Chapter 09

2.6K 117 67
                                    

Note: Please, don't be confused if I mentioned unfamiliar places to you in this chapter. I used my provinces constituents because I'm not familiar with the places in Luzon and Visayas so I'll use the places here in Mindanao. By the way, I'm from Mindanao.

Ps. It's just a short update. Babawi ako. 🥺

_____________________________

09

MALAKAS AKONG NAPATILI dahil nakita ko ang pangalan ko sa list sa na-perfect sa quiz ni Ms. Sa sobrang saya ko ay wala sa sariling napayakap ako kay Sir Wrath.

"Told you... I'm so proud of you, baby." Sabi n'ya at ginulo ang buhok ko.

Pansin ko na palagi n'yang ginagawa sakin iyon. Ano ako aso?! Pero gusto ko naman. Di bale na, magandang aso ganon!

"Thank you!"

Nandon din ang pangalan ni Clifford, Jeff, Richel at Sandra. Siyam kaming exempted sa exam kasi kami lang din Ang na perfect. Sobrang saya ko tuloy. Panigurado aasarin ako ni Papa mamaya dahil ipagmamayabang ko talaga ito!

Napapansin ko rin na halos nang estudyante ay matatalino. Hindi sila tumatanggap ng estudyante na may 90 below na average. Ang high standard! Kahit pa ikaw ang pinaka-mayaman sa buong mundo kung bobo ka, hindi ka talaga magkapag-aral sa Grandeur University.

"Wanna come with me and see your present?" Napalingon ako sakanya at tinago ang phone ko sa bag.

"Ano ba kasing gift mo sakin?"

Pinagtiklop ko pa ang kamay ko na tila batang nag-hihintay sa candy n'ya.

"Let's go, we'll go there." He said in a plain voice saka pinaandar ang sasakyan.

Kahit nag-tataka ay hindi nalang ako nag-tanong. Saan naman kaya ako nito dadalhin? Sinabi ko kay Sir Wrath na mag chat muna sa parents ko baka mag-tagal kami sa pupuntahan namin. At dahil lowbat ako, phone ni Sir Wrath ang ginamit ko.

Hinanap ko ang gc namin mag-pamilya.

Alzera Hendoza: Maaaa, Paaa! Baka mag-tagal ako makauwi may pupuntahan pa kami nang kaklase ko.

Alona Hendoza: Okay anak, huwag mag-papabuntis. Loveyou 😘

Alzera Hendoza: mang naman, may gagawin lang kasama ang kaklase eh. buntis ka dyan, bigyan kita apo dalawa, tamo 😭😭😭

Vezenco Hendoza: Sus, anak HAHHAHA kunwari kapa, dumaan din kami sa ganyan. May jowa kana pala, bakit di ka nag tell?

Alzera Hendoza: pinagsasabi mo, papa? HAHAHAHAHAHAH

Vezenco Hendoza: Buti nalang may nagkamaling pumatol sayo 'nak HAHAHAHAH eme lang

Alzera Hendoza: pang😭😭😭

Alzera Hendoza: LF bagong tatay, bakit ganyan kayo sakin? hindi nyo ba ako mahal?😭😭😭

Alona Hendoza: By the way, may dumating na flowers at tatlong malalaking teddy bear dito para sayo daw 'nak. Sanaol HAHAHAHAH dalaga kana talaga

Vezenco Hendoza: Dati uhugin pa 'yan HAHAHA

Napairap ako sa sinabi ni Papa. Saka, anong teddy bear at flowers? Sino naman kaya nag-bigay non? May secret admirer ako?! Marami akong tanong sakanilang dalawa pero inasar lang nila ako. Mamaya ko nalang siguro sila tatanungin.

"Who are you texting?" Tanong n'ya sakin.

"Future parents-in-law mo po– este parents ko!" Ehe.

"Okay." Natatawa sabi n'ya at hindi na sya nag-salitang muli.

Fire Burning Where stories live. Discover now