Chapter 19

37K 1K 228
                                    

CHAPTER 19

"WOW! Pa baguio-baguio na lang si Madam." kumento ni Kamila after kong ibigay sa kanila ang paper bag na may lamang souvenirs from Baguio, isa-isa namang nilang nilabas iyon from T-shirt, key chain, strawberry jams at kung ano-ano pa na kakaiba na nakita ko sa doon na pwedeng ipasalubong sa kanila.

First day ng klase ngayon at alam naman namin na walang dadating na Prof since on-going pa ang enrollment siguro kasi bukod sa pagtuturo, some of them ay may posisyon na sa industry. Iyong iba ay news writer, reporter, editor ng magazine and so on kaya naman minsan hindi talaga sila nakaka-attend ng class at nagi-iwan na lang ng assignments pero pag pumapasok naman sila, super dami naming natututunan to the point na sasabog na ang utak namin sa dami ng lessons and ideas na makukuha mula sa kanila, iyon lang ang maganda sa school na ito.

"Sweet naman ni Ricci, sana all dinadala sa baguio." sabi naman ni Mary at ang saya ko lang habang tinitignan sila, ang supportive kasi nila sakin kahit na binabara nila ako dati tuwing kini-kwento ko si Ricci alam ko na nakikinig naman sila. Prangka sila at alam ko naman na lahat ng sinasabi nila ay para din naman sakin kaya mahal na mahal ko ang dalawa na 'to.

"Edi sabihin mo kay Hunter i-baguio ka din tutal mukhang getting closer na kayo." saad ni Kamila kaya napatingin ako kay Mary. Close na sila ni Hunter? Paano? Parang kailan lang nakisakay lang sya sa kotse ni Hunter after naming mag-bar tapos ngayon close na sila? Ano'ng nangyari atsaka diba may Khazzandra na iyon?

"Baliw, may jowa na 'yon. Wag mong bigyan ng meaning ang kabaitan ng tao." depensa ni Mary at oo nga naman, may girlfriend na si Hunter at kahit naman sino kapag nalaman nila na nili-link ang boyfriend nila sa iba, masasaktan.

"Duh ... asawa nga naagaw, jowa pa kaya?" sabi naman ni Kamila, mukhang wala talaga syang pakialam sa mararamdaman ng girlfriend ni Hunter if ever, Unbothered Queen talaga.

"Okay ... sabihin mo yan kapag niloko ka ni Blaze." Sagot naman ni Mary kaya napatahimik na sya, kung sa bagay hindi mo naman malalaman ang pakiramdam ng isang bagay kapag hindi mo naranasan.

"But anyway Zivawn ... did you use the PT ba?" Pag-iba ni Kamila ng topic, siguro dahil hindi nya lang din ma-imagine na may ibang babae si Blaze bukod sa kanya, tumango ako sa tanong nya.

"What's the result?" Curious na curious na tanong nya, pati si Mary ay nabaling din ang tingin sakin.

"Uh ... negative?" sabi ko, hindi ako sure pero sabi naman doon sa instruction kapag one line lang negative naman kaya negative siguro kasi medyo malabo iyong isang linya. Bigla namang napahinga nang maluwag si Kamila pati nadin si Mary.

"Goodness, mabuti na lang mukhang hindi aggressive ang sperms ni Ricci." sabi ni Kamila bago nya baguhin ang topic ulit papunta kay Blaze.

Kwento sya nang kwento about sa kung gano ka-kulit si Blaze tapos namumula-mula pa sya pero bigla nyang isisingit na ang pangit ni Blaze at isang monggoloid, na sana mabaog ito and so on ...

Ewan ko dito kay Kamila, mukhang gustong-gusto nya naman si Blaze pero hindi nya pa din maamin sa sarili nya. Siguro kasi iba sa list of types ng guys nya si Blaze pero gwapo din naman si Blaze, hindi nga lang talaga kagaya ni Atty. Jax na tahimik at sobrang talino. Mahilig kasi si Kamila sa matalino at may sense kausap pero halatang-halata naman na into Blaze na talaga sya ngayon kaya naman hinayaan lang namin sya ni Mary sa mga kwento nya.

Nasa training si Ricci ngayon dahil start na ng panibagong season at tulad nga nang sinabi nya dati kinu-confiscate ng coach nila ang phone nila kapag training, nakaka-distract naman talaga. Nai-imagine ko dati kung paano nagalit iyong coach nya noong text sya ng text sakin at hindi ko sya mareplyan dahil nga exam, ang kulit pa naman ng isang iyon.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon