Chapter 26

38.7K 1K 180
                                    

CHAPTER 26

"SO, pumunta kayo ng isabela ganun? After nyang i-announce sa buong mundo na ikakasal na sya sa Raven na iyon, may time pa syang dalhin ka Ia isabela? kung hindi din naman manloloko talaga 'no." Galit na kumento ni Kamila after kong i-kwento sa kanila kung san ako nag-punta after ng Salubong Party ni Ricci, alam ko naman na ganito ang magiging reaksyon nila pero gusto ko pading i-kwento sa kanila dahil sila naman ang nagsabi na 'No lies between us three'.

"Mahal nya daw ako." Mahinang sabi ko.

"Mahal ka nya kaya sinasaktan ka nya, mahal ka nya kaya magpapakasal sya sa iba." sabi ni Mary. Akala ko hindi sya nakikinig dahil kasalukuyan syang nagbabasa ng libro. Nandito kasi kami sa cafeteria ngayon, kanina pa tapos ang klase pero ayaw akong pauwiin nitong dalawa na 'to dahil I owe them an explanation daw.

"Bakit, ano bang dapat gawin ko?" tanong ko at tumingin kay Kamila. "If you were me Kams, ano'ng gagawin mo?" dugtong ko.

"Well, kung si Blaze man yan bahala na sya! Choice nya yan. Kung mahal nya ko, ako ang pipiliin nya pero si Ricci? In-announce nila sa buong mundo! I mean, everyone on the internet are talking about it ... balak ka pa atang gawing kabit." sagot nya. Tumingin naman ako kay Mary.

"Well, I don't know." Sabi nya sabay kibit-balikat.

"If Hunter loves you pero may Khazzandra na sya, ano'ng gagawin mo?" tanong ko sa kanya at nakita ko kung pano napaawang ang labi nya.

"Kasi diba? They just broke up because of you, ano'ng ginawa mo Mary?" dagdag ko pa. Huminga sya nang malalim at umayos sya ng upo.

"I told him na ayusin nya lahat between the two of them, na baka confused lang sya atsaka lately hindi na kami nagu-usap na dalawa." Paliwanag nya.

"Don't get me wrong Zivs ha ... kasi kung mahal ka talaga ni Ricci hindi sya papayag na i-announce sa lahat na ikakasal na sya sa iba." Sabi nya pa dahilan para mapatahimik ako.

What if he was forced to do that? kasi sabi nya napapagod na sya na kontrolin sya. Ano bang dapat kong gawin? should I just let him go like that? Kaya ko ba na mawala sya sakin? Kasi God knows how much I wanted to keep him na kahit saktan nya ko nang paulit-ulit gusto ko padin sa tabi nya kasi iyon ang sinasabi ng puso ko, na kahit madami na kong nakikitang redflags sa kanya ipipikit ko na lang ang mata ko at magku-kunwaring hindi ko iyon nakikita.

"Uuwi na ko." sabi ko na lang sa kanila. I don't know ... wala lang siguro talaga ako sa mood na kausapin sila about dito, I need to to think.

Pumunta ako sa Mall, gusto ko sanang bumili ng libro para may babasahin ako mamaya sa Apartment pag-uwi ko. Ayokong mag-open ng social media dahil natatakot ako sa mga mababasa ko. I need to unwind pero hindi naman ako pwedeng umuwi ng probinsya since kaka-start pa lang ng sem, 4th year na ko at ilang hakbang na lang makaka-graduate na ko. I don't want to mess it up, kailangan kong maka-graduate on time.

"Zivawn." Napahinto ako nang makita ko si Juan. He's holding a paperbags from Adidas and Nike, bumili ata sya ng sapatos.

"Who's with you?" tanong nya. Umiling ako kaya naman sumabay sya sa paglalakad ko. Hindi ko alam kung gusto ko bang kausap si Juan pero mas better na sya kaysa sa kanino man. Alam nya kasi kung kailan magsasalita at kailan hindi, kaya naman tahimik lang syang tinitignan ako habang namimili ako ng Libro.

I settled with Lang Leav's Sad Girls. I don't know kung tungkol saan ito but reading the title mukhang makaka-relate ako. I love reading poems, some poems make me feel things lalo na ngayon na parang namanhid na ako dahil sa mga nangyayari.

"Wanna eat?" Juan asked nang makalabas kami sa NBS pero umiling ako, tumango na lang sya dahil siguro nakikita nya na wala talaga ako sa mood ngayon.

"Zivawn! Oh ... and Juan?" Napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Raven sa harap namin. She's wearing a gray fitted dress at bagay na bagay iyon sa kanya pero kahit ano naman atang suotin nya ay bagay sa kanya, she really looks like a barbie doll pero ang weird lang talaga na lagi ko syang nakikita dito sa mall ... para bang ginagawa nya ng bahay ang mall na 'to.

"Why are you here? and bakit kayo magkasama?" Tanong nya na para bang may malisya ang tono ng boses nya. Hindi ko alam kung alam nya na ang tungkol samin ni Ricci because she's acting as if we're okay, siguro nga wala syang alam. Inosente sya, Zivs ... kaya wala kang karapatan na magalit sa kanya.

"Anyway, let's eat na lang! Tara ... I'll treat you." sabi nya at hinila ang kamay ko. Napailing si Juan sa nakita nya pero tahimik lang syang sumunod samin.

Pumasok kami sa isang fast food chain. Tahimik lang ako habang umu-order si Raven ng pagkain doon sa counter.

"Gusto mo na umuwi? I'll tell her." Bulong ni Juan sa tabi ko pero umiling ako.

I wanted to talk to her. She needs to know and if she asks me to let Ricci go then I would do 'because Raven is too kind that I don't want to hurt her feelings but I feel like my world collapse before me when I saw Ricci approach her lalo na nang tumingin sya sakin dahil nawala ang expression sa mukha nya, kagaya nang nangyari sa party after nyang makita na nandoon ako.

Hinawakan ni Raven ang kamay nya at iginaya sya palapit samin ni Juan.

"Babe ... Zivawn and Juan are going to accompany us, parang double date." sabi ni Raven. Tahimik naman na umupo si Ricci sa harap namin. Its as if he doesn't know me ... bakit ganito sya umakto sa harap ni Raven? As if he's innocent, as if we didn't sleep next to each other noong mga nakaraang araw.

"We need to go." Juan said at tumayo sya pero pinigilan ko sya.

"Hindi, dito lang tayo." sabi ko kay Juan. Ngumiti ako at pinipigilan kong tumulo ang luha ko habang tinitignan ko ang magkahawak na kamay ni Raven at Ricci sa taas ng lamesa, parang noong isang araw lang magkasama kami sa Isabela ... sinabi nya na mahal nya ko pero ngayon ito sya at kasama si Raven sa mismong harap ko na para bang hindi nya ako kilala.

Raven keeps on talking about her wedding plans habang kumakain kami, hindi ko alam kung hindi nya ba talaga napapansin or sinasadya nya lang hindi pansinin. I was looking straight on Ricci's face and I don't see any expression, he's acting as if I wasn't there at nakatuon lang ang atensyon nya sa pagkain. Para akong nagiging invisible kapag kasama nya si Raven and worst, sinubuan pa sya ni Raven ng pagkain at tinanggap nya iyon. Wala ba syang kamay? Bakit parang wala syang pakialam sa nararamdaman ko? Akala ko ba mahal nya ko?

"And iyon, beach wedding and I want Zivawn as my maid of honor. What do you think babe?" Raven asked Ricci and she's smiling. Akala ko masakit na makikita ko sila nang harap-harapan at magkahawak ang kamay pero mas may sasakit pa pala nang marinig ko na sumagot si Ricci sa kanya.

"Sure." Sabi ni Ricci and with that, kailangan kong i-excuse ang sarili ko dahil bigla na lang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon