Chapter 31

45.6K 1.1K 86
                                    

CHAPTER 31

"ARE you sure about this, Zivawn?" tanong ni Juan sa akin habang binubuhat nya ang maleta ko palabas ng apartment ko. Tahimik naman ako na tumango sa kanya habang pinagma-masdan ko ang buong paligid ng Apartment ko.

Napatawa ako nang mapakla nang mapatingin ako sa mga picture ni Ricci na nakadikit sa pader sa gilid ng kama ko. Good old days ... mga panahon na happy crush ko lang sya at ginagawa syang inspirasyon sa paggising ko araw-araw, iyong tipong tumingin lang ako sa mga larawan niya ay gumaganda na ang mood ko pero ngayon ... tignan ko pa lang ito o marinig ko lang ang pangalan nito ay parang may kumukurot na agad sa puso ko.

Sana pala ... sana pala hindi ko na lang pinangarap na makilala sya sa personal. Akala ko dati magiging masaya ako kapag napasok nya ang buhay ni Ricci pero hindi pala, ang hirap pala ... siguro kung hindi ko ito nakilala hanggang ngayon kinikilig padin ako kapag naririnig nya ang pangalan niya. Nakakatawa lang, na iyong taong hinahangaan ko noon ay sya na ang nagpapasakit sa puso ko ngayon.

"Let's go?" Juan asked me nang makita niya na parang maiiyak na naman ako bago lumabas sa Apartment ko, inilagay nya ang mga gamit ko sa likod ng kotse nya. Dinala ko halos lahat ng importanteng bagay na nadoon para sa akin, maging si Zicci at iyong favorite cap ni Ricci ... atleast kahit papano ay may naiwan syang magandang ala-ala sa sa akin.

"Ingat ka doon." sabi ni Juan sa akin at ipinatong ang mga kamay nya sa ulo ko, ngumiti naman ako nang malungkot sa kanya.

"Thank you Juan." sambit ko bago kami pumasok sa kotse niya.

"Hindi mo talaga sasabihin sa mga kaibigan mo?" tanong muli ni Juan habang nagda-drive na sya papunta sa bus station. Uuwi na ako sa probinsya namin. Ano pa bang choice ko? Wala na akong mukhang maihaharap sa school namin. Nakakahiya ... hiyang-hiya ako. Dati, lagi kong sinasabi sa sarili ko na matatapos ko ang paga-aral ko para matulungan ko ang mga magulang ko pero ngayon ito ako, uuwi at magiging pabigat na naman.

"Ayoko na silang idamay." sagot ko sa kanya.

Simula pagdating ko sa Maynila at nakilala ko si Kamila at Mary lagi na silang nandyan para sa akin. Tinatakbuhan ko kapag may kailangan ako pero hindi ba parang sobra na? parang abuso na kung pati itong problema kong ito, ibabahagi ko pa sa mga kaibigan ko? Pinigilan naman nila ako pero hindi ako nakinig, kaya nahihiya ako ... kung sana binuksan ko lang ang mga tenga ko para marinig ang mga posibilidad na mangyayari edi sana wala ako ngayon sa kinatatayuan ko pero nandito na, nandito na e. Ayaw ko namang idamay ang isang walang malay dahil lang nasasaktan ako.

"You sure you don't want me to send you there?" Juan asked me again. Kanina pa nya ako pinipilit na ihahatid nya na lang ako diretso sa Pangasinan pero hindi ako pumayag. Nahihiya na ako kay Juan, lagi na lang si Juan ang nandyan para sa akin.

"I'll be fine. Salamat, Juan." sabi ko dito bago binuksan ang pinto ng kotse nito pero hinawakan ni Juan ang braso ko.

"Call me if you need anything ... I'm one call away, remember." habilin ni Juan sa akin kaya nginitian ko ito. Mabuti pa si Juan ... mabuti pa iyong taong hindi ko inaasahan na tutulong sa akin sa ganitong sitwasyon nandyan pero iyong taong in-expect ko na sasamahan ako hanggang dulo, wala.

"Call me ..." Paalala ulit ni Juan sa akin habang pasakay ako sa bus.

"You're a strong woman, Zivawn, you'll conquer this. I'll be right here for you." Dugtong pa nito. I mouthed him 'thank you' bago kon ito tuluyang tinalikuran.

This is the day I will leave everything in Manila. Lahat ng pangarap na binuo, lahat ng memories, lahat ay iiwan ko muna.
***

PAGDATING ko sa tapat ng bahay namin, hindi ko alam kung paano ako kakatok sa pinto at haharapin ang mga magulang ko. Alas otso na ng gabi pero alam kong gising pa sila, alas nuwebe kasi ang oras ng tulog dahil tinatapos muna ni Mama lahat ng gawaing bahay bago sya magpahinga.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon