Special Part 01: Spoiler

32.5K 626 52
                                    

Special Part 01: Spoiler

"Writing?" napahinto ako sa pagtitipa ko nang marinig kong sinabi iyon ni Ricci.

Napalingon ako sa kanya at nakita kong naglalakad na siya palapit sa akin.

Madaling araw na. Kanina pa silang tatlo natutulog. Ako kasi ay hindi pa dinadalaw ng antok kaya naman naisipan kong bumangon para harapin ang laptop ko.

Napakatagal ko na ding hindi nagsusulat. Naging busy ako sa pagiging housewife ko. Si Aki kasi ay naga-aral na habang si Zirinyah ay lumalaki na din. Napaka-bilis ng pahanon. Parang kailan lang ay hirap na hirap pa akong mag-labor sa kanilang dalawa.

"Bakit nagising ka?" tanong ko sa kanya.

Hinila niya ang isang upuan at umupo sa tabi ko. Isinandal niya ang siko niya sa may lamesa at inilagay ang kamay niya sa baba niya.

Ang gwapo niya talaga kahit kakagising niya lang at magulo pa ang buhok. Never talaga siyang naging pangit sa paningin ko. Suot niya pa iyong terno pajamas naming apat. Pare-pareho kami ng suot na nagpicture pa nga kami bago matulog.

I just realized how happy I am with my life right now. Iyong tipong wala na akong mahihiling pa. Good parents, good life, malulusog na mga anak at mabait at sobrang gwapong asawa. Lahat na ng magagawang bagay ay nasa akin na. More than happy, I'm so thankful and blessed right now.

"I want to hug you but you're not there." He answered.

Hindi ko alam sa lalaki na ito, ang clingy niya sobra. Ni hindi siya talaga makatulog nang diretso kapag wala ako sa tabi niya. Nagayuma ko ata ito ng sobra.

"What are you writing?" he asked.

Humarap ako sa kanya. Ang curious kasi ng itsura niya na sinisilip niya pa iyong sinusulat ko.

"About love. Not the other kind of love that I used to write. This time it wasn't painful, not broken but real in love. Gusto ko na magsulat ng story na puno ng pagmamahal. Baka kasi akala ng iba na puro sakit nalang ang alam ko sa buhay, gusto ko na malaman nila na masaya din naman magmahal lalo na kapag nasa tamang tao ka," I started.

"Gusto kong magsulat ng story kung saan iyong dalawang bida na maraming pinagdaan na pagsubok, makikita pa din ang mga sarili nila pabalik sa isa't-isa because they meant to be with each other. Parang magic pero God's will talaga kasi alam naman ni Lord kung kanino talaga dapat tayo mage-end up. It will gonna be a roller coaster ride but soon they will finish that ride and saw themselves into each other's arms." dagdag na kwento ko kasi bigla akong na-excite sa idea na iyon.

Kinikilig na ako habang iniisip ko palang iyong plot at mga lines ng mga bida. Later on makakaisip na din siguro ako ng idea about sa title. Gusto ko kasi isure na iyong title ng story ko ay totally connected sa plot na isinusulat ko.

"Siya, ang daldal ko na. Baka isipin mo ang corny ko," sabi ko at humarap muli sa laptop ko pero lumapit siya sa akin. He's almost hugging me from behind habang nakaupo kami.

"Keep talking. I want to know. Spoil me. I'm your reader. I'm a big fan. I love to know what your plans for your next story." sabi niya.

Iyong titig niya ay diretso sa mga mata ko. Biglang uminit ang pisngi ko.

Shocks, my heart keeps beating so fast. Hindi na ako dapat ganito dahil matagal na kaming kasal at may dalawang anak na kami pero kinikilig pa rin talaga ako. Forever crush ko talaga itong asawa ko.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon