Kathang Isip

100 7 1
                                    

This is the re-written version and probably everything has changed.

---

Why does he make me feel this way? Normal lang naman yung mga ginagawa niya, hindi ba?

"Ang ganda naman Stell!," puri ko sa project niya. Napaka artistic talaga ni crush.

"Kasing ganda mo," banat niya at gimulo yung buhok ko. Luh grabe ka naman po.

"Eh yung ba? Nasaan?," tanong niya kaya napakamot ako sa batok ko, "Naiwan ko sa bahay eh."

"Ay hala ka, paano ka niyan?"

Nagkibit balaikat na lang ako, hayaan na lang natin. Wala eh, masyado akong naexcite na makita siya.

Pumasok na kami sa room at buti na lang wala pang teacher. Itinabi niya yung project niya sa may desk at inilabas yung phone niya.

"Ang ganda niya ano?," sabi niya sabay pakita ng picture ni Stacey.

"Troo, crush mo?"

"Nililigawan ko," para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Bakit ganon?

"Ha, sana maging kayo," sabi ko at bigla namang pumasok yung teacher.

"Ang may project ipasa niyo na, yung wala lumabas kayo. Kailangan may maipasa kayo ngayon until 5 pm."

Kinuha ko na yung bag ko, Stell looked at me worriedly. Hinayaan ko na lang siya, enough. Chariz.

Pagkalabas ko ay nagtungo ako sa gate, uuwi na lang ako sa bahay tapos kukunin ko project ko.

___

"Ano na naman ba ang gusto mo?"

"Gusto kong paalisin niyo na yung ampon mo ma."

"At bakit naman, aber? Mahal ko si Pau, at dapat mahalin mo din siya, Hannah.

"Ma naman! Pabigat na siya eh! Wala nang ginawa kundi ang magstay sa kwarto niya, ni hindi man lang kayo tinutulungan dito. Napaka walang kwenta!"

"Pasensiya na, sige aalis na ako dito para wala nang pabigat. Pasensiya na talaga."

Agad akong umakyat sa kwarto ko at nagempake. Kahit kaunti lang naman. Halos lahat naman ng gamit ko, sakanila galing. Baka isumbat pa sa akin.

"Pau, wag mong pakinggan ang ate mo. Hindi ka pabigat," sabi ni mama at umiling ako.

"Mas mabuti na pong umalis ako, pasensiya na po talaga, Ma."

Nang matapos na ako ay agad din akong umalis papunta sa bahay namin. Naglayas kasi ako, lagi na lang akong naglalayas. Share ko lang.

"Señorito! Mabuti at narito ka, hinahanap ka ng iyong mama at papa," bungad ni manang. Kinuha niya yung mga gamit ko at dinala iyon sa kwarto ko.

"Pau," agad akong sinalubong ng yakap ni mama at papa.

"Pinag-alala mo kami Pau, mabuti at nasa maayos na kalagayan ka," hinalikan ni mama ang noo ko.

"Sorry po, Ma. Hindi ko na po uulitin."

"Nag away ba kayo ni Marce?," tanong ni mama at inalalayan akong umupo sa sofa.

"Hindi po," sabi ko at hinawakan ni mama yung kamay ko.

"Alam ko yung nangyari, Pau. Humihingi ng tawad si Mama Marce mo," sabi niya.

"Ayos lang naman po ako, pero nasasaktan po ako kasi hindi nakikita ni Ate Hanna na ginagawa ko naman po lahat. Kahit pa po simula pagkabata. Pero mas pinili niya pong paniwalaan na nandoon ako para sirain yung pamilya nila," sabi ko at pinunasan ni mama ang luha ko.

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now