Chapter 36

48K 905 45
                                    

CHAPTER 36

HINDI napigilan ni Raven ang mga ngisi nyang kanina pa gustong kumawala nang makatungtong sila sa America. Finally, everything goes according to her plan.

She looks at Ricci sitting beside her at the car na pagmamay-ari ng mga magulang nya.

'He's mine or no one.' iyan ang lagi nyang sinasabi sa sarili nya kaya naman lahat ng babaeng napapalapit dito ay ginagawan nya nang paraan para mawala sa landas nito. Including Zivawn. That girl ... pinahirapan sya nito ng sobra kaya naman sobrang galit na galit sya dito. Naalala nya pa ang unang beses na nalaman nya ang tungkol dito.
***

"SEARCH for this girl ..." sabi nya sa isang detective at inabot dito ang isang litrato kung saan nasa isang amusement park si Ricci kasama ang isang babae na hindi naman makita ang itsura dahil medyo blurred ang kuha. Kumalat ang picture na iyon sa social media kung saan sinasabi ng mga fans na iyon daw ang rumored girlfriend ni Ricci kaya naman mabilis na kumulo ang dugo nya dito kahit hindi nya pa man ito nakikilala.

"This is impossible, Miss Simpson. Sobrang labo ng litrato." sagot naman ng detective sa kanya habang tinitignan ang mga larawan na 'yon. Napaka-imposible talaga dahil bukod sa suot na color yellow dress nito ay wala na syang makita. Napakalabo lalo na sa bandang mukha nito.

"Here." Iniabot ni Raven ang isang envelope dito na may lamang pera.

"That's only half of the payment. Once you found the girl ... I will give you tripple. I want the information, TODAY." sabi nya dito. Napangisi naman ang detective habang tinitignan kung gaano kalaki ang pera na nakalagay sa envelope na binigay nya at mabilis na tumayo ito para simulan ang trabaho nya.
***

"ZIVAWN Queen Cazimer, 19 years of age, Journalism Student. St. Celestine Academy."

Report ng detective sa kanya at inabot sa kanya ang mga kuhang litrato nito ni Zivawn. Napatawa nang mapakla si Raven habang tinitigan nya ang mga picture ni Zivawn. Pawang mga paparazzi shot iyon ni Zivawn habang nasa school sya at kasama ang mga kaibigan nya.

'Commoner ... what did Ricci saw on her?' sabi nya sa sarili nya at inumpisahang pagplanuhan kung paano nya ba aalisin ang babae na ito sa landas nilang dalawa ni Ricci.

She followed her everywhere. Pinagma-masdan nya ang bawat kilos nito at nang nagkaroon sya ng chance na magpakilala dito ay agad syang bumaba sa sasakyan nya. Umihip muna sya sa bangs nya bago sya naglakad papunta sa gawi nito at nagkunwari syang nahihilo nang malapit na sya kay Zivawn at umakto na tila matutumba kaya naman sinalo sya nito.

"Okay ka lang ba, Miss?" tanong nito sa kanya, tumango naman sya dito. Sinubukan nya kunwaring tumayo at tumumba para mas lalo itong maawa sa kanya. Minsan naiisip nya na may sense din pala ang pag-attend nya ng acting workshop dati noong nagmo-model pa lang sya.

"Tulungan na kita." sabi nito at mas lalong kumulo ang dugo nya dito. She's so kind ... mas mapapadali sana 'to kung hindi ito mabait.

"Uh ... I'm fine, can you just drop me there? In the caf." Pakiusap nya at tinuro ang isang coffee shop na nakita nya lang sa kabilang kalsada at hindi naman ito nagdalawang isip na samahan sya. Ang bait talaga, medyo naiirita sya.

"Thank you, can you stay here for awhile? I'm just going to text someone." sabi nya dito. Sinimulan nyang i-text si Ricci na masama ang pakiramdam nya. Medyo napangisi sya sa loob nya, ano kayang magiging reaction nito kung sakaling malaman nya na may koneksyon silang dalawa ni Ricci? Siguro kusa na itong lalayo at ilulugar ang sarili nya.

"Done ... what's your name nga? by the way I'm Raven ... Raven Simpson." Pagpapakilala nya dito at inilahad ang kamay nya sa harapan nito. Be nice Raven, be nice ... smile and act as if you're an angel sent by heaven.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon