Chapter 01

4.4K 189 110
                                    

01

Parang ayoko ng pamasok sa school sa ginawa kong kababalaghan kahapon. No, ayoko kong marinig! Nababaliw na yata ako. Hindi ako makatulog kakaisip sa nangyari.

Di bale na, hindi ko naman siguro sya magkikita sa laki ng school. Agang-aga pa, na stress na beauty ko!

"Hindi ko dapat pinoproblema ito, dapat ang problema ang magpoproblema sa akin." Motto of the day.

Naligo ako para mag handa na. Nadatnan kong naka bihis narin sina Mama at Papa, papasok na ata sa trabaho. Hindi lang halata pero teacher Mama ko tapos Engineer si Papa. Tapos nagka-anak sila ng dakilang bobo. It's me!

"Zerang, nakahanda na baon mo. Saka 'yong pera nilagay ko na sa bag mo kagabi katangahan. Bumama kana dito anak!"

Naamoy ko na ang niluto ni Mama, nagutom tuloy ako.

Pagbaba ko ay sakto namang nakahain na. Tiningnan ako ni Papa mula ulo hanggang paa. Mang lalait na naman 'to.

"Okay kana ba dyan sa palda na 'yan, 'nak? Hindi ba masyadong maikli?" Tanong nya sakin. Nakahinga ako ng maluwag dahil Akala ko panlalait matanggap ko.

"Opo, Pa. Komportable naman ako dito," tumango lamang sya Papa at nagsimula ng magbiro. Hindi talaga buo ang araw namin pag walang asaran. I'm forever be grateful for having them, my home.

Medyo natagal ako dahil sa asaran namin kaya 15 minutes nalang late na ako! Gusto kong sisihin si Papa. Wala pang dumadaan na sasakyan, oh my God. Tanga ko kasi, hindi ko namalayang malalate na pala ako. Inborn na ata pagiging tanga ko.

Hindi ako pwedeng ma-late, Pre-Cal first subject namin. Importante 'yon. Baka mahuli ako sa discussion. Nakaalis na sila Mama at Papa.

Kahit maglakad ako kay malalate parin ako. No choice, nilakad ko ang papuntang crossing para doon na mag hintay ng taxi madaming dumadaan don. May five minutes din ang lakarin pero dahil nagmamadali ako ay ginawa kong 3 minutes.

Naupo ako sa waiting shed doon. Nilabas ko muna phone ko para mag picture at inistory yon sa Facebook. May caption pang, ”late na ako :)”.

Nag-angat ako ng tingin ng may humintong sasakyan sa harapan ko. Kidnapper?! Hala, wala akong pera. 300 lang binigay ni Papa. Jusko. Bago paman ako sumigaw ay agad kong namukhaan ang sasakyan. Ito yong kahapong muntikan akong sagasaan.

Dahan-dahang bumaba ang bintana ng sasakyan kaya agad kong natamaan ang gwapong mukha ng tao sa loob. Nasaan nayong may-ari nito? Yong panot? Baka magnanakaw tong si Sir. Baka masangkot ako sa kaso.

Mukhang hindi dininig ni Lord prayers ko kagabi na sana di kami magkita ng bago naming school Principal.

Gusto kong magtago sa hiya. Naalala ko na naman kagagahan ko kahapon.

"Get inside," rinig kong sabi nya. Tama ba ang narinig ko? Sasakay ako sakanya? I mean sa sasakyan nya? This is unexpected! Pero ika nga, expect the unexpected pero hindi ko talaga iniexpect ito.

"A-ako po ba?" Tinuro ko pa ang sarili ko baka kasi hindi ako, edi mapagkamalan akong assumera. Luminga-linga pa ako sa gilid ko baka kasi may nakikita syang hindi ko nakikita. Kinabahan tuloy ako.

"Stupid. May tao pa bang iba dyan bukod sayo?" Inirapan nya ako. Aba! Pogi nya ah, hihi. Ang pogi parin kahit mag sungit. Kainis!

Nagtataka ko syang tiningnan ng makitang bumaba sya sa sasakyan. Anong gagawin n'ya? Ang ganda ng OOTD nya for today's video ah. Para syang business man na may ka meet up na kliyente sa isang mamahaling restaurant.

Hindi sya mukhang principal! Mukha syang future asawa ko– luh? Erase, erase, erase! Ginagago ata ako ng isip ko eh. Tanggalin ko kaya 'to? Edi wala na akong utak, literal na bobo na ako. Bobo ko talaga.

Fire Burning Where stories live. Discover now