Chapter 28

39K 1K 221
                                    

CHAPTER 28

"Tumataba ka." bati sakin ni Kamila pagpasok ko pa lang sa room namin kaya naman pati si Mary ay napatingin sakin.

"Talaga ba? buti naman." sagot ko sa kanya kaya naman napataas ang kilay nya at lumapit sya sakin.

"Aray!" sigaw ko dahil pinisil nya ang nagiisang pimples ko sa may bandang noo ko.

"Weird ha? Ngayon lang ata kita nakitang tinubuan ng pimple." sabi nya.

"Well, tao ako Kams ... normal lang yan." Saad ko. Madalas naman talaga ako magkaroon ng pimples lalo na kapag puyat kaso naagapan ko lang agad kaya hindi napapansin, mukhang may sasabihin pa sana sya pero mabuti na lang dumating na ang Prof namin kaya hindi nya na ko nagulo ulit.

Hindi ko alam kung bakit sobrang active ko sa recit ngayong araw na halos lahat ng tanong ng Prof namin ay sinagot ko. I just don't want mess things up kahit na sobrang gulo nang nararamdaman ko, ayokong madamay ang paga-aral ko. Gusto kong tuparin iyong pangako ko sa mga magulang ko na paga-aral ang first priority ko.

"San ka pupunta Kams?" tanong ko kay Kamila. Busy sya sa pagte-text nya at iba ang daan na tinahak nya kaya naman napasunod kami ni Mary sa kanya.

"Ano ka ba, hindi mo ba alam na first game ng UP ngayon? Tara na! Baka ma-late tayo! Magtatampo ang bebe ko." sagot nya at hinila ang kamay namin ni Mary papunta sa sakayan. Mukhang hindi na sya pinapasundo ng parents nya sa driver nila dahil madalas ay si Blaze na ang nagsusundo sa kanya at may tawagan na pala sila ... mukhang official na.

Nakarating kaming tatlo sa Araneta. Agad na bumili si Kamila ng VIP Ticket para saming tatlo at nang pumasok kami ay napakadaming tao, pawang mga naka-dilaw ang kabila at maroon naman dito sa side naming. Nakakatuwa lang kasi dati mag-isa lang ako dito na nanunuod pero ngayon kasama ko na ang mga kaibigan ko.

Tahimik lang kami na nanunuod at gaya ng dati ganun padin naman ako ... sa kanya pa din nakatingin ang mga mata ko. Focus pa din ako sa bawat kilos nya at napapatalon pa din ang puso ko tuwing nakaka-shoot sya ng bola. Wala pading nagbabago ... sya pa din talaga ang sinisigaw ng puso ko.

"Serrano with his signature euro step! Pasok ang bola." sabi ng Announcer after mag-dunk ni Ricci at nag-tilian ang mga tao. Hindi ko alam kung si Blaze ba talaga ang pinunta ni Kamila dito kasi mas malakas pa ang tili nya kapag si Ricci ang nakaka-shoot sabay malakas pa na hinahampas ang balikat ko.

"Ang galing naman talaga mag-shoot ng bola ni Daddy Ricci, no wonder ..." sabi nya at tinignan ako nang may malisya kaya iniwasan ko na lang ang tingin nya. Ewan ko ba sa babaeng 'to, ang dumi-dumi ng utak. Ano bang ginawa ni Blaze dito at ganito ang iniisip nito? Minsan talaga hindi din maganda ang epekto ng mga SPG stories sa wattpad sa kanya.

Naging busy lang kami sa panonood. Malapit nang matapos ang game at malaki na ang lamang nila sa kalaban pero bigla kaming na-distract nang may lumapit na babae samin kaya agad akong napatingin kay Mary nang makita ko kung sino ang babae na iyon.

"Hi." sabi ni Khazzandra. Nakangiti sya pero halata sa mga mata nya na malungkot sya.

"Ikaw si Mary right? Can we talk? Kahit saglit lang?" tanong nya kay Mary. Mabilis naman na tumayo si Mary at naglakad. Ngumiti pa samin si Khazzandra bago sinundan ito.

"Ikaw kasi e, pinu-push mo si Hunter kay Mary ayan tuloy ... kawawa naman si Khazzandra." sabi ko kasi kita talaga sa mga mata ni Khazzandra iyong lungkot na para bang gabi-gabi na lang syang umiiyak dahil kay Hunter.

"Why me? Alam mo Zivs, once a cheater always a cheater. Hindi ko naman sinabi kay Hunter na mag-cheat sya sa GF nya para kay Mary ano. Cheating is a choice, tandaan mo yan." depensa nya kaya napatahimik na ko 'cheating is a choice' bakit ako iyong nasaktan kahit hindi naman ako ang pinapatamaan? Akala ko masakit na iyong narinig ko mula kay Kamila pero mas masakit pala nang nakita ko na nag-focus ang camera kay Raven.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon