Chapter 34

45.8K 1K 30
                                    

CHAPTER 34

NAPASANDAL si Ricci sa pader sa may Basketball Court. Hindi nya alam kung bakit sya napahinto sa tapat nito at para bang may humila sa mga paa nya para pumasok dito. Bago na lahat ... hindi na tulad ng dati. Bago na iyong itsura pati pakiramdam bago na ... hindi tulad noong una nya itong puntahan pero kung sabagay lahat naman nagbabago ... pati feelings ng tao.

He remembers when he asked Zivawn about this place, the day when he realized something.
***

"WHAT do you think of this place, Queen?" tanong nya dito after nyang maramdaman ito sa tabi nya. Hindi nya alam kung bakit alam na alam nya na kaagad ang presensya nito. Ganun siguro talaga kapag interesado ka sa isang tao na kahit hindi mo naman sya nakikita o naririnig, nararamdaman mo sya na parang hangin ... parang hangin na kailangan mo para makahinga.

Tinignan nya ito at nakita nya kung paano lumibot ang mga mata nito sa paligid ng court.

"Itong lugar na 'to ... parang safe haven ko. Dito ako lagi nagpu-punta kapag nalu-lungkot ako. Bukod kasi sa tahimik at walang tao na pumupunta kapag ganitong oras na. Gustong-gusto ko din iyong ambiance dito." Sambit nito. Kaya pala magaan din ang loob nya sa babae dahil pareho sila, pareho sila nang nararamdaman para sa lugar na 'to ... dahil sa itsura nito ngayon ni wala man lang taong naka-appreciate sa ganda ng lugar na iyon bukod sa babaeng nasa tabi nya ngayon.

"Alam mo kung pwede ko lang talagang kausapin iyong apo ng may-ari nito, gagawin ko e ... ipapa-realize ko sa kanya kung gaano kaganda ang lugar na 'to." Pasimple syang napangiti at sinabi sa sarili nya na napapa-realize na nito sa kanya.

"Do you think its really worth it?" tanong nya dito kasi kung O-oo ito, wala syang choice kung hindi ipaayos ito.

'Ang sarap sundin ng mga inuutos nya, gusto ko syang gawing reyna.' iyan ang nasa isip nya habang tinititigan ito.

"Ano ka ba ... Oo naman 'no! Sobrang worth it ng lugar na 'to atsaka sure ako na nalulungkot na iyong lolo nya ngayon habang tinitignan ang lugar na 'to, iniisip nun siguro kung bakit hindi di na binalikan ito ng Apo nya." Sabi nito. Mas lalong lumawak ang mga ngiti ni Ricci sa sinabi nito.

Sigurado sya na kung nandito ang Lolo nya ngayon, magugustuhan nito si Zivawn. Gustong-gusto kasi ng lolo nya iyong mga taong nakaka-appreciate ng inner beauty ng isang bagay, parang abstract painting na kung titignan ay parang magulo pero makahulugan.

Maya-maya pa ay biglang bumuhos ang ulan mula sa kalangitan. Mabilis nyang hinubad ang sumbrero nya para isuot dito. Sayang at wala syang jacket, mas romantic sana katulad sa mga pelikulang napapanood nya kung jacket ang isusuot nya dito. Hindi nya naman kasi akalain na uulan ngayon, napakainit kaya kanina.

"Let's go ..." saad nya dito at hinila ito papunta sa kotse nya. Basang-basa sya kaya naman hinubad nya ang damit na suot nya. Natutuwa sya sa reaksyon ni Zivawn nang makita ang katawan nya na para bang ito ang unang pagkakataon na may naghubad sa harapan nya. Ito nga ba ang una? sana nga iyon ang una dahil gusto ni Ricci sya ang maging una nito sa lahat. Una at huli, sana.

"Stop drooling ..." Kumento nya dito kahit hindi naman talaga naglalaway ito. Natutuwa kasi sya lalo na nang nakita nyang nag-panic ito para punasan ang gilid ng labi nya kahit wala naman talaga.

"I'll send you to your apartment, you should take a bath. I don't want you to be sick." sabi nya dito. Okay lang na magkasakit sya wag lang ito. Okay lang na sya kasi napapasaya sya nito ngayong araw. She made him realized something and he knows that she deserved a reward for that.

"Can I get your number?" tanong nya dito at kita nya kung paano nanlaki ang mga mata nito. Ang cute talaga ... Ito ang mukhang gustong-gusto nyang makita sa umaga paggising nya at makita sa gabi bago nya ipikit ang mga mata nya.

"I mean ... I need to contact you just incase you got sick because I felt responsible if ever that happens." Dahilan nya pero ang totoo naman ay gusto nya lang naman talaga itong makausap araw-araw. Agad naman na kinuha ni Zivawn ang cellphone nya at tinype ang number doon, tinawagan pa nito ang number nya para makasigurado ito. Lalabas na sana ito pero humarap na naman ito sa kanya.

"Uh, ano ... Itatanong ko lang kung kailangan ko bang magka-sakit para pwede kitang i-message?" tanong nito at bahagya syang napangiti. Ang cute sobra, kailan ba hindi magiging cute ito sa paningin nya? Ang cute tignan, parang siopao bola-bola.

"No, I don't want you to be sick but I will message you anyway." sagot nya kaya mabilis na bumaba ito mula sa kotse nya. Ngiting-ngiti si Ricci habang tinitignan ang number nito sa cellphone nya, agad syang nag-type ng message para dito.

'Please take care of my favorite cap, that's my thank you gift for making me realize something.' sabi nya sa text.

Ito ang unang beses na nanghingi sya ng number ng babae at ang unang beses na sya ang nag-approach sa babae. Mukhang pati si Zivawn madaming magiging una sa kanya, kung nagugustuhan nya na nga ito ... sinasabi nya sa sarili nya na gagawin nya lahat nang makakaya nya para walang humadlang sa kanila.
***

NAPAHILAMOS si Ricci sa mukha nya habang inaalala nya ang mga nangyari at kung paano sya nahulog dito. Lahat nang ginawa nyang bagay na never nyang naisip na magagawa nya sa buong buhay nya dahil dito. Sana pala, sana pala hindi na lang sya nito nakilala ... edi sana puro ngiti lang ang naibibigay nya para dito at hindi puro luha, sobrang nasasaktan sya kapag nakikita nya 'tong nahihirapan.

"I'm sorry ... I'm really sorry, Queen. Maybe, in a Parallel Universe there could be us ..." sabi nya sa sarili nya bago pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagba-badyang tumulo mula sa mga mata nya.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon