The Start of this crazy story

619 15 10
                                    

Stell's POV
It was already midnight when we arrived home.

Ken, Josh and Justin already went to their rooms while I stayed in the kitchen.

"Bakit hindi ka pa matulog?" nagulat ako nang biglang may magsalita sa likuran ko at nakita ko si Pau na nakaupo sa dining table.

"Nawala kasi yung antok ko. Kaya naisipan ko na lang na magluto ng kahit na ano." sabi ko at pinatay na ang kalan.

Buti na lang talaga laging may extra ang luto ko. Naghanda na rin ako ng plato ni Pau dahil alam kong gusto niya rin kumain.

"Salamat." sabi niya nang iabot ko ang plato sa kaniya.

"Nakakatuwa na ang daming taong nagmamahal sa atin ano?" nakangiting sabi ko habang inaalala ang concert na nangyari kanina.

"Hmm, atsaka mas nakaka-motivate sila na mas pagbutihin natin ang mga ginagawa natin." sabi niya at tumango ako.

Napatitig ako sa kaniya habang kumakain siya ng pancakes.

"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" takhang tanong niya sa akin.

Malamang naramdaman niya yung pagtitig ko sa kaniya.

"W-Wala naman. Natulala lang ako." palusot ko bago umiwas ng tingin..

"Kumusta na yang paa mo?" nagulat pa ako nang bigla siyang magsalita.

"Ah, okay lang naman. Hindi na masyadong masakit." sabi ko at tumango siya.

Napansin ko na tapos na siyang kumain kaya sinabi ko na ako na ang magliligpit.

Matapos pumasok ni Pau sa kwarto niya ay napabuntong hininga ako.

"Kailan ko kaya maaamin?"

Napailing na lang ako sa kabaliwan ko. Tumayo na ako at naglakad papuntang lababo.

Hindi naman na masakit ang sprain sa paa ko dahil naipahinga ko na.

Nakakahiya na kasi kay Pau dahil lagi siya ang nagbubuhat sa akin.

Matapos kong maghugas ng plato ay napahikab ako.

"Makatulog na nga." sabi ko sa sarili ko bago pumasok sa kwarto ko.

Hindi na ako nagabala pa na magpalit ng damit dahil nakapagpalit na ako kanina.

Hindi ko na pinansin ang mainit at malaking unan na kayakap ko. Basta makakatulog ako ng mahimbing kapsg may kayakap ako.

_Morning_

Napadilat ako nang maramdaman ko na may nakapatong na mabigat sa baywang ko.

Akala ko sawa na pero nung lingunin ko ito ay si Pau lang pala-WAIT!!! SI PAU?!!

Agad akong napalingon at sigurado akong si Pau nga ito.

Nakayakap at dantay siya sa akin. Habang mahimbing na natutulog.

Maling kwarto pala ang napasok ko kagabi dahil sa antok. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ni Pau sa akin bago ako tumayo.

Narinig ko pa ang pagprotesta ni Pau pero binaliwala ko na lang ito dahil kailangan kong magluto ng almusal namin.

_time skip brought to you by tiktok_

Matapos kong ihanda ang kainan ay isa-isa kong kinatok ang kwarto ng tatlo.

Pinanghuli ko na si Pau dahil medyo nahihiya pa rin ako.

"Goodmorning, Stell!" sabay na sabi ng tatlo.

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now