Chapter 27

2.3K 103 27
                                    

27

"Don't you know how to fucking knock?!" Galit na tanong ni Sir Wrath sa mga kaibigan n'ya.

"Don't look at her!"

Agad akong tinakpan ni Sir Wrath gamit ang katawan n'ya upang hindi ako makita ng mga kaibigan n'yang nasa labas parin ng pintuan. Nakadungaw.

"Hindi naman talaga, ito naman! Ang init agad ng ulo."

"Binitin mo kasi, ayan, nagalit tuloy si Kuya."

"Birthday n'ya pa naman."

"Ikaw ba naman distirbuhin sinong hindi hi-high blood n'yan?"

"Told you, guys, sa baba nalang tayo mag-hintay."

"She's still a minor right?" Tanong ni Ckervo Asuncion na may dala na namang libro.

Nakita kung nakadungaw din ang ulo ni Krio Asuncion. Pag-bubulungan nila o nag-paparinig?

Bigla akong nahiya dahil sa ganoong pangyayari pa talaga nila kami naabutan! Hindi ko na alam kung paano ko sila hahaparin matapos nila kaming naabutan naghalikan. May namumuo ring pawis sa noo ko.

"Happy birthday, pare!—"

"Get out!" Pati ako ay napaigtad sa lakas ng boses ni Sir Wrath.

Nag-tutulukan pa sila bago nagsi-takbuhan palabas ng kwarto ni Sir Wrath. Iniwan nilang nakabukas ang kwarto kaya si Sir Wrath na ang nag-sara non.

"Nakakahiya."

Napahawak ako sa pisngi ko. Ang init non. Namumula siguro ata ako.

"Are you okay? Don't mind those bastards."

"Parang ayoko na lumabas."

"Should I kicked them out? Does their presence makes you uncomfortable?"

Dali-dali akong umiling. "Wag, grabi ka naman. Mga kaibigan mo kaya ang mga 'yon."

"Tss."

Ay nabitin ata kaya bad mood.

Naligo na ako para makababa na kami. Nagugutom narin kasi ako. Mabuti nalang at binilhan ako ni Wrena ng damit. Duda ako sa damit na 'yan, baka revealing na naman masyado.

Ang laki ng bathroom! Tapos ang linis pa. Glass door iyon. Kitang-kita talaga ang buo mong katawan. Maraming shower equipment sa gilid, organize iyon, kaya hindi ko mapigilang mamangha. May nakita akong pang-babae kaya nagtaka ako.

Aba sinong babae naman ang maliligo dito?! Nagdadala pala sya ng babae sa bahay nila? May binabahay na pala s'ya. Humanda sya sakin pag-labas ko. Tiningnan ko ang mga brands, siguro mahal iyon.

Pansin kong hindi pa naman nabubuksan at mukhang bagong bili pa kaya nawala ang pangamba ko. Mukhang para sakin 'to.

Sinadya ko talagang mag-tagal ng ilang minuto bago lumabas ng naka-towel lang.

Nag-dadalawang isip ako kung tatawagin ko ba si Sir Wrath para iabot ang damit o lalabas nalang ako?! Nakalimutan kong dalhin ang damit sa loob ayan tuloy rarampa ako sa harapan ni Sir Wrath ng naka-towel lang.

Dahan-dahan akong lumabas at dumungaw sa pwesto n'ya kanina. Salamat sa Diyos at nakatalikod sya sa gawi ko.

"Talikod kalang. Naka-towel lang ako." Sabi ko sakanya.

Pero matigas talaga ang ulo n'ya. Humarap ito sakin. Nataranta tuloy ako at napakapit ng mahigpit sa towel.

Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa tapos sa dibdib. . . nag-tagal ang tingin sa dibdib ko banda. Umigting ang kanyang panga sabay lunok. Napaayos sya ng upo at painosenteng naka-tingin sakin.

Fire Burning Where stories live. Discover now