Chapter 06

3.1K 132 53
                                    

06

"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat kong tanong sakanya ng babain ko sya para pagbuksan. Ngiting-ngiti pa sya.

"That's not a proper way to welcome your visitor," nawala ang ngiti n'ya.

Sinipat ko ang sout nya. He's wearing a simple white polo shirt and a black trouser with white sneakers. Pogi. Naka tuck in pa 'yon.

"Ano ngang ginagawa mo dito? Papatayin ako ng parents ko pag nakita ka nila dito!" Nagpapadyak ako.

"Calm down," hinawakan n'ya ang kamay ko tila pinapakalma ako. "I'm here for a cuddle, you want cuddles right?"

"Nag-bibiro lang ako! Umalis kana!"

"I'm staying."

"Alis!"

"No."

"Biro lang 'yon!"

"Baby..."

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan!"

"Baby, please..." He pleaded. Nagpapaawa pa.

"Okay, fine. Pasok kana," letcheng buhay 'to.

“Marupok!” Sigaw ng isip ko. Pake mo ba?

Lumapad naman ang ngiti n'ya. Wala paman akong sinabi ay pumasok na sya. Feel at home yarn. Bakat-bakat ang t-shirt nya kaya naglalaway ako balikat n'ya. Ang lapad kasi! Nang mag sawa na ako sa kalandian ko ay tiningnan ko ang bahay namin kong magulo ba o hindi. So far, hindi pa naman.

Seryoso ba sya sa cuddle-cuddle n'ya? Bakit sya nandito? Sinundan ko sya papuntang kusina, saka n'ya nilagay dala n'ya. Pagkain pala laman non.

Kinakabahan ako baka bigla umuwi si Mama o Papa. Pero mamayang hapon pa naman si Papa, mabuti na ang sigurado baka kasi biglang umuwi 'yon at makita si Sir Wrath. Edi tuwang-tuwa ang isang 'yon!

"You should eat on time," sabi nya sa malamig na boses. Mas nadagdagan tuloy ang lamig na nararamdaman ko. Eme lang.

"Maaga pa naman, wala akong gana kumain."

"Kahit na, come here. Eat..."

Concern ba sya? Ano ba kami? Mag-guro? Natawa ako sa iniisip ko. Check the label. Gusto ko syang tanungin tungkol doon pero baka ma disappoint ako sa maaaring isagot n'ya kaya hindi nalang muna... sa ngayon.

Gusto ko masaya lang kami palagi, 'yon lang naman talaga ang gusto ko basta kasama ko sya. Kasi aaminin ko, mukhang hindi na simpling crush itong nararamdaman ko sa mga ipinapakita n'ya sa mga bawat nag-daang araw. Natatakot akong makompirma iyon sa sarili... O baka naman dahil bata pa ako at wala pang experience sa mga ganoong bagay kaya ako nagkakaganito? Baka naguguluhan lang ako? Kainis naman!

"Your thoughts must have that deep, what are you thinking?" Nagulat ako sa boses ni Sir Wrath na nagpabalik sa realidad ko.

"Ah wala 'yon! Sige na kain na tayo, tugom na ako," dali-dali akong naglakad papunta sakanya.

Kompleto na ang mga plato sa mesa, ready to eat! Akmang sasandok na ako ng napansin kong wagas sya maka titig sakin.

"Bakit?" Tanong ko.

Hindi parin sya nagsalita pero nakabusangot ang mukha. Ang cute naman ng baby na 'yan! Pakiss nga sa abs.

"Oy, bakit nga?!"

"I want you to sit in my lap... while we're eating." His ear reddened! Nahihiya ba sya? Ang cool kaya nang pagkakasabi n'ya.

Nabitawan ko ang kutsara ko sabay nanlaki ang mata. Seryoso ba sya?!

Fire Burning Where stories live. Discover now