Special Chapter 01: South Korea

50.5K 1K 146
                                    

Special Chapter 01: South Korea
Zivawn's POV

"ARE you sure you really don't want to go with us Aki?" tanong ko kay Aki for the nth time habang hindi pa kami nakakasakay sa sasakyan papunta sa airport.

Nagtataka lang kasi ako kung paanong nagbago ang isip nya samantalang nang sinabi ko sa kanya na pupunta kami ng South Korea is sobrang excited sya dahil gusto nya daw makita ang crush nyang Blankpink lalo na si Lisa pero now, in last minute biglang ayaw nya na at hindi ko alam kung sinong demonyo sa lupa ang nagpabago sa isip nya.

"No ... Tito Blaze says Daddy will gonna pop the cherry in korea, after that I'm gonna have a siblings and I want siblings Mom. Tito Blaze told me that if I go with you its impossible for Daddy to pop the cherry." Ani nya kaya naman napaawang ang bibig ko. Ang Blaze talaga na iyon ... kung ano-anong tinuturo sa anak ko. Minsan ayoko na talagang ipasama si Aki sa kanya dahil kung ano-anong sinasabi nya, kung hindi ko lang talaga kaibigan si Kamila. Nako.

"Okay lang, Anak. Enjoy nalang kayo doon. Ako nang bahala dito sa Apo ko. Diba, Aki?" saad ni Mama sakin at tumango naman si Aki sa kanya.

"Let's go?" tanong ni Ricci sakin nang maipasok nya na iyong mga gamit namin sa loob ng kotse kaya tumango ako sa kanya. Ihahatid naman kami ni Papa sa airport kaya okay lang.

Simula kasi nang ikasal kami ni Ricci napag-desisyunan ko na dito nalang sila tumira samin sa Manila dahil pareho kaming busy ni Ricci at ayaw ko namang kuhanan ng ibang maga-alaga si Aki. Ang dami ko kasing nababalitaan na mga Yaya ng bata na hindi inaalagaan nang maayos iyong mga alaga nila and worst may mga kinikidnap pa and I don't want that to happen. I have trust issue lalo na sa hindi ko kilala nang lubusan.

"Daddy, you go pop the cherry and give me siblings okay?" Malakas na bulong ni Aki kay Ricci at ngumisi naman ito sa kanya. Tinaas-taasan sya ng kilay bago ginulo ang buhok nya at sumakay na sasakyan kasama ako.

Its been 1 month simula nang ikasal kami pero ngayon lang kami magho-honeymoon. Tinapos pa kasi namin ang season ng PBA dahil ayaw syang bitawan ng team nila since sya talaga ang Ace player nila at isa pa I changed my mind ... ang tagal naming pinag-awayan 'to dahil gusto ni Ricci sa Paris pero ako gusto ko sa South Korea. It was my dream place na pinaplano ko na noon pa na puntahan kapag nagka-trabaho na ko but I had Aki so naurong nang naurong hanggang hindi na ... at ito na iyong chance na mapuntahan ko ang dream place ko na iyon.

I wanna go to Jeju and Nami Island, Seoul Sky at sa harap ng YG building baka sakaling makita ko doon ang mga idol ko lalo na ang Bigbang.

"You really choose this over paris huh?" tanong ni Ricci nang nasa board na kami. Up until now hindi nya padin matanggap na talo sya sakin. I'm the boss, its either I win or I win unless gusto nyang matulog sa labas ng kwarto.

"Hay, alam mo naman na super dream ko 'to. Ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

"Naisip ko lang na baka iwanan mo ko bigla kapag nakita mo si G-Dragon." aniya kaya natawa ako sa kanya at kinuha ang mukha nya bago mabilis na hinalikan sa labi nya.

Sineryoso nya talaga ang mga sinasabi ko sa kanya na handa ko syang ipagpalit sa kahit na sinong Bigbang Member lalo na kay GD. Ang cute kasi ng reaksyon nya, parang bata.

"Seryoso? I married you Mr. Ricci King Serrano and in my eyes, ikaw lang ang pinaka-gwapo." savi ko sa kanya kaya naman tumaas ang kilay nya.

"Talaga? kahit si Lee Min Ho o Park Seo Joon?" tanong pa nya. Seryoso ba sya na nakikipag-kumpetensya sa mga crush kong koreano? pero alam ko naman na kahit sino pa sa mga iyon ang ipaharap sakin, sya at sya padin ang pipiliin ko. Sya kaya ang pinaka-pangarap ko sa lahat and until now hindi ko padin ma-imagine na sa akin na sya. Akin na akin na.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon