Chapter 08

47.8K 1.2K 85
                                    

CHAPTER 08

"WOW! Mukhang okay ka na, Zivs." bati sakin ni Mary nang makapasok na ko sa room namin, naginitian ko sya bago ako umupo sa assigned seat ko. Magkakatabi kasi kaming tatlo sa 3rd row. Si Mary, Si Kamila at Ako. Akala ko kanina late na ako pero buti na lang wala pa pala 'yong Prof namin.

"Paanong hindi magiging okay, ikaw ba naman ang 2 weeks absent at pa-vacay-vacay lang." sabi ni Kamila. Naka-ngalumbaba sya sa table nya na para bang buhat nya ang buong mundo.

"Anong problema nya?" tanong ko kay Mary dahil para bang naubusan ng energy si Kamila. Sa'min kasing tatlo sya talaga iyong medyo jolly, malakas ang boses at medyo palaban pero ngayon parang ang tahi-tahimik nya. Dalawang linggo lang akong nawala, ano kayang nangyari sa kanya?

"Haynako ... long story. Itanong mo na lang sa kanya." Kibit-balikat na sagot ni Mary at tinutok na lang ang mga mata nya sa librong binabasa nya.

"Care to share?" tanong ko kay Kamila. Sa amin kasi sya talaga ang pinaka-open sa lahat, 'yong tipong kahit ang mga bagay na dapat sarilinin na lang ay shini-share nya talaga sa amin.

Kamila is like an open book, hindi kasi sya takot sa judgement. Open sya sa hate comments at compliments na natatanggap nya dahil sya daw ay isang 'Unbothered Queen' pero sa itsura nya ngayon parang hindi naman applicable ang salitang unbothered sa kanya dahil mukhang bothered na bothered sya.

"Okay." sabi nya at umupo nang maayos, humarap sya sakin at huminga nang malalim bago nagsimulang magkwento.

"Its started that night when my p arents invite me to a dinner, diba? You know that day?" Umpisa nya, parang ike-kwento nya pa lang ay inis na inis na sya.

"So iyon nga ... baka kilala mo kasi Basketball Player din sya from UP. Si Blaze Adrian Sy pati parents nya kasama pa." Dugtong nya kaya nanlaki ang mga mata ko. Hala ... nagkaroon sya ng dinner with Blaze? pero bat mukhang inis na inis sya? gwapo naman si blaze, well ... hindi sya kagaya ni Atty. Jax na tahimik dahil mukha syang makulit pero mukhang okay naman si Blaze noong na-meet ko sya sa Araneta, sya pa nga ang umawat nang parang nagsa-sagutan na si Ricci at Juan eh.

"They told us na we got into a fix marriage and na ipapa-kasal kami after we graduated in college, nakakainis lang diba? like its the 20th century na kaya ... hello? uso pa ba 'yon? parang gusto ko na lang tuloy bumagsak nang paulit-ulit para hindi na ako grumaduate." Sabi nya pa, mukhang frustrate na frustrate ang itsura nya.

"Bakit naman? Ayaw mo ba kay Blaze? Gwapo naman sya diba?" tanong ko dahilan para mapairap sya.

"Seryoso ka ba dyan? He's so annoying kaya, sinabi nya pa sakin na wala syang balak pakasalan ako kaya sinabi ko din sa kanya na hindi ko sya type tapos ayun na nga ... halos araw-araw nya na kong ginugulo. Sabi nya, kakainin ko daw lahat ng sinabi ko. Iww! As if naman diba? mabaog sana sya para hindi sya magka-anak sa future." Sabi pa niya bago isinubsub ang ulo nya sa desk na para bang diring-diri sya sa idea na magiging type nya si Blaze.

Hinayaan ko na lang sya, hindi ko alam na hanggang ngayon ay uso padin pala ang fix marriage para sa mga mayayaman at business tycoons. May-ari kasi ng isang malaking factory ang mga magulang ni Kamila at naririnig ko na ganun din ang mga magulang ni Blaze, kaya siguro pinipilit na sila na lang dalawa para magsanib ang mga kayamanan nila at dahil nga mukhang stressed and depressed si Kamila sa kakaisip kay Blaze ay dinala na lang namin sya ni Mary sa Mall after ng klase.

Nanuod kami ng movie at kumain ng shawarma at frappe. Halos ilang oras din kaming paikot-ikot lang sa Mall dahil ang daming gustong bilhin ni Kamila pero napahinto kaming tatlo nang makita namin si Blaze na kalalabas lang ng Blue Magic at may bitbit na loot bag galing doon na sa tingin namin ay isang malaking teddy bear ang laman, malaki talaga. Siguro human size teddy bear iyon.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon