Chapter 49

63.8K 1.2K 130
                                    

CHAPTER 49
3RD PERSON'S POV

"TAMA na yan." sita ni Hunter kay Ricci at kinuha ang bote ng alak na hawak-hawak nito. Nandito sila sa bar na pagma'may-ari ng Ate ni Blaze ngayon.

Kakauwi lang ni Ricci galing sa america at sya ang unang tinawagan nito para samahan syang uminom dahil busy si Blaze sa law school nya. Hindi alam ni Ricci ang gagawin nya. It seems like everything around him is miserable.

First, he broke up with a girl he really loves because of Raven then he found out that Raven is just fooling him around.

Mabuti na lang talaga at nabaliw ito at naisipang laslasin ang sarili nya kaya nawalan ito nang malay at nadala sa Ospital. Inis na inis sya sa sarili nya habang sinasabi ng Doctor sa kanya na may problema si Raven sa pagi-isip kaya nya nagawa iyon sa sarili nya at nang tinanong nya ang Doctor tungkol sa sakit nito ang sinabi lang nito ay wala naman syang nakita na ganun.

She's perfectly healthy except sa utak nya. Sabi ng Doctor ay baka masyadong stress ang babae kaya nagka-ganun ito, parang binagsakan sya ng langit at lupa habang inaalala nya iyong araw na hiniwalayan nya si Zivawn dahil akala nya ay kailangan sya ni Raven kaya ito ang pinili nya.

'I need you too.' Iyan ang sinabi ni Zivawn sa kanya. She needs him too pero hindi sya nakinig dito. Bakit ba sya nito kailangan? Bukod sa mahal sya nito, bakit sya nito naging kailangan?

"I want her back." sabi nya kay Hunter, huminga ito nang malalim sa sinabi nya.

"Find yourself first, Cci. You look miserable." kumento ni Hunter sa kanya. Totoo naman ang sinabi nito. Kailangan nya munang hanapin ang sarili nya dahil ang gulo-gulo ng buhay nya ngayon.

First, he sends Raven to a Mental Hospital para mapagamot ito dahil naisip nitong tumalon mula sa building ng ospital noong araw na sinabihan nya itong tigilan na sya. Mabuti na lang talaga ay may isang Doctor na napigilan ito kung hindi habang buhay nyang sisisihin ang sarili nya sa mga nangyayari at baka matuluyan na din syang nasiraan ng bait.

Second, galit na galit sa kanya ang mga magulang nya dahil nga tinanggal na ng pamilya ni Raven ang mga shares nito sa kumpanya nila plus the fact na kailangan makulong ng mga ito ng ilang taon dahil sa kasong isinampa ng pamilya nito sa kanila para sa mga perang nautang nila sa kumpanya nila Raven na hindi na nila nabayaran kaya naman kinailangan nyang bumalik sa Pilipinas at ayusin ang sarili nya dahil dito naman talaga ang bahay nya.

"You know what, If Zivawn's here ... I don't think she'll come back to you, you're a mess bro! Ayusin mo muna sarili mo." suggest sa kanya ni Hunter at hindi na sya nakasagot dito dahil tama naman ito.

He has nothing ... he doesn't know what to do with his life, he has no where to go.
***

"COACH Paco wants you to join his team." Napahinto si Ricci sa pagpipinta nya sa pader ng Basketball Court nya nang may marinig syang nagsalita mula sa likuran nya, unti-unti nyang hinarap ito at nakita nya si Juan doon. Nakalagay ang mga kamay nito sa magkabilang bulsa nya. Paano nito nalaman na nandito sya?

"Go back to your first love and true love will find its way back to you." sabi pa nito. Inilingan nya ito.

"Ano? Dito ka na lang? Magmumukmok ... pipintahan ang buong court na 'to ng mukha nya? Paano kapag bumalik sya at ganyan ka?" tanong ni Juan kaya napahinto sya.

"She's trying to fix herself, sana ikaw din." dagdag pa ni Juan sa kanya at tinalikuran sya pero bago pa man makahakbang palayo ito ay tinanong nya na ang matagal nya nang gustong itanong dito.

"Where is she?" sambit nya, humarap si Juan sa kanya.

"She's fine ... I'm still wiping her tears for you as you told me too. So, do me a favor and fix yourself and I'll promise you that she'll come back to you kasi diba? No one can control someone's heart?" sagot ni Juan atsaka sya tuluyang tinalikuran at iniwan doon.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon