Chapter 26

2.1K 82 28
                                    

26

"Aray. . ." Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko.

Gustuhin ko man na bumangon pero hindi ko magawa dahil ang sakit ng ulo ko. My head was about to explode! Parang biniyak.

"Inom pa." Boses babae iyon.

Napatayo ako at napatingin sa paligid ng marinig ko ang boses na iyon. Nanlaki ang mata kong napatingin sa isang lalaking prenteng nakaupo sa couch, matiim na nakatingin sakin.

Bakit ko sila kasama?! Si Wrena at Sir Wrath?!

Mas lalo tuloyng sumakit ang ulo ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Hindi ko 'to silid! Nataranta ako dahil ang alam ko ay nasa bahay ako!

Halatang lalaki ang may-ari ng kwartong ito. Namangha ako sa laki. Kalahati ata ng bahay namin ang laki ng kwartong ito. Ang ganda! Ang lambot din ng kama, mahal pa ata ito sa buhay ko. Chariz. Kung ganito siguro kalambot ang kama ko ay baka mag-hapon akong nakahiga.

"Sa labas lang ako, sumunod kayo sakin, Kuya." Paalam ni Wrenq sa kapatid nya. "By the way, good morning, bestfriend."  Ngumisi sya sakin at lumabas na.

Naiwan nalang kaming dalawa ni Sir Wrath kaya mas lalo akong kinakabahan.

Bumama ang tingin ko sa damit ko at sa ilalim ng kumot. Kumunot ang noo ko at kinabahan. . . bakit naka undies lang ako?! Tanginang ang malaking puting polo lang ang merong sout ako.

Hala, anong nangyare?! Pilit kong inaalala ang buong nangyari kagabi. Pumikit ako saglit para mag brainstorming. Char.

Kasalanan talaga ng mga kaklase ko ito. Tangina nila. Hindi ko na sila iimbetahan sa susunod. Mga bad influence!

Birthday ko, masaya kaming lahat, kainan, nagkasagutan kami ni Tita Fiona, palaro sa garden, tapos. . . nag-inuman. Ano pa?!

Napatigil ako sa pag-iisip dahil sumakit ang ulo ko. Tangina naman. Ito naba ang sinasabi nilang hangover?! Ayoko na talaga. Ang sakit naman pala sa ulo kinabukasan pero bakit may mga tao paring umiinom, baka sanay na.

Pinukpok ko ang ulo ko ng ilang beses para maalala kung ano ang sumunod na nangyari.

Nagpaalam ako para mag bathroom. . . tapos umiyak ako? Umiyak ako?! Bakit naman? Dahil hindi dumalo si Sir Wrath. Nagiging emosyanal pala pag lasing? Pero hindi naman ako lasing!

Tandang-tanda ko pa nga ang buong nangyari eh.

Tapos ang mga kaklase ko, nakauwi kaya sila ng safe sa mga bahay nila? Lasing pa naman ang mga unggoy na iyon.

Pupukpokin ko na sana ulit ang ulo ko pero may pumigil sakin.

"Stop it. Drink this first, it's pain reliever."

Napatingin ako sa lalaking nasa aking harapan. Sinimangutan ko sya sabay irap pero tinanggap parin ang binigay n'ya. Manigas ka d'yan! Hindi ka man lang nagpakita sakin kahapon. Kahit ilang minuto lang.

Pero may good side naman ang hindi n'ya pag punta, dahil hindi s'ya makikilala ng mga kaklase ko at ani pa ang sabihin ng mga non. Still, nagtatampo ako sakanya.

Umupo sya sa tabi ko kaya lumayo ako ng kaunti. "What?"

"Don't talk to me." Pagsusungit ko.

"Hmm? Do we have a problem, my love?" He asked softly. Parang may humahaplos sa dibdib ko sa lambing ng boses n'ya.

"Wala!"

"Why are you acting distant to me then?"

Umiling nalang ako. Baka kasi pag magsalita pa ako ay susumbatan ko s'ya. Hindi n'ya naman kasalanan iyon. Pero, kasi naman, hindi n'ya ako chinat! Walang update buong araw! Walang s'yang sinabi na busy s'ya. Slow ghost ba tawag don? Dapat sinabi n'ya nalang na hindi s'ya pupunta, hindi 'yong hindi s'ya sure. K.

Fire Burning Where stories live. Discover now