Chapter 41

2K 97 91
                                    

Note: Few chapters to go.

Pronunciation po sa Zicheous ay Zay-ke-yos. May nag-tanong kasi sakin pati narin kay Wrath - it's Rath po silent W.

_______________________

41

Para akong robot habang pauwi dahil sa mga nangyari ngayon. Una, pinili lang naman ni Sir Wrath si Amanda. Pangalawa, magkapatid si Meghan at Amanda, at ang mga pinagsasabi n'ya. Natatakot ako dahil may punto s'ya. Ano pa nga bang pinaglalaban ko? Pangatlo, iyong litrato namin ni Burgos.

Well wala naman akong pakialam doon dahil pwede ko namang sabihin kay Sir Wrath ang totoo. Alam ko namang paniniwalaan n'ya ako.

Napaigtad ako dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Mama. Nag-aalala na naman 'to panigurado. Napangiti ako dahil kahit wala sila sa tabi ko ay tumatawag at tinitext nila ako.

Napawi ang ngiti ko dahil hikbi ang sumalubong sakin sa kabilang linya.

"Ma, ano pong problema? Bakit po kayo umiiyak?" Natatarantang sabi ko.

"Ang P-papa mo anak. Nahulog sa ginagawa nilang b-building. N-nandito kami sa hospital."

Jusko naman. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa mga nangyayari. Kinalma ko muna ang sarili ko bago nag-salita.

"Saang hospital po, M-ma?" Nangingig na ngayon ang kamay ko at nanlalabo na ang mata ko. Wala sanang masamang nangyari kay Papa. "Pauwi na kasi ako, didiritso po ako d'yan."

I need to be strong for my family.

"St. John Hospital, anak. Mag-ingat ka ha, mahal na mahal kita." Rinig na rinig ko ang lungkot sa boses ni Mama.

"I love you, more, Mama." Saka ko binaba ang tawag. "Manong sa St. John Hospital po," mahinang sabi ko sa taxi driver.

Nanghihinang napasandal ako sa upuan at napapikit. What's happening? Pinahid ko ang luha sa gilid ng mata ko at ngumiti. Oo, tama. Hindi pwede maging mahina sa mga ganitong oras. Hindi nila pwede makitang mahina ako. Tama na siguro ang tatlong linggo. May limitations din pala ang pagiging mahina no? Ganito talaga ang buhay, kailangan mong maging matapang sa lahat ng oras.

Nag-bayad ako sa taxi driver at nagmamadaling lumabas. Pumasok ako sa loob ng hospital at pumunta sa receptionists. Tinanong ko ang room number ni Papa.

"Thank you po." I smiled at them.

Lakad at takbo ang ginawa ko para mahanap ang room ni Papa. Pero bago pa man ako makaliko ay may nahagip ang mga mata ko na pamilyar ang bulto. Hindi ako pwedeng magkakamali. It's Burgos and Amanda!

May inabot si Amanda na sobre kay Burgos.

Dahan-dahan akong lumapit sa gawi nila pero naharangan ako ng ilang nurses at doctors bago pa makalapit ng tuluyan. Napamura ako dahil wala na sila sa kinatatayuan nila kanina nang mawala na sa paningin ko ang barang.

O baka namamalikmata lang ako. Impossible namang si Burgos iyon, ano namang ginagawa n'ya dito? Pwera nalang kung kasabwat silang dalawa. Saka bawal lumabas ang pasyente lalo na pag buntis. Dito din pala s'ya naka confine?

Naalala ko bigla na si Papa ang sadya ko. Bumalik ako sa pinanggalingan ko at diritso na ang lakad hanggang sa makita ko si Mama sa labas ng isang kwarto.

"Ma!" Tinawag ko s'ya. Tinakbo ko ang pagitan namin at niyakap si Mama ng mahigpit. "Kumusta daw ang lagay ni Papa, Ma? Bakit naman kasi hindi nag-ingat 'yang asawa mo."

"Ewan ko nga d'yan sa ama mo, 'nak."

"Huwag kanang umiyak, hindi pa naman siguro mamamatay si Papa e ano?"

Fire Burning Where stories live. Discover now