me!"

Napatakip si Wrena sa bibig n'ya at nagsimula nang umiyak. Wreck looked away. Pati sila ay nasasaktan din, syempre, hindi sila magkakaganito kung hindi.

"G-gugustuhin ko mang manatili pero. . . hindi pwede eh, h-hindi na pwede."

Hinawakan n'ya ako sa mukha at pinahid ang luha ko pero buong pwersa kong tinabig ang kamay n'ya. Umatras ako. Hanggat maaari ay hinding-hindi muna ako magpapahawak sakanya.

Baka bumigay ako at ako pa ang magmakaawa sakanya na ako ang piliin n'ya.

"I'm not allowing it! You can't. You can't leave me, Alzera!" Desperado n'yang sigaw sa akin.

Mapait akong napangiti. Hanggang alaala nalang ba ako? Oh to be loved by him. To be loved by an Aguas. It is a dream come true to love him and to be loved by him, by my Sir Wrath. The question is, am I worth the risk of this fight?

Lumapit si Amanda at hinawakan si Sir Wrath sa braso pero sininghalan s'ya si Sir Wrath kaya napaatras ito. Sa akin naman s'ya nakatingin ng sobrang sama ngayon. Pero wala akong pakialam sakanya.

"Don't fucking touch me!"

Napaatras si Amanda at halatang natakot sa pag-sigaw ni Sir Wrath. Mukhang paiyak na s'ya at medyo napahiya.

"M-magkaka-pamilya na tayo. W-we don't need her!"

Hindi s'ya pinansin ng lalaki at nasa akin parin ang buong atensyon.

Fire Burning Where stories live. Discover now