Chapter 22

2.3K 93 8
                                    

22

Agad kong sinamaan ng tingin si Sir Wrath at binato ang wipes sakanya. Nasalo n'ya naman iyon. Nakita kong nakabukas dalawang batones sa top nya. Kita ko ang mga buhok doon, ang hot! Mukhang naghuhugas sya ng kamay dahil basa ang kamay n'ya.

"Bakit mo ako nilagyan ng kiss mark?!" Sigaw ko agad sakanya.

Lumapit sya sakin at tumingin rin sa leeg ko. Akala ko ay kakabahan din sya pero bigla syang ngumisi sakin.

"You look hot, baby. So fucking hot."

Agad ko syang hinampas. Mas lalo n'ya tuloy nadagdagan problema ko. Hindi sya nakakatulong!

"Let's eat first."

Napasimangot ako at inirapan sya. Deadma lang sakanya ang pagsusungit ko.

Wala akong magawa ng hilain na nya ako papunta sa mesa kung saan ang mga pagkain. Mabuti pa nga! Gutom narin kasi ako. Mamaya ko nalang problemahin iyon.

Habang kumakain kami ay hindi ko sya pinansin. Pag-ubos na pag-kain ko ay nilalagyan nya ng kung anu-ano. Wala naman akong reklamo dahil gutom rin talaga ako.

Masama parin talaga loob ko sakanya. Hanggang sa patapos na ako hindi parin ako umiik, ganon din sya. Kinuha ko ang cake at nilantakan iyon. Ang sarap!

"Gusto mo?" Hindi ko mapigilang alukin s'ya.

Umiling s'ya, may maliit na ngisi sa labi. "Nah, I'm good."

"Bahala ka."

Hindi ko sya pinansin at tinikman ang ibat-ibang dessert. Hindi na talaga ako mag-tataka kung tataba ako months from now!

"I bought concealer and a turtle neck to cover up."

Napalingon ako sakanya. "Talaga?" Nabuhayan ako sa narinig.

Imbis na sumagot ay dumampi ang kamay n'ya sa gilid ng labi ko. May ngisi sya sa labi. "Yeah. Stop sulking."

Naramdaman kung umalis sya para buksan ang pinto may kumatok kasi. Bumalik din agad syang may bitbit na dalawang paper bag. Louis Vuitton. Wews. Yamanin.

"Here." Inabot n'ya sakin.

Tinanggap ko iyon at tiningnan ang sa loob. "Thank you!"

"I'm sorry for the trouble."

"Huwag mo na ulit ako lagyan ng ganito, tamo, hindi kana makakahalik sakin!" Pananakot ko.

"Baby! You're lying." Natawa ako sa reaksyon n'ya.

Dumaan ang takot doon, natakot ba syang hindi na makahalik sakin? Ang babaw naman ng isang 'to.

"Hindi ako nagbibiro o nag-sisinungaling."

"No." Tinawanan ko lang sya. "Baby!"

Iniwan ko syang nakatulala doon at nag-tungo na sa bathroom. Mabuti nalang at color white ang binili na turtle neck, kung sino man ang bumili nila. Nice taste.

Tiningnan ko ang kabuuan ko sa salamin. Expensive ko tingnan eh hindi naman ako mayaman, palamunin pa nga eh!

Kinuha ko ang concealer tapos at nilagyan ko ang leeg ko kung saan ang malaking marka. Napailing ako. May lahi ba silang bampira?! Hindi ko napansin kanina na binabakuran na pala n'ya leeg ko. Hindi ko napansin iyon! Nag-padala na kasi sa init ng katawan. Ayan landi pa! Hindi pa naman kami mag-boyfriend.

Akala ko label inuuna, kiss pala?

Tiningnan kong muli ang leeg ko. Okay na! Napatapakan na ng concealer. Sama narin natin ang turtle neck. Ang init-init dito sa Pilipinas nagawa ko pang mag turtle neck! Ngayon lang naman eh.

Fire Burning Where stories live. Discover now