Chapter 14

39.7K 1.1K 126
                                    

CHAPTER 14

BAKASYON na at nandito ako ngayon sa bus pauwi sa Pangasinan. Ewan ko kung bakit sobrang lungkot ko, parang ngayon lang ako nag-bakasyon nang malungkot kasi dati naman sobrang excited ko laging umuwi sa amin para makasama at maka-kwentuhan si Mama at Papa.

Bukod kasi na galit sakin si Mary at hindi nya sinasagot ang mga tawag at text ko, hindi ko din ma-contact si Kamila. Alam nya na kaya? alam ko na magagalit din sya kapag nalaman nya na tinago ko iyong tungkol samin ni Ricci, hindi naman sa hindi ako masaya na uuwi ako pero parang ang lungkot lang na isipin na magba-bakasyon ako na hindi kami okay ng mga kaibigan ko.

Si Ricci naman, nagba-bakasyon sa America dahil iyon ang gusto ng mga magulang nya at sabi nya baka abutin sya doon ng dalawang buwan. Ang tagal naman kung ganun nga talaga ang mangyayari.

"Nandito na pala ang aking Unica Hija." bati ni Papa sakin pagpasok ko pa lang sa bahay kaya niyakap ko sya, ganun din naman si Mama. Nakita ko na madami na naman silang hinanda dahil alam nilang uuwi ako at tuwing uuwi ako hindi talaga nawawala ang paborito kong pigar-pigar sa lamesa.

Masaya lang kaming nagsasalo-salo, nagke-kwentuhan ang mga magulang ko at tiyahin ko about sa bukid pati nadin sa mga chismosa naming kapitbahay. Tawanan sila nang tawanan bago napunta ang atensyon nila sakin.

"Ikaw ba Kwinkwin ay may nobyo na?" tanong ng Tita ko na panganay na kapatid ni Papa, Kwinkwin ang tawag nila sakin dito sa probinsya na nakuha sa 2nd name ko na Queen.

"Ano'ng nobyo-nobyo ka dyan? hindi magno-nobyo yang anak ko hangga't hindi sya nagiging successful. Diba anak?" sambit naman ni Mama, lagi nya kasing sinasabi sakin na dapat makapagtapos muna ako at makapag-trabaho bago ko isipin ang makipag-relasyon. Hindi ako sumagot sa kanya at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko.

"Oo nga naman Kwinkwin, wag ka gagaya dito sa mga pinsan mo na 'to na maaga nagsipag-asawa." sabi pa ng isa kong Tita. Hindi ko alam kung bakit ganun ang mindset nila sa probinsya, na kapag nagka-boyfriend ka ay mabubuntis ka na agad.

Agad akong pumasok sa kwarto ko nang matapos kaming kumain, gusto ko na kasing magpahinga talaga dahil nahihilo talaga ako tuwing buma-byahe. Humiga ako sa kama ko at tinignan ang cellphone ko pero nakaka-disappoint lang na walang nag-reply sa message ko kahit isa, kahit si Ricci. Nang mga nakaraan naman ay nakakapag-reply pa sya pero ngayon kahit 'hi' man lang, wala. Bakit ba kasi biglaan ang pag-uwi nya sa America? sabi nya sakin meron pa daw silang summer league kaya madalas syang mag-training pero bigla nyang sinabi na pinagba-bakasyon sya ng mga magulang nya sa America at kailangan nyang pumunta dahil urgent, hindi naman na ako nagtanong dahil family matter iyon at alam kong personal.
***

LUMIPAS ang dalawang linggo nang wala lang, kain sa labas at punta sa dagat para mag-swimming tapos tumulong sa bukid. Dati naman nage-enjoy ako kahit ganito lang pero ngayon parang may kulang, kaya naman umuwi na ko sa maynila kahit may ilang araw pa bago mag-start muli ang klase. Medyo nalungkot sila Mama dahil uuwi ako agad pero sinabi ko na mage-enroll na kasi ako kaya naman napapayag ko din sila.

Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakatingin ako sa cellphone ko, naka-stretch ang kamay ko kaya medyo malayo iyon sa mukha ko. Tinitignan ko lang ang wallpaper ko na mukha ni Ricci, bagay talaga sa kanya ang tirintas. Nami-miss ko nang hawakan ang buhok nya, sa totoo lang name-miss ko na sya. Halos mapatalon ako sa pagkakahiga ko dahil biglang nag-vibrate ang cellphone ko, dali-dali kong binuksan iyong message na dumating at hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa nabasa ko.

From: Ricci
I wanna come home to you.

To: Ricci
Sana 'no? kaso ang layo mo. 😢

From: Ricci
Please make a wish.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon