Ako Nalang

106 11 1
                                    

Stell's POV

Nakatambay ako sa condo ni Ken, napaka boring naman ng buhay ko. Kulang ng isang Jampawlo. Napalingon ako kay Ken nang bigla siyang tumayo.

"Oh san punta mo?," tanong ko sa kaniya. He quickly typed something on his phone before sighing.

"Kelangan daw ako ni Pau. Babalik din naman ako kaagad Stell. Pakitignan na lang si Kuro ah, salamat."

Tumango na lang ako. may bago na siya? Edi wow.

Napatingin ako kay Kuro,"Alam kong pasan pasan mo na problema ng tatay mo."

Hinaplos ko yung ulo niya," Pero kasi, nasanay ako na ako tatawagn niya if ever need niya. Pero ngayon halos wala na kaming interactions. Kuro, can you tell me why?"

"Nahahalata niya ba? Na gusto ko siya? Kaya siya lumalayo?"

Ang alam ko lang ngayon, nakakasakit na siya ng damdamin.

---

Nakatambay kami sa isang resort. Mabuti na lang kumpleto kami.

"Woi pansin niyo laging magkasama yung dalawa?," kung hindi din chismoso itong si Josh.

"Hayaan mo na," sabi ni Jah pero halatang nagseselos

din.

Nasa gilid kasi ng pool yung dalawa, jamming siguro. Naggigitara sila tapos kumakanta. Friends hangout pero lagi silang magkasama.

Palubog na yung araw, nakakatuwa kasi naka one week staycation kami. Taray.

"Akyat muna ako, tawagin niyo na lang ako if ever maghang out na tayo," sabi ko at kinuha yung mga gamit ko paakyat sa room ko.

Bahala kayo diyan.

Nakakasakit kayo kahit di niyo naman intensiyon yon. Oo na, ako na itong wala namang kami pero nagseselos.

---

Nakatulog pala ako amp.

And, wala man lang friends interaction? Nuyan, sana pala di na lang ako sumama kung pasasamain lang nito yung loob ko.

"Stell, kain tayo dinner tapos may pabonfire ang mga accla."

"Geh sunod na ako, Ken."

---

"Oy naalala ko talaga si Stell noon, nahulog sa pilapil tapos nasakto pa doon sa putik. Dahil mabait ako, naglublob din ako para di siya mapagalitan."

Natawa ako, totoo. Mukha kasi akong nahulog sa kanal. Buti na lang mahal ako ni Ken, nakilublob din siya kaya parehas kami pinagalitan AHAHAHA.

"Woi, si Stell kamo may hindi sinasabi sa atin," napatingin ako kay Josh.

"Ano na naman? Bakit ako topic ha?"

"Bakit hindi mo sinasabi na naging kayo ni Mav? Ha?"

"Ha ay, tagal na non. Atsaka parang wala lang din yon."

"Ay, dehins seryoso sa realtionships."

"Manahimik nga kayo. Atsaka if ever itatanong niyo kung magcomeback kami,no. may gusto akong iba ngayon."

Tumingin sila ng nanunukso sa akin. Habang si Pau ay busy lang sa phone niya. Nakikitingin minsan si Ken, tas magtitinginan sila. Maguusap sila through eyes.

"Tara Jah, samahan mo ako," sabi ko kay Jah at sumunod siya sa akin. Nagpunta kami sa tabing dagat. payag naman si Josh, naglalaro sa phone niya eh.

"Stell, gusto mo ba si ken?"

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now