Chapter 16

39K 1K 146
                                    

CHAPTER 16

"KAMS! Mary!" Paghabol ko sa dalawa kong kaibigan nang makita ko sila sa corridor ng college building namin, enrollment kasi ngayon at isang linggo na lang ay pasukan na naman.

Humarap sila sakin pero walang reaction ang mga mukha nila, hindi padin ba nila ako napapatawad? Dati naman, ilang araw lang ay okay na kami kasi hindi naman namin matiis na kagalit ang isa't-isa pero bakit ngayon ay para bang hindi padin humuhupa ang galit nila? lagi naman akong nagte-text at nagme-message sa kanila kahit hindi nila ko nirereplyan.

"Do you want coffee? I'll treat you." sabi ko at nginitian sila, nagdarasal na sana pumayag sila.

"No thanks, we have to do something. Let's go, Maria." sagot ni Kamila at tumalikod sila sakin, mabilis naman ako na nag-lakad at humarang sa dadaanan nila.

"Guys please, I don't wanna lose you." sabi ko, hindi ko naman kasi talaga kaya. Sila lang ang kaibigan ko sa school na 'to at ano na lang ako kapag wala sila? hindi ko maimagine ang pagpasok ko na parang hindi na kami magkakakilala.

"I hope inisip mo yan bago ka nag-lie samin, Zivs." sabi ni Mary, damang-dama ko ang dissapointment sa boses nya. Hindi marunong magalit si Mary pero ngayon ay tila ba galit talaga sya sa ginawa ko, naiintindihan ko naman dahil ayaw talaga nila na may itinatago kami sa isa't-isa. Disappointed din naman ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko.

"Sasabihin ko naman sa inyo e, naghahanap lang ako ng tamang timing." paliwanag ko, nakita ko kung pano umikot ang mga mata ni Kamila.

"So kailan iyon? 5 years from now? 10 years from now or baka never? like imagine Zivs, you're dating your dream guy and we have no idea about it. What a friendship." sagot ni Kamila, inis na inis talaga ang pagkakasabi nya. Nangilid tuloy ang mga luha sa mata ko, hindi lang kasi ako sanay na nagagalit sila sakin kaya sobrang sumasakit ang puso ko.

"Because I'm not sure about us noong mga panahon na 'yon, I don't want you laughing at me dahil lang umasa ako na magugustuhan din nya ko." Sabi ko, nakita ko na huminga nang malalim si Kamila.

"Ganun ba talaga ang tingin mo samin ha? we might be crazy but we will not do that to you, baka sapakin ko pa iyon kapag pinaiyak ka e." sabi nya. Napangiti ako, right ... bakit ba hindi ko naisip iyon? na kapag kaaway ng isa, kaaway ng lahat? kapag masaya ang isa, masaya ang lahat, na ng feelings naming tatlo sa isang tao ay dapat mutual lagi. That's our friendship.

"You know what Zivs, we love you and even in the craziest thing that you were going to do we're here and got your back always." sabi naman ni Mary at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko dito sa gitna ng corridor, sa harap nilang dalawa pati ang mga estudyante na napapadaan samin ay napapatingin sakin dahil para akong baliw na naiiyak dito.

"I'm sorry ..." sabi ko.

"Unacceptable unless you tell us the whole story." sagot ni Kamila at tumango naman si Mary.

"Everything, every details of it." Dagdag ni Mary, naglakad na sila para lampasan ako.

"I hope you have a lot of time, its a long story." sabi ko bago sila hinabol at kumapit sa kanila.

"Its only 9:00am Zivs, you have us the whole day." sabi ni Kamila.
***

NAGPLANO kami kung san kami tatambay para makapag-kwento ako sa kanila.

Nagpunta kami sa isang food hub malapit sa University namin kung saan ang cute ng theme na unlike sa mga usual restaurant na table and chair, parang crib iyon kung saan may mababang table sa gitna at sa lapag uupo. Makulay ang paligid na para lang kayong nagpa-pajama party at ang sarap mag-kwentuhan.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon