Chapter 46

60.6K 1.3K 399
                                    

CHAPTER 46

"WHAT? When did it happen? Nasaan kayo? fuck shit Blaze! c'mon ... magsalita ka naman." Sigaw ni Juan sa kausap nya sa phone. He looks so nervous kaya kinabahan din ako lalo na nang nagsimula syang maglakad pabalik-balik sa kinatatayuan nya.

"Ano? tell me ... Saang Ospital?" tanong nya pa dito at kitang-kita ko ang pamumutla ng mukha nya kaya pati ako ay nag-freeze sa kinauupuan ko habang tinitignan ko si Aki na nakaupo sa tabi ko at busy sa panonood ng cartoons sa tablet nya.

Bakit kinakabahan ako? Ano'ng nangyari? Napahawak ako sa puso ko habang inaalala ko ang mga sinabi ni Ricci kagabi.

"Do you wish me to die, Zivawn? Do you at one point of your life, don't want to see me anymore?"

No ... hindi nya magagawa iyong kung ano mang naiisip ko ngayon. I'm sure enough that he's not going to do that.

"Where are you going, Juan?" Nauutal na tanong ko sa kanya nang kinuha nya ang jacket nya na nakatungtong sa gilid ng sofa. He looks at me at kita ko ang takot sa mga mata nya.

"Ricci." sagot nya at nanginginig kong tinignan si Aki sa tabi ko na napatingin din kay Juan nanv marinig nya ang pangalan ng tatay nya.

"I'll text you later. I need to go." Paalam ni Juan at mabilis na umalis na, para bang may nabasag na kung ano mang babasagin sa harapan ko.

Ricci ... why? what did he do? what happened to him?

"Mom ..." tawag sakin ni Aki nang makita nyang tumulo ang mga luha mula sa mata ko. Agad ko syang binuhat at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Mary.

"Okay, okay. Calm down Zivs, we're on the way okay? It's in news everywhere. Hunter and I will pick Aki up there. Please stop crying." Pagsagot ni Mary sa tawag ko.

Mabilis ko namang inayos ang mga gamit ko at ni Aki pagkatapos ay hinila ko sya palabas ng condo unit namin dahil pinapasundo ko sya kay Mary. Hindi nya muna pwedeng malaman unless maging okay si Ricci, ayoko syang mag-alala. He's too young to understand things like this.

"Mom, what's happening? why Tito Juan is in rush and where are we going?" Sunod-sunod na tanong nya habang nasa elevator kami pero wala akong masagot sa kanya.

"Hunter will send you there. Aki! Let's go, Tita will bring you to the mall. Let me buy you toys." sabi ni Mary at kinuha si Aki mula sakin. Nginitian ko naman sya nang malungkot at inassure nya sakin na babantayan nya si Aki kaya naman sumakay na ko sa sasakyan ni Hunter.

"He'll be fine ..." sabi ni Hunter na nagda-drive sa tabi ko dahil nakikita nya kung paano ako nanginginig habang kinakagat ko ang kuko ko. This should'nt be happening. No way.

"He's gonna be okay. Masamang damo 'yon." sabi pa niya pero hindi ako makasagot sa kanya.

I know na sinasabi nya lang naman iyon para gumaan ang pakiramdam ko pero alam ko naman na pati sya ay naga-alala na din para sa kaibigan nya. Ano bang naisip ng Ricci na iyon? Is he crazy? Bakit nya gagawin iyon for me? Hindi nya man lang ba talaga iniisip ang nararamdaman ko pati ng anak nya? Ang sama-sama nya talaga sakin.

"Zivawn." Pagsalubong sakin ni Kamila at agad ko syang niyakap. Blaze and Juan is beside her at nakatulala ito habang nakatingin sa isang kwarto sa harapan namin.

"Where is he?" I asked Kamila. I know this is the first time I saw her after 5 years but I'm still comfortable with her. Walang nagbago ... she's still my bestfriend.

Tinuro nya ang kwarto sa harapan namin at mabilis naman akong sumilip doon at kita ko na ang daming tao sa loob at tila ba nago-operasyon ang mga ito.

"What happened to him?" tanong ko kila Blaze nang napaharap ako sa kanila.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon