Chapter 30

48.4K 1.2K 490
                                    

CHAPTER 30

"YOU okay, Zivs? namumutla ka." bati sakin ni Kamila pag-pasok ko pa lang sa room.

Nginitian ko naman siya ng malungkot bago ako umupo sa upuan ko. Masama ang pakiramdam ko pero kailangan kong pumasok dahil may exam ngayon, wala dapat akong ma-miss dahil tulad nga ng sinabi ko ay masira na lahat wag lang ang paga-aral ko.

Paggising ko pa lang ay masama na ang pakiramdam ko, parang nahihilo na nasusuka ako pero baka epekto lang ito ng buong gabi kong pag-iyak. Umiiyak ako habang pinipilit kong reviewhin ang cover ng exam para ngayong araw, ni hindi ko nga alam kung may pumasok man lang ba sa utak ko sa mga binasa ko kagabi dahil puro si Ricci lang naman ang naiisip ko.

Akala ko kasi kahit 1% lang may chance na puntahan niya ako, kahit 1% lang maalala niya na birthday ko pero hindi pala kasi kahit 1% ay hindi niya man lang ako naalala.

Hindi na nakapag-tanong pa si Kamila sakin dahil dumating na ang Professor namin at mabilis na pinasa ang exam papers, nag-review naman ako pero hindi ko alam kung makakasagot ako ng maayos dahil medyo masakit ang ulo ko. Pakiramdam ko ay nagka-morning sickness ako.

Puyat pa Zivawn, iyak pa! Iyak pa para sa taong wala namang pakialam sa nararamdaman mo.

Iyong masakit na ulo ko kanina ay mas lalo pang sumakit nang makita ko ang cover ng exam, puro essay writing and media ethics. Kung hindi ba naman talaga minamalas na kung ano pa iyong hindi ko na-review ay iyon pa talaga ang nakalagay dito. Nakakaiyak naman! Ang sakit na nga ng puso ko, dumudugo pa ang utak ko.

Why, Lord? Ganito ba talaga iyong bayad sa pagiging masaya ko nitong mga nakaraang buwan? Ang saklap naman ata.

After ng exam ay triny kaming yayain ni Kamila na kumain sa mall pero sabi ko gusto ko nang umuwi dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Si Mary naman ay may pupuntahan pa daw, wala akong masyadong balita about sa kanila ni Hunter. Ayoko naman mag-tanong since sobrang guilty padin ako dahil feeling ko ay may kasalanan ako sa mga nangyayari na 'to sa kanila.

Nag-lakad na ko papunta sa sakayan at damang-dama ko kung paano mag-blurred ang paningin ko at bago pa man ako maka-hakbang ng isa pa ay nag-blackout na ang buong paligid ko.

***

"MAGIGISING na din siya mamaya. It's just normal with her condition, Sir." Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang babaeng naka-white coat at nasa harap niya si Juan na para bang masakit ang ulo dahil nakahawak ang kamay niya sa sintido niya

"She'll be fine, Sir. Wag kang mag-alala."

"Anyway, congrats again." Nakangiting sabi ng doctor kay Juan bago ito iwan.

Nilibot ng mga mata ko ang buong paligid ko at na-realize ko at napansin ko na puro puti ang paligid ko, nasa ospital ako pero bakit? Paano ako napunta dito?

"Ano'ng nangyari?" tanong ko.

Agad naman na napatingin si Juan sa gawi ko, seryoso ang mukha niya na para bang may gusto siyang sabihin na hindi mailabas ng bibig niya.

"What?" Kinakabahang tanong ko.

Wala akong maalala bukod sa nahihilo ako kanina at nag-blackout ang buong paligid ko tapos eto ako at nagising na nasa ospital na ako.

Bakit ako nandito at bakit nandito si Juan?

"Alam niya na ba ang tungkol dito?" tanong niya kaya naman kumunot ang noo ko.

"Ang alin?"

Hndi ko din talaga alam kung ano ang sinasabi niya.

"F*ck it! Ang g*go niya talaga e! He should'nt have done this."

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon