Chapter 39

49.3K 1.2K 97
                                    

CHAPTER 39
ZIVAWN'S POV

"NASA labas si Juan." Ani ni Papa pagbukas ko ng pintuan. Alas-dos na ng hapon, kakagising ko lang. Kasama ata sa pagiging buntis ang maging antukin kaya naman after kong kumain ay inaantok talaga ako. Tumango ako kay Papa kaya naman sabay kaming naglakad papunta sa salas.

Nandoon nga si Juan. Madalas nya akong dalawin dito at dinadalhan ng mga prutas. He even told me to tell him kapag nag-crave ako sa kung ano para mabili nya. Ang baliw lang kasi parang ang lapit naman ng Pangasinan sa Maynila. Palagi ko nga syang sinasabihan na hindi nya na ako kailangan puntahan dito pero makulit padin sya. Monthly nya ata akong pinupuntahan at ngayon ka-buwanan ko na. Time flies so fast, in few days or hours or second, pwede na lumabas itong baby na nasa tiyan ko.

Hindi naman gaanong malaki ang tiyan ko, sakto lang. Sabi nila ganito daw talaga kapag unang anak. Sinisigurado ko naman na naiinom ko lahat ng vitamis ko at kumakain din ako ng tama sa oras, I also drink milk kahit na ayaw ko ng lasa nun. Regular din ako na nagpapa-check up para ma-assure ko na healthy si Baby sa loob.

Excited na kasi akong makita sya knowing na he's a boy. Okay lang din naman kung babae pero dinasal ko talaga na sana lalaki. I never see myself loving again kasi ... alam kong maaga pa para sabihin pero sa ngayon wala na talaga sa isip ko na mag-mahal pa ng iba. Atleast ngayon, alam ko na may isang lalaki na ang magmamahal at makakasama ko buong buhay ko bukod kay Papa.

"Kanina ka pa?" tanong ko kay Juan at umupo sa tapat nya. May dala na naman syang isang basket ng mga prutas at hindi nya talaga nakalimutan iyong lansones dahil iyon ang pinaglilihian ko lately, hindi pa naman panahon ng lansones ngayon kaya sa tingin ko nahirapan si Juan na hanapin iyon. February na kasi.

"Nope, kakarating ko lang. How are you?" He asked. Hindi ko kasi sya madalas ma-replyan sa text dahil nadin umiiwas akong humawak ng cellphone. Bawal kasi akong ma-stress. Tuwing hawak ko kasi ang phone ko nagkaka-urge ako na mag-search about kay Ricci at nasasaktan lang ako. There's no latest news about him and Raven but Raven's last post on IG ay iyong pauwi na sila sa America. Ayoko naman na magtanong kay Juan kasi baka hindi ko magustuhan iyong magiging sagot nya.

I need to get over this feeling alone. Ako naman ang may gawa ng pain na ito sa sarili ko, kasalanan ko kasi umasa ako kaya kailangan magtiis ako. I need to be strong kasi hindi na lang ako mag-isa, meron isang bata sa loob ng tiyan ko na sigurado akong makapagpapabago sa buhay ko.

"I'm good. Malapit na syang lumabas." Sabi ko sa kanya. Ngumiti sya sa akin.

"Yeah, I told you ... malakas ka. You really don't want to tell Ricci about this?" He asked. Umiling ako. Okay na sya at ayoko naman na guluhin pa sya. I always told myself na gusto ko lang na maging masaya sya and he broke up with me already, pinili nya si Raven and that made me realize na hindi nya talaga ako ganun ka-mahal para ipaglaban nya ako.

"You know what, the two of you would be perfect for each other if Raven is not in the picture. Sa 'yo ko lang nakita si Ricci na ganun. He was just torn because of the things that's happening." Juan said. I smiled at him because he always says that. Siguro nga ... pero baka isa lang din kami talaga sa mga pinagtagpo pero hindi itinadhana.

"Ah." Napahawak ako sa tiyan dahil biglang sumakit iyon. Feeling ko ay may mawawasak na kung ano sa ibabang parte ko. Nanlaki ang mata ni Juan dahil namimilipit na ako sa sakit. Maging sila Mama at Papa ay napalapit nadin sakin.

"Manganganak ka na anak." Ani ni Mama. Mabilis na tumakbo si Mama sa kwarto ko para kunin ang mga gamit ko at sinabihan si Papa na ayusin ang sasakyan para makapunta na kami sa Ospital.

Napapapikit lang ako dahil damang-dama ko kung paano humilab ang tiyak ko. He's coming out ... makikita ko na sya...

Sumama si Juan sa amin sa Ospital. Natataranta si Mama habang sinasabihan nya si Papa na bilisan kong mag-drive dahil pumutok na ang panubigan ko.

Pinasok ako sa emergency room. I don't know whats happening anymore. The Doctor keeps on asking me questions and I just keep on answering her.

Malapit na daw lumabas iyong baby dahil nasa bungad na ang ulo nya. She told me to take a deep breath at umiri at ginawa ko naman. I keep doing that until finally lumabas na iyong baby ko ... I sigh heavily, para akong nabunutan ng tinik sa loob ko lalo na nang marinig kong umiyak iyong baby ko at inabot iyon sakin ng OB after nyang putulin iyong pusod naming dalawa na magkadikit.

I look at him, mas lalong tumagas ang luha ko when I saw that he looks exactly like him. Ilong pa lang ay masasabi ko na na magkamukha silang dalawa. Bakit naman ganito? kailangan ba talaga lahat na lang ng bagay sa paligid ko ay magpapaalala sa akin sa kanya?

"Thank you, baby ... hindi mo pinahirapan si Mommy." Saad ko at tinitigan pa sya saglit bago sya kinuha sa akin ng OB para dalhin sa nursery.

"Ano'ng ipapangalan mo sa baby mo?" Tanong sa akin ng isang nurse, she was holding a paper at in-interview nya ako about sa baby ko.

"Drake ..." Tumingin ako kay Juan na syang nagbabantay sa akin, hindi padin sya umuuwi. Sila Mama ay nasa labas para bumili ng makakain namin.

"King." Sabi ko pa. Dinig ko kung paano huminga nang malalim si Juan.

Madami pang itinanong sa akin ang nurse bago nya kami iniwan.

"Drake King, nice name ..." Juan commented as the nurse get out of my room.

"He was still his son ..." sagot ko.

"So you have plan to introduced him to Ricci soon?" Tanong nya.

"You know that it was impossible." sabi ko naman. Wala na sya dito sa pilipinas at ikakasal or kasal na ata sila ni Raven, magkakaroon sila ng sariling pamilya at ayoko naman na guluhin pa sila.

"Well, if its meant to be ... it will be. For now, take care of yourself and Drake King. Call me when you need anything." He said.

"Call him Aki at salamat sa lahat, Juan. You shouldn't do these things kasi hindi naman ikaw ang Ama nya, you should focus on yourself ... masyado na kitang naabala." sabi ko sa kanya. Nakakahiya din kasi na palagi syang bumabyahe nang malayo para lang puntahan ako.

"Its alright ... I told you, I got you always." saad nya at ngumiti sya sa akin.

Maya-maya ay nag-ring ang cellphone nya at nakita ko na tinatawagan sya ni Mary.

"Your friend seems to have problem, since you can't check on them now ... I'm checking them up for you. Don't worry about them." Paliwanag nya na tila ba nababasa nya iyong nasa isip ko.

"Thank you, Juan." Pasalamat ko sa kanya. Mary might look intimidating but I know she has a soft spot, I don't know what her problem is but good to know that Juan is there for her.

"I'll answer this first." sabi ni Juan kaya tumango ako sa kanya bago sya lumabas sa kwarto at sinagot ang tawag ni Mary sa kanya.

After a few moments, dinala na sa akin ng nurse iyong baby ko ... ang gwapo-gwapo nya, ang kapal ng kilay nya at ang tangos ng ilong nya. He really does look like him and I can't deny it.

In February 22 ... I gave birth to a 7.4 lbs baby boy named Drake King ...

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon