Chapter 18

2.3K 90 32
                                    

18

Totoo nga ang sinabi nila na pag masaya ka, sobrang dali lang ng araw. Tatlong linggo na ang nakalipas simula ng pangyayaring iyon.

Sobrang nakahinga ako ng maluwag ng hindi natuloy ang dinner kuno daw ni Mommy Glends kasi nag overseas sila, silang mag-asawa.

Nanghingi pa sya ng paumanhin sakin dahil baka daw pinaghandaan ko na tapos hindi pala matutuloy. Natuwa nga ako eh!

At dahil rin sa sobrang bilis ng araw. Ito ako ngayon, nangangapa sa sobrang daming requirements para sa exam ngayong Monday.

"Hindi kasi ganyan. Habaan mo ng kunti, Pang." Sabi ko kay Papa.

Nagpapatulong ako sa pag draw ng bahay, e draw daw namin dream house namin kaya nag search ako sa google tapos pinagawa ko kay papa. Syempre dahil may engineer akong tatay, matic na sakin. Gifted din naman ako sa pag draw kaso hindi ko keri mag draw ngayon.

Ka chat ko kasi si Sir Wrath. Napangisi ako.

"Parang baliw to oh, ngumingiti mag-isa. Sa una lang masaya 'nak."

"Echosero ka! Bakit kayo ni Mama nag-tagal?"

"Syempre, sobrang greenflag ko. Alam mo namang kakaiba ang standard ng nanay mo, ibang level!"

"Hindi kaba natuwa, sa taas ng standard ko ikaw pinili ko?" Singit ni Mama, galing kasi sya kusina gumaguwa ng meryenda.

Tumayo naman ako para tulungan sya.

"Kaka-wattpad mo kasi 'yan mahal noong kabataan kapa." Sabi ni Papa.

"Sus, nakinabang ka naman sa pagiging wattpader ko. Kunwari kapa."

Nakinig lang ako sa usapan nila. Kagat-kagat ko ang homemade pan cake ni Mama habang nirereplayan ko si Sir Wrath. Weekends ngayon kaya rest day n'ya. Pero para saming mga estudyante, wala! Hindi na nagiging rest day ang weekends.

Kinakabahan na talaga ako sa upcoming exam namin. Pero malalaki naman quizzes ko, palagi rin akong natatawag sa oral recitation tapos nasasagot ko ng tama. Minsan pa nga nag-tataas ako ng kamay kahit hindi ko alam ang sagot. Gagi.

Ako: simba tayo bukas, ano g? (⁠.⁠ ⁠❛⁠ ⁠ᴗ⁠ ⁠❛⁠.⁠)

Sugarbunch: Anything for you.

Ako: baka busy ka, pwede ako nalang din. may dadaanan rin naman kasi ako, bibili ako ng supplies

Sugarbunch: Let's go together. I'll fetch you.

Ako: huwag na HAHAHAH kita nalang us doon sa church

Sugarbunch: No. Let's go there, together.

Ako: ikaw bahala

Sugarbunch: I love you so much, baby. (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)

Parang tanga naman kasi talaga 'tong gugong na 'to. Mabiro nga.

Ako: ayoko ng kiss sa chat, want ko sa personal 🥺

Napakunot ang noo ko dahil nakita ko itong active 1minute ago. Bastos na lalaki! Hindi man lang nag-paalam. Napabusangot ako dahil doon. Tinulungan ko nalang si Papa sa pag gawa ng project ko.

Nakakaumay! Nakakapagod mag-aral, wala bang ibang way para yumaman agad? Hay naku.

Inaliw ko nalang ang sarili ko habang hinihintay na mag online ulit si gors. Pabalik-balik ang tingin ko sa phone nagbabasakaling may chat sya ulit doon.

"Ma, bili tayo isang aso at pusa."

Sabay silang napatingin sakin.

"Kawawa naman, walang maiiwan dito sa bahay. Sinong magpapakain sa tanghali?" Sabi ni Mama.

Fire Burning Where stories live. Discover now