Chapter 34

2.1K 94 23
                                    

34

"Saan naba boyfriend mo, teh? Baka mamaya, wala 'yan ah."

Bulaslas ni Sandra saka s'ya sumimsim sa juice n'ya. "Baka tama nga ang hinala kong nag-eelusyon ka lang!"

Napangiwi kaming dalawa ni Clifford sa sinabi n'ya. "Ginawa mo naman akong baliw, ganda kong 'to." Sabay irap.

Tiningnan ko ang si Richel na tahimik lang nakikinig samin nagbabasa ng libro. Si Joseph ay may katawagan sa labas, naka ngising aso. Nako, I smell something fishy. Si JC on the way pa raw, duda ako sa on the way na 'yan dahil kanina pa s'ya sabi nang sabi na papunta na s'ya.

Hindi naman kalayuan ang bahay nila. Mga ilang minuto lang. Baka naliligo pa 'yon.

"Hindi natin alam, baka marami kang problema sa buhay tapos nag-dedelu ka nalang para sumaya. Lalo pa at engineering ang course mo kaya sa stress na 'yan-"

"Beh, baka ikaw ang nabubuang na d'yan. Ganyan pala ang nasa medical field? Maraming sinasabi."

Bruhang babaeng 'to, ginawa pa akong baliw!

Tiningnan ko ang reply ni Sir Wrath. Parating na raw sya, na traffic lang kasi galing pa sa kompanya dahil nag ka problema.

Ako:

pwede namang next time nalang din baka sobrang busy ka talaga d'yan, my friends can understand hehe

My boyfriend:

Wait for me. Pupunta ako. I'm on my way, Florida's Coffee Shop right?

Ako:

opo. ingaaaat! loveyou, mahal (^^)

My boyfriend:

I love you so much, mahal ko. (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)

Nangingiti ako dahil sa emoticon n'ya, isama pa natin ang tawag n'ya sakin.

Ako:

dahan-dahan lang sa pag ddrive, patay ka sakin pag may malalaman na naman akong halos ipalipad mo na ang sasakyan mo pag hindi ako kasama

Nag-sumbong kasi sakin si Wrena na sobrang bilis pala talaga mag drive ng lalaking 'yon pag hindi ako sakay sa kotse n'ya. Todo suyo naman s'ya sakin. Syempre, marupok ako kaya naging okay rin agad kami makalipas ang limang oras na panunuyo n'ya sakin.

Tinakot ko s'ya kung uulitin n'ya pa ang nakasanayan n'ya ay makikipag-hinawalay ako sakanya. Wala lang ten minutes ay nasa labas na s'ya ng bahay namin may dalang malaking red roses bouquet. Kabado ang mukha.

Natatakot ako na baka may mangyaring masama sakanya! We never know. Hindi natin hawak ang buhay natin. Hiram lang ito.

Inaway ko na naman s'ya dahil bakit ang bilis n'ya lang makarating sa bahay eh medyo malayo ang Ferwell Subdivision samin. Malamang, sobrang bilis na naman siguro magpatakbo.

My boyfriend:

I'm sorry, baby. I promise, hindi na po mauulit. Don't be mad at me anymore, please.

He installed mini cam on my phone na connected sa mga sasakyan n'ya para malaman ko daw ang speed nito at kung saan s'ya pupunta. Thoughtful of him.

Dumukwang si Clifford para makitingin sa chat namin ni Sir Wrath. Agad kong nilayo ang phone ko. "Damot! Mga lason."

"Musta kayo ni Cruise?"

"Beh, nakakaumay s'ya landiin, sobrang seryoso sa buhay!"

"Kaya pa?"

"Keri pa naman. Pwede pasali nalang sa bebe time n'yo?"

Fire Burning Where stories live. Discover now