Chapter 22

36.1K 1K 197
                                    

CHAPTER 22

"ZIVAWN." Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Juan na nakatayo doon. Naka-formal na suot sya, sobrang gwapo nyang tignan kapag naka-tuxedo sya ... mukhang mabait at ibang-iba sa bad boy look nya kapag naglalaro sya. Saan naman sya pupunta?

Alas-sais na ng gabi at nandito ako ngayon sa Paint Studio para kunin ang pinaint ko na pina-frame ko dahil bukas na ang birthday ni Ricci, sobrang excited akong makita ang magiging reaksyon nya sa painting ko. Well, simple lang naman 'to at hindi naman ganun ka-bongga pero sana magustuhan nya.

"I'm on the way to Resorts World when I saw you, aren't you coming?" tanong nya kaya napahinto ako sa sinabi nya.

"Hindi ba sinabi ni Ricci sa 'yo?" Takang tanong nya pa nang hindi ako nagsalita. Umiling ako, wala naman syang ibang sinabi sakin bukod sa wag akong mag-open ng social media or manood ng balita ... hindi ko alam kung bakit nya sinabi iyon pero sinunod ko na lang sya.

"Ano bang meron Juan?" tanong ko, bahagya syang napahawak sa batok nya.

"Well today is Ricci's salubong party, birthday nya bukas." sagot nya kaya hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko ... he's throwing a party pero hindi man lang nya ako sinabihan, ano bang dapat kong maramdaman?

"Do you want to go with me?" tanong nya, napatingin ako sa suot ko. Naka-fitted dress at white rubber, parang hindi naman bagay doon lalo na at naka-tuxedo si Juan. Sure na lahat ng tao doon ay naka-formal.

"Well, I mean baka gusto mo lang?" sabi nya pa kaya tumango ako, para kasing gusto kong pumunta at makita iyon. Ayoko namang umuwi at isipin buong gabi kung ano'ng nangyayari sa party, gusto kong pumunta at gusto kong makita sya. Miss na miss ko na sya, isang araw ko lang syang hindi nakita pero miss ko na sya agad ... para na akong mababaliw.

Mukhang engrande ang magiging birthday nya dahil doon pa talaga gaganapin sa Resorts World, bumabawi siguro ang mga magulang nya sa kanya.

Napanganga ako sa laki ng lugar at ang daming tao, meron akong nakitang mga sikat na Business Tycoons sa mga nababasa kong magazine. Bakit nandito sila? ganito ba kahalaga ang birthday ni Ricci? 19th Birthday nya pa lang naman, ang alam ko 21 nagde-debut ang mga lalaki.

"Zivs!" Napatingin ako kay Kamila, nakasuot sya ng blue na gown at nakakapit sya sa braso ni Blaze. Invited sya pero bakit ako hindi?

"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa dahil para lang akong napadaan.

"Why are you here?" sabi naman ni Blaze na para bang hindi magandang idea na nandoon ako.

"Ano ka ba! Syempre andito sya." Sagot ni Kamila tapos bumitaw kay Blaze atsaka lumapit sakin.

"Maaga pa naman, tara sa CR. May spare dress pa naman ako sa car, papakuha ko lang kay Manong. Bakit naman ganyan ang suot mo? hindi ba sinabi ni Daddy Ricci na formal?" sabi nya at hinila ako. Hindi na ko sumagot sa kanya, ayaw ko namang sabihin na hindi naman kasi ako invited ... narinig ko pa kung paano sinabi ni Blaze kay Juan na 'Bakit mo sya dinala dito?' bago kami nakalayo. Ano bang problema kung nandito ako? the last time I check girlfriend naman ako.

Tinahak namin ni Kamila ang mahabang Corridor papunta sa CR pero napahinto kami nang may marinig kaming nagu-usap sa balcony.

"This is not working anymore, Hunter." sabi ng boses ng isang babae at nang sinilip namin ay nakita ko si Khazzandra at Hunter na nagu-usap, they were calm but it feels so cold.

"Yes." sagot naman ni Hunter na para bang wala lang sa kanya.

"I'm so fucking done with you, hindi ka naman ganito dati! you were the sweetest pero ngayon. Why? because of that Mary?" tanong ni Khazzandra at dama ko na pinipigilan nya ang pag-iyak nya. I look at Kamila when I heard Mary's name, ano'ng meron at bakit nya sinisisi si Mary?

"Don't blame her, Its my fault." sabi naman ni Hunter. Nakarinig kami nang malakas na sampal kaya naman mabilis akong hinila ni Kamila paalis doon dahil nakita nya na palabas na si Khazzandra at baka makita kami.

"Kams, ano'ng meron kay Hunter and Mary? Bakit naga-away yung dalawa dahil sa kanya?" Tanong ko and she took a deep breathe.

"Well, hindi ko din naman alam. You should ask Mary, basta ang alam ko lang bigla na lang silang naging close ni Hunter." sagot naman nya tapos nakita ko na dumating na iyong bodyguard ni Kamila at inabot sa kanya ang dress na pinakuha nya pati nadin ang sandals.

"Bihis na Zivs, mag-start na ang ceremony! Dapat maganda ka kapag nakita ka ni Daddy Ricci." sabi nya at tinulak ako papasok sa CR, napailing ako dahil hindi nya padin talaga dina-drop yung 'Daddy' sa pangalan ni Ricci.

Mabuti na lang magka-size kami ng paa ni Kamila kaya naman kasyang-kasya sakin ang sandals nya. Kulay yellow ang dress at napangiti ako nang naalala ko noong una kaming nagkita ni Ricci ...

'I like it if you were yellow dress ...' iyan ang sinabi nya. Matutuwa kaya sya kapag nakita nya ko ngayon?

Minake-upan lang ako ni Kamila saglit bago kami bumalik sa venue. Pumunta kami sa isang table doon kung nasaan sila Juan at napahinto ako nang makita ko si Ricci. He's wearing a red tuxedo, he looks so clean and gentleman ... para syang Prince Charming. How would a guy look so fine as him became mine? It's really too good to be true.

Unti-unti akong naglakad palapit sa kanya. He's talking with Blaze, nakaupo si Blaze at sya naman ay nakatayo. Seems like Blaze is trying to explain something to him kaya naman nakakunot ang noo nya at nang napatingin sya sakin ay nakita ko kung paano nawala ang expression sa mukha nya.

"Hi." bati ko nang nakalapit ako sa kanya at ngumiti. I expect na ngingiti din sya sakin na para bang na-surpresa sya na nandoon ako but I was wrong.

"Why are you here?" tanong nya na para bang hindi sya masaya na nakita ako.

I look at Juan, tumingin lang sya sakin ng seryoso. Hindi ko alam pero kakaiba iyong awra, it feels so uncomfortable and I feel like I wasn't welcome at all. Mali ata na pumunta ako dito kahit hindi naman ako sinabihan.

"Babe, there you are!" Napatingin ako sa babaeng tumawag kay Ricci mula sa likuran nya, nalaglag ang panga ko nang makita ko si Raven palapit samin. She's wearing a red dress na tila ka-partner ng red tuxedo ni Ricci, bakit nandito din sya? Magka-kilala ba sila?

"Oh, Zivawn ... nandito ka rin?" Parang gulat na tanong ni Raven pero ngumiti sya sakin, hindi ako nagsalita at tinignan ko lang kung paano kumapit ang mga kamay nya sa braso ni Ricci.

"Ano'ng ginagawa ng babae na yan dito?" bulong ni Kamila pagkaupo nya sa tabi ni Blaze pero hindi nagsalita si Blaze, lahat sila nakatingin lang samin. All serious ... walang gustong magsalita.

"Tara na babe! The ceremony is about to start." Raven says and I feel pain inside my heart. Why she keeps on calling him 'Babe'?

Naikuyom ko ang kamao ko, praying na sana hindi totoo ang nakikita ko.

"Susunod na lang ako." saad ni Ricci, Raven says okay bago kami iniwan. She's all smile na parang walang problema ... na parang hindi nya nararamdaman iyong kakaibang awra sa pagitan naming dalawa ni Ricci.

Tinignan ko lang si Ricci praying na sana magpaliwanag sya, kung bakit ganito ang nangyayari. Gusto kong sabihin nya na mali ang iniisip ko.

"I'll talk to you later." That's the only thing he said as he turns his back on me and walk away to follow Raven.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon