Chapter 05

55.2K 1.5K 264
                                    

CHAPTER 05

"DO you think she's okay?" Narinig kong tanong ni Mary kay Kamila.

"Mukha bang okay yan? Alam mo namang baliw na yan si Zivawn, bigla-biglang tumatawa." sagot naman ni Kamila habang busy sya sa pagkuha ng perfect selfie nya naipo-post nya sa instagram.

Nandito kami ngayon sa room at inaantay dumating ang Prof namin sa Editorial Management, mga isang oras nadin siguro syang late at 30 minutes na lang ay pwede na kaming umuwi dahil ibig sabihin nun ay free cut na. Ang mga Prof naman kasi dito sa University namin, hindi man lang nagi-inform kung papasok ba sila or hindi para sana hindi nasasayang ang oras namin sa paga-antay. Ang mahal pa naman ng tuition dito, maliit lang na University itong pinapasukan ko pero mahal padin ang tuition tapos madalang pumasok ang mga Prof kaya naman halos lahat kaming estudyante dito ay busy sa kanya-kanya naming trip sa buhay. May nagsa-soundtrip, may nagme-make up, may nagchi-chismisan, may nagba-basa ng libro kagaya ni Mary at may nagse-selfie kagaya ni Kamila. At ako ito, iniisip ko kung ano'ng ire-reply ko kay Ricci.

Halos isang linggo nadin ang lumipas simula nang kinuha nya 'yong number ko, isang linggo nadin kaming laging nagte-text at masaya ako. Sobrang saya ko na feeling ko araw-araw nakalutang ako sa cloud 9.

Alam ko naman sa sarili ko na ginagawa lang ni Ricci 'to dahil fan nya ko, aware naman sya na gusto ko sya at aware naman ako na isang Fangirl lang ang tingin nya sakin. Hindi naman na ko nage-expect ng higit pa, hindi tulad noong dati na hindi pa nya ko kilala na lagi kong kini-claim na in a relationship ako sa kanya sa panaginip. Ngayon kasi iba na ... magka-kilala na kami at gusto ko na lang syang maging kaibigan atleast sa ganung paraan pwede ko syang i-keep forever kung gusto nya.

Napatawa na naman ako nang malakas nang nakita kong nag-send na naman ng tiktok video si Ricci sa viber ko, hindi ko alam pero mukhang na-adik na ata sya sa tiktok dahil madalas syang mag-send sakin kahit nasa training sila. May tiktok na sumasayaw sya kasama si Blaze at may tiktok naman na nagi-spill sya ng mga hugot at ito nga iyong huli na hindi ko alam kung matatawa ba ko o kikiligin sa banat na 'to ...

'Pabili po! mighty pula! A, sarado? sarado? pwede pasok? sa puso mo?' tapos ngumiti pa sya nang nakakamatay at may lumabas pang mga puso sa paligid nya. Hindi ko tuloy napiligan ang kilig ko na halos mapatili na ko.

"Sinasabi ko na nga ba!"Agad kong tinago ang cellphone ko sa dibdib ko, hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala sila Kamila at Mary. Sila lang naman ang ka-close ko sa room kaya sila lang ang lumapit sakin.

"Sabi ko na nga ba si Ricci na naman, e." sabi ni Mary at tinignan nila kong dalawa na para bang may naaamoy silang something fishy. Hinampas ni Kamila ang kamay nya sa likod ng upuan ko na dahilan para mapatalon ang puso ko.

"Hindi ka ba talaga natututo Zivawn Queen Cazimer, 3rd year journalism student? May goal ka ba talagang tumandang dalaga?" tanong ni Kamila at inirapan ako.

"Ano ka ba Kams, kung magiging matandang dalaga man ako hindi naman ako nagi-isa 'no. Pareho lang naman tayo." Sabi ko, nakita kong umawang ang labi nya. Totoo naman 'yon kasi madami syang manliligaw pero lahat nire-reject nya dahil ang gusto nya lang naman daw sa isang lalaki ay kagaya ni Atty. Juan Alexandro Yuchengco ng Games Series ni Beeyotch sa wattpad, 'yong gwapo, matalino at higit sa lahat ay abogado. Gusto nya din daw kasi ng lalaki na ang magiging motto sa buhay ay 'Kamila or No One.' Ang Lala nya din kaya ... as if naman may ganun sa totoong buhay? Almost perfect kaya si Atty. Jax base sa kwento nya.

"Tse, atleast ako hanggang wattpad lang ang kilig ko 'no unlike you ... dreamy!" sagot nya at dumila pa sya sakin. Hinayaan ko na lang sya, alam ko naman kasi na ganun lang ang ugali nya. Ang hilig mang-asar pero kapag sya ang in-asar sobrang pikon pero at the end of the day sya din naman ang makikipag-bati.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon