Ano na? Part 2

129 13 6
                                    

Days, days had passed and im already too tired pretending, pretending like it doesn't hurt me.

"Pau? Ayos ka lang ba?," tanong ni Stell sa akin.

The dinner we had, failed. Hindi ko naamin na gusto ko siya dahil sa sinabi niya.

It seems like he really adores that girl, kaya naisipan kong tigilan na lang itong nararamdaman ko.

Pero paano nga ba?

"Oo naman, paano mo nasabing hindi?"

"Ewan ko, you've been distancing yourself from us lately. May nagawa ba kaming mali?"

"Wala naman, Siguro stress lang din, oo nga pala, free ba kayo tonight? Hangout sana tayo sa condo."

"Sure, sabihan ko sila."

---

Our hang outs wasn't awkward before, pero ngayon para kaming mga tanga na nakaupo sa sofa, magkakalayo pa.

"A-Anong gagawin natin?," tanong ni Jah.

"Nag-aya si Pau, siya tanungin mo," sabi ni Ken na prenteng nakaupo sa sofa, except pala sa kaniya, mukhang hindi siya nao-awkwardan.

They all turned to me," I have drinks there, may wine, may snacks, may beer, may juice, we can watch a movie."

"Yun naman pala, tara na."

Hindi ako mapakali sa upuan ko, dahil nga manunuod kami ng movie ay nagsisiksikan kaming lima sa sofa.

Si Ken,Jah,Josh, ako at si Stell.

"Ay gagi, huwag ka pumasok diyan, mamatay ka. Ayan sabi na eh, bobo naman this girl."

I swear hindi ganiyan kaingay manuod si Ken dati. Madami na siyang changes ngayon, pero siguro kasi komprotable na siya sa amin.

"Pau?," napalingon ako kay Stell na bumulong sa akin.

Sana hindi niya mahalatang nagba-blush ako. Bakit ba kasi ang lapit niya?

"Bakit Stell?," tanong ko sa kaniya at itinuon ang atensyon sa tv, huwag kang lilingon sa kaniya Pau. Marupok ka, remember?

"Samahan mo ako, naiihi ako."

"Luh, sige wait lang."

Nauna na siyang tumayo. Napansin ko na tulog na si Josh at Jah. Nasa gitna nila si Ken na inaantok.

"Go get your man," he mouthed. Babatuhin ko sana siya kaso kawawa naman yung dalawa baka sila tamaan eh.

Sumunod na ako kay Stell, nakaabang siya sa labas ng banyo.

"Ihi ka na, dito lang ako sa bed."

"Siguraduhin mo ha."

Pumasok na siya kaya nahiga ako sa kama ko.

Paano kaya ako makakalimot nito? Eh madalas bumisita silang apat sa condo ko, tapos laging tumatawag si Stell sa akin.

Ang hirap talgang magkagusto sa kaibigan.

"Huy, tulog ka na?," napadilat ako nang tapikin ni Stell yung pisngi ko.

"Hindi, gusto mo coffee?," tanong ko.

"Sure."

---

"Luh, akala ko ba coffee lang?," tanong niya.

"Ewan, ang ganda kasi diba sa seaside tuwing gabi? Look at the sky o, its full of stars."

Nahiga ako sa buhanginan.

Ginaya ako ni Stell, nakalagay naman yung coffee namin sa gilid. Naisipan kong mas maganda kung dumaan na lang kami sa cafe na malapit dito sa dagat.

Always open yun eh, mukhang kahit alas dos ng madaling araw, may namimili.

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now