Chapter 07

3.2K 128 135
                                    

Note: I love interacting with you guys in the comment section. As you can see, nag-rereply ako sa bawat comment n'yo HAHAHAH you guys are making my day complete. Thank you for reading! Iloveyou.

_________________________

07

KUMAWAY AKO sa papalayong sasakyan nila Clifford. Ang kulit din nang isang 'yon, kahit umaandar na sasakyan nila ay nilabas pa talaga ang kamay para kumaway sakin. Nakakatuwa. Sabi ko noon, wala akong balak magkaibigan kasi madami na akong kaibigan pero tingnan mo nga naman.

Tiningnan ko ang oras sa phone ko, 4:00 pm palang. Maaga pa naman. Yayain ko kaya si Wrena mag ice cream? Syempre, sya magbabayad. Mayaman naman 'yon eh. O dikaya si Sir Wrath? Pero mukhang wala sya sa mood kaninang umaga! Nakakatakot ang mukha n'ya.

Galit parin ba sya? Bakit naman sya galit? Sakin ba? Okay naman kami sa bahay ah. Baka niregla. Eme lang.

Tinext ko si Wrena para yayain pero nagdaan na ilang minuto ay hindi parin sya nakapag-reply,  baka naman busy. Napabuntong-hininga ako at naghintay nalang nang taxi. Marami pa akong gagawin kaya uuwi nalang siguro ako.

"I'll take you home, it's getting late..." Paigtad ako bigla sa gulat. Parang tanga naman oh.

Napalingon ako kay Sir Wrath nang marinig ko ang boses n'ya. Sumalubong sakin ang malamig  nyang mata. Nakapamulsa ang isang kamay at hawak ang susi kabila.

He looks exhausted yet still so handsome. Ang unfair talaga nang mundo. Mukha na ata akong bruha dahil na stress ako buong araw pero wala akong pake.

"Hindi na... Mukhang pagod na pagod kana rin po, S-sir." Mahinang sabi ko at kita ko ang inis sa mukha nito.

"Why? Dahil ba may susundo sa iyo?" Mariing tanong nito. Napakunot naman ang noo ko sa tanong nya.

"Ako po?" Turo ko sa sarili ko. "May susundo sakin? Sino naman? Nag-cocommute nga lang ako everyday," sabi ko sakanya. Mukhang hindi sya satisfied sa sinabi ko at may bakas na irita parin ang mukha n'ya.

Nako ang pogi naman! Sarap n'yang isako.

Pinagtitinginan na naman kami nang iilang estudyante na pareha ko ring nag-aabang ng masasakyan o nag-hihintay sa sundo nila. May iilan din nagbubulungan. Naiilang ako. Tusukin mo mata nila eh!

"Let's go..." Sabi n'ya at tumalikod pero hinawakan ko ang braso n'ya. Ramdam ko na natigilan sya dahil doon.

"Hindi na–" pinutol nya ako.

"Just fucking come with me, stop being stubborn." Malamig nyang sabi.

Mabuti nalang at wala na masyadong tao at nandoon sila sa kabilang lane at hindi mo mapapansin na si Sir Wrath ang kasama ko.

Napabitaw naman ako sakanya dahil doon. Ano bang nangyayari sakanya?! Sinamaan n'ya ako nang tingin kaya ganon din ang ginawa ko! Aba. Hindi ako magpapatalo no! Tinaasan ko pa sya nang kilay. Wala naman siguro akong nagawang mali para tratuhin n'ya ako nang ganito!

"Ayoko ngang sumama sayo! Ayoko!" Naiinis kong sambit saka nagpapadyak. "Bakit ka ba naiinis dyan? Ano bang ginawa ko?! Ha?" Iniwaksi ko ang kamay nya dahil akmang hahawakan nya ako. Mukha naman syang nasaktan dahil doon kaya nakonsyensa ako nang kaunti.

"Fuck... Come with me while I'm still cool or else I'll make you come with me with force." Diniin n'ya pa talaga ang huling word.

"Sabihin mo muna bakit ka naiinis o galit sakin? Wala naman akong ginawang masama."

"I'm not mad at you," mahinahong sabi nito. Lumambot naman ang mukha ko dahil sa sinabi n'ya. "It's just that... ah fuck..." Napakamot sya sa sakanyang batok at napaiwas nang tingin. Ang cute.

Fire Burning Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt