Chapter 01

150K 2.8K 730
                                    

[Important note before reading:

This is a "cliché, boring, nonsense, fast-paced with flawed, red flag characters who keeps on making bad decisions in life" kind of story.

I write whenever I feel like it because it's my way of escaping from reality. I haven't re-read my stories after finishing it because I'm somewhat busy in life outside wattpad so you might encounter lots of grammatical, punctuation and typographical errors (I'll try to edit it if I got the chance so please bear with me.)

This book is free and no one is forcing you to read it. If ever you feel like it doesn't suit your standards then you're free to stop reading it without leaving harsh comments towards me, my characters and my stories.

We are all struggling in life so let's give each other a favor and mind our own business. Let's protect our peace of mind at all cost and stop stressing each other.

Thank you and I hope this story will give you comfort as I wanted it to be.]

CHAPTER 01

"IT'S just a bad day, not a bad life." Napaupo ako sa sahig ng isang lumang basketball court malapit sa apartment na inuupahan ko.

Alas siyete na ng gabi at kakauwi ko lang galing sa meet and greet ng super crush kong basketball player. Naka-sandal ako sa isang pader na maraming vandal, medyo madilim dito dahil walang ilaw bukod sa mga lamp post sa hindi kalayuan.

Huminga ako nang malalim. Ang tagal kong hinintay ang araw na 'to pero ang malas ... nasa harapan nya na ako at turn ko na para magpa-picture sa kanya pero biglang nag-cut off ang manager nya dahil may iba pa daw syang pupuntahan. Parang nag-slow motion ang paligid ko habang sinasabi ng manager nya ang mga salitang: "Okay, the meet and greet is over! May iba pang schedule si Ricci. We will post again on our page about sa mga magiging next event nya." tila may nababasag na salamin sa harapan ko habang tinitignan ko si Ricci na naglalakad na palabas ng party venue ng isang fast food chain sa SM na pinagganapan ng meet and greet nya, hinaharangan pa sya ng mga security guards sa mall para makalabas sya nang maayos dahil may mga fans pa na humahabol sa kanya pero ako ... naiwan doon mag-isa at tulala padin.

Todo ayos pa naman ako na nagsuot pa ako ng bagong order kong yellow fitted dress sa shopee na nilagyan ko sa ilalim ng isang white turtle neck long sleeve tapos naka-sandals pa ko na black na may takong dahil alam kong matangkad sya sa personal at isang maliit na sling bag na yellow din. Pinag-handaan ko talaga ang araw na 'to pero sa sobrang malas ko, ni hindi ko man lang sya naka-partner sa games tapos hindi pa ako nakapagpa-picture sa kanya ... para talaga akong pinag-sakluban ng langit at lupa.

"Ang malas mo talaga, Zivawn. Nandoon na e ... nasa harap mo na." Naiiyak na sabi ko. Halos limang taon ko na syang crush, limang taon na kong parang tanga na nagi-imagine ng mga bagay na kasama sya. Alam ko naman na imposible e, imposible na maging akin sya. Lord! Gusto ko lang naman makapagpa-picture sa kanya pero bakit ang hirap?

"Ricci Serrano, kailan ba ako magkaka-chance na makatabi ka? makapagpa-picture sa 'yo? makausap ka? mayakap ka? maka-date ka? Ah ... Ricci, nababaliw na ko." malakas na sabi ko at pinadyak-padyak ang mga paa ko dahil literal na nakalumpasay talaga ako sa sahig ng basketball court, wala na akong pakialam kung madumihan ang damit ko.

Nonsense naman ... nonsense ang porma mo, Zivawn!

Mabuti na lang talaga at walang masyadong dumadaan dito ng ganitong oras dahil sure ako na iisipin nila na nababaliw na ako dahil sa ginagawa ko.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon