Ikaw Lang

158 10 0
                                    

Akala ko dati na masyadong nagpapakatanga yung mga tao sa pagmamahal. Hindi ko inaakalang ako din pala, magiging tanga, para lang sa 'yo.

"Saan mo gusto next?"

Nakakatuwa kang tignan, halatang enjoy na enjoy mo yung date natin ngayon. May yakap ka pang stuff toy,"Doon tayo sa fishing game,mukhang nakakarelax."

Sumang-ayon ka sa desisyon ko, siguro kaya ako nahulog sa 'yo kasi masyado kang mabait. Though wala akong balak na abusuhin iyon, kung kakayanin ko, gusto ko forever kang nakangiti.

"Baka matunaw ako niyan," namula ako nang tapikin mo yung pisngi ko. Pero tinawag mo lang akong cute. Huwag ka namang ganiyan.

"Woi, isda ko yun," napanguso ka pa kaya pinisil ko yung ilong mo. Nagulat ka pa kaya agad kang lumayo.

"Pasensiya na," sabi ko at inilapag ang kamay ko sa hita ko.

Nagulat ako nang hawakan mo iyon,"No, hindi naman sa ganoon. Hindi lang ako sanay na touchy ka sa akin. Pero im actually liking it, kahit anong deny ko, gusto ko naman."

Hindi ko mapigilang mapangiti, bakit ba ang bait bait mo?

"Mhm, pasensiya na talaga. Ang cute mo kasi," sabi ko at pinisil mo ang mga kamay ko.

"Tara uwi na tayo,"hinawakan mo yung kamay ko habang naglakad tayo papunta sa parking lot.

---->

I shall post the drafts today. Narealize ko na mahirap pala yung ganto lol.

But I enjoyed it.

Sana bitin HAHAHHAHAHA

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now