Chapter 37

46.8K 928 95
                                    

CHAPTER 37

"THANK you." Niyakap ni Raven si Ricci mula sa likuran nito nang makapasok sila sa kwarto pero dahan-dahang tinanggal ni Ricci ang mga kamay nya na nakahawak sa bewang nito.

"Can you leave me for awhile? I need to sleep ..." Pakiusap nito sa kanya at tamad na humiga sa kama kaya naman sinundan nya ito at humiga din doon. Sinubukan nya na namang yakapin ito pero tumalikod ito sa kanya.

"Please Raven ... I need me a peace of mind." saad nito kaya naman napatawa sya nang malungkot habang nakatingin sa likuran nito at mula sa pagkakahiga ay tumayo sya at unti-unting lumabas sa kwarto nito.

Sumandal sya sa pintuan kapag labas nya doon. She thought na magiging okay na lahat, akala nya kapag sumama ito sa America sa kanya ay magiging ayos na sila. Akala nya pero hindi pala ...

Agad na bumalik sa kanya ang mga ala-ala ng mga bagay na ginawa nya para dito, ano bang dapat nyang gawin para sya ang piliin nito?

Ipinikit nya ang mga mata nya at nakita nya doon ang mga scenario na ayaw nya nang maalala.
***

NAPATAWA sya nang mapakla habang pinapanood nya kung pano surpresahin ni Ricci si Zivawn sa basketball court. May dala itong bulaklak pati nadin isang malaking teddy bear.

"Are you crazy?" tanong ni Juan sa tabi nya dahil tumatawa na umiiyak sya habang pinapanood nya kung paano ilagay ni Ricci ang mga kamay ni Zivawn sa balikat nya at ang mga kamay naman ni Ricci sa bewang nito.

"That should be me ..." kumento nya. Kasi sya naman talaga dapat iyon ... dahil nauna naman sya, kung sya ang magke-kwento ng istorya na 'to siguradong sya ang bida at si Zivawn naman ang kontrabida.

"Well, its not ... maybe its time to move on." sabi ni Juan sa tabi nya kaya naman tinignan nya ito ng masama. Minsan hindi din talaga maganda sa pandinig nya ang pagiging straight forward na tao ni Juan. Minsan lang magsalita pero pag nagsalita tagos sa buto lagi ang sinasabi.

"No ... He's mine! He's going to be mine! Mark my words, Juan!" Inis na sabi nya dito bago naglakad pabalik sa kotse nya. Agad nyang tinawagan ang Mama ni Ricci kapag dating nya sa condo nya.

"Tita." Umiiyak nyang tawag dito nang sumagot ito sa kanya.

"Why? are you crying hija?" Naga-alalang sabi nito.

"He's with someone else. He's with someone else ... Tita!" Iyak nyang sabi dito, humikbi sya nang malakas para marinig nito lalo.

"Who? don't cry hija! I'll talk to him, don't you worry. Stop crying okay? I will do something about it." Pag-assure sa kanya ng Mama ni Ricci kaya tumango-tango naman sya dito kahit hindi naman sya nakikita nito.

Agad nyang inabot ang gamot nya na nakalagay sa lamesa at ininom ang ilang piraso nito nang sabay-sabay bago kinuha ang isang baso ng tubig na naka-ready na doon.

"He's mine ... He's mine ..." Mahinang bulong nya sa sarili nya habang yakap-yakap ang tuhod nya.
***

"RICCI, Hijo." Nakangiting bati ng Mama nya kay Ricci nang makarating ito sa dinner na hinanda nila para dito.

Bakasyon naman na ng mga estudyante sa Pilipinas kaya naman nagawa nilang pabalikin ito sa America. Hindi alam ni Raven kung ano'ng sinabi ng Mama ni Ricci dito para mapapunta ito pabalik sa America. Knowing Ricci ay ayaw na nitong bumalik doon dahil sumasakit lang ang ulo nya tuwing sinasabi ng mga magulang nya na ikakasal si Raven sa kanya.

Tahimik na umupo si Ricci sa tabi nya at sa itsura nito ay halatang nagulat ito sa mga nangyayari sa paligid nya.

"How was the Philippines, hijo?" tanong ng Mama nya dito.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon