Chapter 39

1.9K 98 41
                                    

Note:

Nasa school ako while writing this chapter kahit na gabi na. I'm so busy, like, I definitely deserve to rest after these shits. Nag c-cram and procrastinate na ako sa mga schoolworks sa dami, I don't know where to start. 😭

_____________________

39

"Shhh, tahan na nga. Uhugin ka na naman, ang pangit mo na tingnan, ew." Panglalait sakin ni Papa na may halong pang-aalo.

"P-papa naman eh," humiwalay ako sa sakanya para samaan s'ya ng tingin. "Sumbong kita kay Mama."

"We're always here for you, 'nak. Kung pwede lang na ako ang sumalo sa mga hinanakit mo, matagal ko nang ginawa. Sobra nasasaktan din kami pag nakikita ka naming ganito. Hindi na talaga makakalapit ang potanginang lalaking iyon sayo."

Nandito ako ngayon sa kwarto nila ni Mama dahil mag-aalala daw sila pag ako lang mag-isa sa kwarto ko. Dahil wala akong ginawa kundi ang umiyak at umiyak dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Baka daw may gawin akong masama sa sarili. Muntikan lang, buti nalang naabutan ako ni Papa. Galit na galit si Papa kay Sir Wrath dahil sakanya nagkakaganon ako.

Bigla naman akong natauhan ng umiyak si Mama sa harap ko at nangangakong hindi ko na gagawin ulit iyon. Wala lang talaga ako sa tamang katinuan kaya ko naisipang gawin iyon.

Buti hindi ako natuluyan. Magkakatuluyan pa kaya kami ni Sir Wrath. Pero mukhang sa panaginip nalang iyon mangyayari. We can't be together now. May mas dapat pa s'yang isipin at unahin, at hindi na ako 'yon.

Pumasok si Mama na may dalang tubig kasunod si Chowchow at binigay sakin. Pagkatapos kong inumin ay nilagay na n'ya sa gilid. Sumampa s'ya sa kama at yumakap din sakin. Tumahol-tahol din si Chowchow at nakipatong sa gitna namin. Natawa ako ng mahina. Aww, my baby.

Naiiyak na naman ako. Tangina. Sobrang laki ng tulong sakin na nandito sila sa tabi ko. Hindi ko naramdaman na mag-isa lang ako ngayong I'm at my lowest point in my life.

Nag file ng leave ang Mama ko nang three weeks para may kasama ako dito sa bahay pag wala si Papa. Hindi narin pumasok si Papa sa work dahil sakin. Sinabi ko na hindi naman kailangan, kaya ko naman na ang sarili ko pero nag-aalala talaga sila. I don't want to be a burden to them.

Ibig sabihin, tatlong linggo narin akong hindi pumapasok dahil natatakot akong mag-kita kami sa school. Pumunta s'ya dito sa bahay pero hindi s'ya hinayaan ni Papa na makalapit sakin. He received multiple times of punch from my father for hurting me and making me cry.

I miss him so much. I miss his kisses and hugs. I miss our landians and laplapan, oo, pati iyon miss na miss ko na. Gusto kong mag-isip kaya kahit maaari ay huwag muna syang lumapit sakin. Baka mawala ako sa sarili ko.

Kailangan s'ya ng mag-ina n'ya kaya hindi ko alam kung bakit marami s'yang oras sa pag-punta dito sa bahay. Araw-araw. Walang araw na hindi s'ya pumalya kakapunta dito.

Kahit na gustong-gusto ko s'yang labasin ay yakapin at sabihing okay lang kami, tanggap ko naman na may anak s'ya sa ibang babae pero hindi pwede. Kailangan ko munang pag-isipan ng mabuti ang mga desisyon ko at hindi iyong padalos-dalos baka pagsisihan ko.

"Sobrang maga na ng mata mo," mahinang sabi ni Mama sakin.

Bumuntong-hininga ako. "Ikaw ba naman tatlong linggo iyak ng iyak sinong hindi magiging chinita n'yan mahal."

"Manahimik ka! Hindi ikaw ang kausap ko."

Hinaplos ni Mama ang buhok ko katulad ng ginawa n'ya sakin noong bata pa ako. May tumulong luha sa gilid ng mata ko habang nakapikit. Paano ba naman kasi, naalala ko na naman ang mga masasayang alaala naming dalawa kada pumipikit ako.

Fire Burning Where stories live. Discover now