Epilogue

59K 1.1K 247
                                    

EPILOGUE
RICCI'S POV

Dear you,
Its been awhile ... I just wanna say that I miss you and I want to be with you again. Today is the first week since I gave birth to a little boy who exactly looks like you.

Nakakatawa ... paano ba naman kita makakalimutan kung araw-araw padin kitang makikita sa katauhan ng isang bata na palagi kong makakasama. Ang saya-saya ko na ang lungkot-lungkot ko. Masaya kasi meron na akong anak tapos lalaki pa atleast kahit wala nang mag-mahal sakin meron ng isang lalaking alam ko na mamahalin ako habang buhay. Malungkot, kasi wala ka. Lagi padin akong umiiyak tuwing naalala kita.

Ikaw? kamusta ka na? ano kayang ginagawa mo? sana okay ka lang dahil kahit na sinaktan mo ko ng sobra simula nang pinili mo sya, alam ko sa sarili ko na mahal padin kita. Ikaw ang una at huling lalaking mamahalin ko ng sobra, kung nandito ka sana ... masaya sana tayong tatlo pero oo nga pala hindi nga pala ako ang pinili mo. Bakit ko ba laging nakakalimutan ang katotohanan na iba ang pinili mo at hindi ako?

Paano kaya kung sinabi ko sa 'yo 'no? na magkaka-anak na tayo? pipiliin mo kaya ako? pero ayoko naman na pipiliin mo lang ako dahil magkaka-anak tayo, gusto ko padin na piliin mo ko dahil ako ang gusto mong makasama habang buhay pero hindi e, ganun talaga. Pipilitin kong tanggapin kahit sobrang masakit sa damdamin.

Alam kong sinabi ko sa 'yo na kapag isang araw gusto mo kong balikan kahit lumuhod ka pa sa harapan ko ay hindi na ko babalik sa 'yo, gusto kong malaman mo na isa iyong kasinungalingan. Mahal kita at kahit paulit-ulit mo kong saktan, lagi padin kitang babalikan. Nakakatawa, alam ko namang wala nang pag-asa.

Sige na, umiiyak na si Aki. Sana isang araw magtagpo ang landas ninyong dalawa at kung mangyari man iyon, ako na ang pinaka-masaya.

Your number one fan,
Queen.

I closed the book that I was reading. I'm reading it again for the nth time and it still hurts everytime nare-realize ko kung gaano ko sya nasaktan. I'm a noob for hurting her when all she did is to love me even before she met me.

Zivawn don't deserve the pain she'd been through pero nangyari na and starting today I wanted to renew everything, starting today I'll make her feel that she's really the girl I love and the girl I wanted to spend my whole life.

"Gagi bro, umiiyak ka ba?" asked Blazed when he entered my hotel room together with Juan and Hunter kaya naman mabilis kong itinago ang libro sa bag ko at tumayo.

It's time.

"Is everything alright in the venue?" I asked Blazed bago humarap sa salamin at inayos ang coat na suot ko. Napangisi ako, I'm really gonna marry her today. God is Good. Araw-araw akong nagdadasal na sana mangyari ang araw na 'to and finally, its really going to happen.

In God's will, In God's perfect timing. Na-realize ko na kapag para sa 'yo pala talaga ang isang tao kahit gaano sya katagal mahiwalay sa 'yo ay babalik padin sya sa iyo.

"Yes, Sir. Pero seryoso ka na ba dyan? T*ngina, magpapatali ka na talaga bro. Madami pa kong chix na ipapakilala sa 'yo e, gusto mo na ba talagang magaya sakin?" saad pa ni Blaze bago ako inakbayan, kagabi pa 'to nangongonsensya. G*go talaga, sa tagal kong inantay si Zivawn hahanap pa ba ko ng iba? If our love ceases to be again, that would probably be the end of my world for me.

"Hoy, tigilan mo nga yan Blaze! hindi ka pa ba nagsasawa sa sakal ni Kamila sa 'yo ha?" sita ni Juan sa kanya na nakasandal sa pader sa gilid ng pinto habang kumakain ng mansanas. Umupo si Hunter sa isang sofa doon at tinitigan lang kami.

"Hindi lang naman sya ang sumasakal sakin, sinasakal ko din naman sya sa gabi. Hindi ka maka-relate 'no? wala ka kasing jowa." Blazed told him.

"Nako, may girl na yan si Juan? Diba Juan? iyong college student na laging nakasunod sa 'yo." Singit naman ni Hunter kaya napataas ang kilay ko na tinignan si Juan.

I have no idea kung sinong tinutukoy ni Hunter. College student, huh?

"Gago, issue ka 'no?" sagot naman ni Juan dito tapos pabirong binato ito ng balat ng mansanas kaya naman umiwas si Hunter sa kanya.

5 years ang lumipas pero mga isip bata padin sila.

"Nako, Juan Gerardo! kaya pala ayaw mo sa mga chix na pinapakilala ko sa 'yo, atabs pala ang nais mo." asar sa kanya ni Blaze habang tumatawa kaya napatawa din ako.

"Tumigil nga kayo, hindi ako papatol sa bata 'no." inis namang sabi ni Juan.

"Di mo sure." sagot ni Blaze kaya inilingan lang sya nito.

"Tara na nga, baka maudlot pa ang kasal nyan oh." Dagdag pa nya at tinuro ako bago nauna na maglakad palabas kaya sumunod na din kami sa kanya.

Blazed still laughing kasi natutuwa sya kapag napipikon si Juan sa kanya. Iyon na lang ata ang pinagkakaabalahan ng abogado na ito, hindi na kasi sya makapag-basketball dahil busy sya sa law firm.

Sa tagal namin naging mag-kaibigan never kong na-imagine na magiging abogado sya, dahil di naman sya marunong mag-seryoso sa buhay. Abogago, pwede pa.

Zivawn wants a church wedding. She told me that it was her dream kaya naman papunta na kami sa simbahan ngayon.

I invite all of my friends, my teammates and even a media to cover it. I want the whole world to know that I'm gonna marry this girl ... I want the whole world to know that she's the girl who owns me because she deserves it.

"She's here." bulong ni Juan sa tabi ko habang nakatayo kami sa harap ng simbahan kaya naman napatingin ako sa pinto nang bumukas Iyon. I was about to cry again.

Kagabi ko pa iniisip. I just still can't believe that we've made it. Nawalan na ako ng pag-asa noon, akala ko patapon na ang buhay ko but Juan is right I should come back to my first love and true love will definitely find me and now she's here walking down the aisle towards me.

Sa kanya lang ako nakatingin buong paglalakad nya, kasabay ng kantang sya mismo ang pumili.

Still the one by Shania Twain. It fits perfectly.

I smiled when Aki walk infront of me. He was holding a small pillow kung saan nakapatong ang singsing namin. He finally became a ring bearer which he said that one of his dream, my son's weird like her mom huh?

I tap his head and kissed his cheeks. After this he's going to be a Serrano. He's not a boy who don't have a middle name anymore like what he always says everytime he introduced his self to anyone.

I took a deep breath nang nakalapit na sila sakin, bumulong pa sakin ang father nya na alagaan ko ang anak nya.

"I will do po." sagot ko dito bago nya ibinigay ang kamay sakin ni Zivawn. She's so beautiful, she's the most beautiful in my eyes. The first time I laid my eyes on her wala na akong ganang tumingin pa sa ibang babae.

We both faced the altar and exchanged our vows, naririnig ko pa kung paano isigaw ni Blazed na ang iyakin ko daw samantalang umiyak din naman sya noong ikinasal sila ni Kamila. Nakakaiyak pala talaga kapag finally ikakasal ka na sa babaeng mahal na mahal mo after ng lahat nang pinagdaan n'yo.

"I now pronounced you husband and wife, you may now kiss the bride." The priest said.

Humarap kami ni Zivawn sa isa't-isa at unti-unti kong tinanggal ang belo na nakatakip sa mukha nya. She was crying again ... bakit ba palagi ko na lang syang pinapaiyak pero iba na ang iyak nya ngayon kasi kita ko sa mga mata nya na masaya sya. I always wanted her to be happy because she made me so much happy.

"Finally." sabi ko sa kanya bago ako dahan-dahan na hinalikan sya. Narinig ko ang sigawan ng mga tao sa paligid namin. Ang click ng mga camera. I don't want to stop kissing her but I remember na madami nga pa lang tao na nakapaligid samin.

"T*ngina bro, may honeymoon pa." sigaw ni Blaze sabay napahawak sya sa bibig nya dahil naalala nya na nasa simbahan sya, baliw talaga ...

Napatawa lang kami ni Zivawn sa isa't-isa nang humiwalay ako sa kanya. I'm so happy ... I never thought that I'm really going to be this happy after all the things we've been through.

"I love you." Bulong nya sakin.

"I love you more." I mouthed at her because I really do. After all this year I realized how much I love her and how much I wanted her in my life.

Even if there's a lot of stars in the sky, I'll never get tired to Shoot for the Moon. She's the Moon, she's my goal and now that I already had her ... I have nothing more to ask for.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon