Chapter 48

2.1K 104 63
                                    

48

Pinilit ko sila Mama na umuwi na kami sa bahay. Ayokong manatili dito sa hospital dahil nalulungkot lang ako. Mas maalala ko lang ang anak ko. Pinag-bigyan naman nila ako Mama dahil alam kong naaawa din sila sakin. Kahit sobrang nag-aalala sila sa kalagayan ko.

Hindi ko narin nakita pa si Sir Wrath simula noong pinaalis ko s'ya. Hindi pa ako handa humarap ng kaibigan o ano.

Wala akong buhay sa mga nakalipas na araw. Walang gana sa lahat. Hindi makakain ng maayos. At palaging tulala. Naninikip parin ang dibdib ko sa tuwing maaalala ko ang pangyayaring iyon.

Wala akong kinausap ng matino, kahit sila Mama at Papa. I know they're trying their best to cheer me up. Magiging okay din ako. Hindi muna ngayon. Baka sa susunod?

Nagkukulong lang sa kuwarto ko at palaging tulala. Minsan nagigising ako ng madaling araw dahil napapanaginapan ko ang gabing iyon.

What if. . . hindi ako tumakbo?

Mahahawakan ko sana s'ya. Isa iyon sa pinakapinagsisihan ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Napitlag ako nang kalabitin ako ni Clifford. He smile at me. Hindi ko iyon sinuklian. I felt like it is a crime to smile after what happened. Wala na ata akong karapatan ngumiti.

"Okay ka lang ba?" Puno ng pag-aalalang tanong n'ya.

Ganon palagi ang tanong, bawat oras, wala na s'yang oras para kay Cruise dahil palagi s'yang nakasunod sakin dito sa school. Binabantayan n'ya ako. Sobrang na aappreciate ko pero hindi naman kailangan, I can manage myself.

Isang linggo nalang, second year college na ako. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang. Masaya pa ako. Ngayon. . . wala na akong karapatan maging masaya.

"Okay lang ako."

Kita ko ang sakit sa mukha ni Clifford. Hinila n'ya ako pa tayo at kinaladkad.

"Saan tayo pupunta?"

"May alam akong place, you'll surely like it!"

"Clifford, huwag na. May gagawin pa ako."

"Alam kong mag-aaral ka na naman! Wala ka nang ibang ginawa kundi ang mag-aral! Baka maging summa cum laude kana n'yan!"

He's right. Palagi akong tutok sa pag-aaral ko para i-distract ang sarili ko. Pag wala akong ginagawa ay wala akong ibang maiisip kundi ang pagkawala ng anak ko. And I'll end up breaking down. Umiiyak hanggang sa makatulog ako. I need to distract myself from the pain I am feeling for almost months now.

Pag inaaya ako nila Clifford na may gagawin daw kami ay hindi ko iyon pinauunlakan. Ayokong magsinungaling sa sarili ko na okay lang ako. Ayokong ngumiti ng pilit.

I haven't seen him for a month either. Maybe? He's taking care of Amanda and their. . . baby? Mapait akong napangiti. I wonder who comforts him these past weeks? Nag-aalala din ako sakanya. Hindi kailanman nag-landas ang mundo namin simula noong pumasok ako.

Hindi ko alam kung sino ang nasa nagpapatakbo sa paaralang ito. Mas mabuti na nga rin iyon dahil hindi ko s'ya alam kung paano ko s'ya pakikitunguhan at pahaharapin kung sakaling mag-kita kami.

Nasa kalagit-naan kami sa hagda ng makasalubong kami ni Wrena. Her eyes widened and her lips turns into a genuine smile.

"Saan kayo papunta?" Tanong n'ya kay Clifford.

"Rooftop."

Anong gagawin namin doon? Sana hindi nalang ako sumama. Nag-aral nalang dapat ako. Marami pa akong gagawin. So far, hindi naman bumaba ang grades ko. Consistent flat one, or 1.25, hindi na bumaba sa 1.75, na pinagpapasalamat ko. I didn't know if Sir Wrath has pulled strings for me. Wala na akong pakialam doon.

Fire Burning Där berättelser lever. Upptäck nu