Chapter 24

38.4K 1K 271
                                    

CHAPTER 24

"NASAAN na tayo?" Gulat na tanong ko kay Ricci nang makita ko sa labas ng bintana na wala na kami sa Maynila, pawang mga bukid ang nasa paligid namin na para bang daan pauwi sa probinsya namin.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko pa sa kanya kasi ang alam ko sinabi nya na magu-usap lang kami, akala ko sa apartment ko lang pero naka-idlip ako at pagmulat ko ito nga ... nasa kotse nya pa rin ako at nagda-drive padin sya.

"Isabela." simpleng sagot nya kaya nanlaki ang mga mata ko. Isabela as in Isabela Province? parang kagabi lang umiiyak ako dahil nalaman ko na magpapa-kasal na sya sa iba tapos ngayon nandito ako kasama sya at papunta kami sa Isabela?

"Ihinto mo, ihinto mo Ricci! Ano ba! Bumalik na tayo doon ... bumalik na tayo sa maynila." Nagpa-panic na sabi ko kaya inihinto nya naman ang kotse nya. Narinig ko ang malalim nyang paghinga at bahagya syang napapikit.

"Pagod na ko." Mahina nyang sabi. Ano'ng oras na ba? Alas nuwebe na pala ng umaga ... halos pitong oras na syang nagda-drive at kitang-kita ko sa mga mata nya na antok na nga sya.

"Pagod ka na pala, bakit ka pa nag-drive hanggang dito? Sana umuwi ka na lang at natulog." Sabi ko, kasi kung pagod sya pwede naman syang magpahinga. Bakit kasi pinuntahan nya pa ko? Bakit kasi nakarating kami dito?

"Pagod na ko ... hindi mo ba naiintindihan?" sabi nya naman at nag-iba ang tono sa boses nya, para bang gusto nyang sumigaw pero pinipilit nyang kalmahin ang sarili nya.

"Sige ... magpahinga ka muna tapos umuwi na tayo." sabi ko na lang, nakita kong nag-igting ang panga nya.

"F*ck it!" Pag-sigaw nya na nang tuluyan kaya halos napahawak ako sa puso ko sa gulat lalo na nang mapahampas pa sya sa manibela, para bang frustrates na frustrate ang boses nya.

Ngayon ko lang sya nakitang nagalit ng sobra. He's a calm person pero ngayon para bang ibang-iba ang awra nya.

"I want to relax and I can only relax when I'm with you, don't you get it? Gusto ko lang naman takasan lahat, gusto ko lang naman na makasama ka. Bawal ba 'yon ha?" Tanong nya. Tila nag-crack pa ang boses nya.

"Pero ikakasal ka na ..." Paalala ko sa kanya kaya naman nakagat nya ang ilalim ng labi nya.

"Not you ... wag naman pati ikaw. I'm so fucking tired of people who keeps on pushing me to be with someone I don't want to be with. Wag naman pati ikaw ... kasi nakakasakal." Sabi nya. Isinubsob nya ang ulo nya sa steering wheel.

"Pero mukhang okay ka naman kagabi, nag-sayaw pa kayo. Maganda naman si Raven, mabait naman sya at mayaman kaya ano pang problema mo?" tanong ko. Wala nang lumalabas na luha mula sa mga mata ko pero ramdam na ramdam ko iyong bigat ng puso ko habang inaantay ko kung ano'ng sasabihin nya.

"Yes, she's prettier than you, she's sexier than you, richer than you, she's way better than you but ... she's not you and that's my problem." Sagot nya at tinignan ako nang diretso sa mga mata ko.

"Hindi pwede! hindi pwede ... bumalik na tayo doon, bumalik ka na kay Raven." sabi ko.

Ang sakit na naman ng puso ko kasi pinapaasa nya na naman ako kasi umaasa na naman ako na kahit maliit na porsyente ay may chance padin kaming dalawa, ang sakit at ang bigat sa puso.

"Please stop pushing me to her 'cause you're the one who told me that no one can control someone's heart." Diretso sa mata nyang sabi sakin. Kita ko sa mga mata nya ang pagmamakaawa na makinig naman ako sa kanya, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Matutuwa ba ko? pero parang ang sakit-sakit pa din pakinggan kasi kahit naman sabihin nya iyon hindi padin mababago ang katotohanan na kailangan nyang magpa-kasal sa iba.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon