Special Chapter 05: Mrs. Serrano

37.9K 866 38
                                    

Special Chapter 05: Mrs. Serrano

"MOMMY..." Narinig kong sabi ni Ricci after kong sagutin iyong tawag nya. Nasa office na kasi ako and he's on his training. Si Aki nasa school and balak ko syang sunduin after work ko.

"Busy ka?" tanong nya.

"Yup, may manuscript pa na kailangang tapusin Daddy e. Bakit?" sagot ko sa kanya. Ang dami kong need habulin since malapit na iyong due ng mga for edits ko.

"Nothing. I just wanna tell you I missed you. We haven't seen each other for a week na." sabi nya naman. Still conyo as he is, walang nagbago talaga. Sa kanya talaga nagmana si Aki pati way nang pagsasalita, e.

"Yes, right? busy ka sa first love mo, e." sabi ko sa kanya. Bio nya kaya dati sa IG iyong Ball is Life.

"Selos ka ba?" tanong nya, kahit hindi ko sya nakikita feeling ko nakangisi na naman sya. Trip nya laging asarin ako, ang landi-landi nya.

"Minsan oo e, gusto ko nalang maging bola minsan." Sagot ko naman. Mas madalas nya pang kasama iyon pero naiintindihan ko naman. Bago ko pa man sya makilala, ginagawa nya na 'to and I just want to support him in everything na gusto nyang gawin. Number 1 fan nya kaya ako.

"Taas naman ng pangarap ng Mommy ko, ngayon gusto nya na maging bola para makasama ako." He chuckled. Bully ...

"I'll pick you up later." Paalam nya.

"Ha? you're still on training, hindi ka pwede umalis dyan kaya." Sabi ko naman sa kanyaz I check his schedule for the training and kasama sa rules na hindi pwede umalis sa hotel habang nasa training pa.

"He said 'okay'. Baka hindi ako makondisyon kapag hindi kita nakita Mommy, matatalo iyong team nya." sagot nya naman. Namula ako. He still has a power to make me blushed, grabe ... kasal na kami pero grabe padin iyong epekto ng Ricci Serrano nato sakin.

"Did you really told him that?" tanong ko sa kanya. Why would he tell that to his coach?

"Yup, He's a married man and its not about making love Mommy. Miss talaga kita, ikaw mismo and si Aki. Naho-homesick ako dito." sagot nya naman. Ang lungkot ng boses pero ang gwapo padin pakinggan.

Grabe Lord, ang gwapo ng lahat sa asawa ko. Salamat po sa blessing.

"Okay, kung pumayag naman si Coach then pick me up later." Sabi ko sa kanya. Nagkwento pa sya saglit about his training before we ended the call kasi tinawag na ako ng Manager ko.

Its one thing na natutunan ko sa adulting, you need to understand each other's busy schedule lalo na at pareho kayong nagta-trabaho. Para naman ito sa future ni Aki at sa mga future babies pa namin, 'If will ni God' kaya kami nagta-trabaho ng ganito tho' ayaw talaga ni Ricci na magtrabaho na ko. Hindi kasi ako marunong sa gawaing bahay kaya I chose to just work, kaysa naman wala talaga akong silbi.

As he said he pick me up after work, nagtext na kasi sya na nasa baba na sya ng building kaya naman mabilis kong inayos iyong mga gamit ko. Nag-paalam ako sa mga kasama ko tapos bumaba na, hindi din kasi ako nago-overtime unless kailangan talaga and I promised Aki na susunduin ko sya sa school ngayon.

"Hey, Ms. Cazimer." Napalingon ako sa tumawag sakin bago pa man ako makalabas sa building. Nakita ko na si Ricci na nakasandal sa kotse namin kanina and nakita nya nadin ako kaya umayos sya nang tayo nya.

"Sir Ivo." Nakangiting bati ko doon sa tumawag sakin and then lumapit sya sakin. He's the CEO in our company, gwapo din ito kaya crush halos lahat ng mga empleyado but not me. I mean paano pa ko magkaka-crush sa iba e asawa ko na iyong ultimate crush ko? and mas gwapo si Ricci.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon