forda marupok ang stell niyo

107 10 2
                                    

Sino ba ang nagsabi na madaling mahalin si Pablo ha? Sandamakmak ba naman kaagaw ko. Pero alam ko namang by the end of the day, sa akin pa din uwi niya. Bleh!

"Ves?," tawag ni Pau mula sa bed namin, nakahiga na siya habang ako nagbabasa ng libro, forda masipag magbasa yarn. Props lang talaga ito.

"Bakit, nagugutom ka?"

"Hindi, napaisip lang ako."

"Ah, may isip ka pala?"

Hindi na siya nagsalita kaya lumingon ako sa gawi niya, nakatalikod na siya mula sa akin. Hala tampo yern.

"Hoi, mahal. Sorry na."

Hindi pa din talaga siya lumilingon, tumayo na ako mula sa sitting position ko. Itinabi ko na yung aklat at tumabi sa kaniya. I placed my right hand on his waist habang yung kaliwa ko ay suporta ng ulo ko.

"Pau, love. Im sorry na. Mahal na mahal kita," sabi ko at hinalikan yung pisngi niya, it was wet and a bit salty.

"Oy, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?," alalang tanong ko at tumayo. Hinarap ko siya at patuloy na umaagos yung luha niya.

"Ayoko na Stell. Pagod na ako, please itigil na natin ito. Please."

"Pau? Nagbibiro ka ba?"

"Stell, please let me go."

Eto ba yung gusto mo Pau? Kung dito ka masaya, sige lang.

"Okay, iintindihin ko yung desisyon mo. Sige, bukas na bukas aalis din ako dito. Doon na lang ako sa guest room ha," sabi ko at dahan dahang lumayo sa kaniya, kinuha ko yung gamit ko sa kwarto na iyon at lumabas na.

Hindi ko mapigilang umiyak pagpasok ko ng guest room, ginawa ko naman lahat. Pero bakit ganon? Bakit parsng hindi naman gumana? Bakit parang mas lalo lang nasira yung relasyon namin?

---

I was already gone, hindi ko na naisipan pang maghintay ng umaga para lang umalis. Bakit ko pa hihintayin kung pwede naman akong umalis agad-agaran?

Nag-eempake na ako ng mga gamit ko, tama kayo. Aalis na din ako sa condo ko. Dahil nga nakipaghiwalay na si Pau, itutuloy ko na ang pangingibang bansa ko. Mas gusto kong wilihin ang sarili ko tungkol sa pag-alis na ito kesa ang magmukmok.

Hindi naman sa hindi ko mahal si Pau, its just that, dwelling on it won't help me at all.

Alam ko namang mas makakabuti ito for the both of us. Para sa mabilis na proseso ng pag move on. Masakit talagang isipin na ganon. Na wala talagang permanente.

"Sure ka ba? Kung ganon halika na," hinatak na ako ni Ken. Gaya ko, broken din siya, pero ang kaibahan, last month pa. Nagdwell siya ng matagal pero ngayon parang di pa siya nakakamove on kahit konti.

"Ken, bakit ba ganon? Mahal naman natin sila ah? Bakit kailangan masaktan pa tayo? Nagmamahal lang naman tayo ah?"

"Tanong ko din yan, Stell. Hindi ko din alam. Pero salamat ha, sa pagsama mo sa akin. Hay, I won't even know kung kasama ako sa pagbalik mo dito."

"Heh, don't say that. Babalik tayong dalawa dito okay? Tayong dalawa! Hindi lang ako. Kasama ka!," sabi ko at lumungkot yung mukha.

"What if di ko kayanin?"

"Tsk, kakayanin mo yan. Tara na."

Sana this is a good decision for me, for us.

---

Taena ang hot naman here sa Pelepens! Whoo! Its been two years?

"Hay, sayang. Si Ken naman kasi eh," sabi ko at sumakay na sa kotse na sumundo sa akin. Nakakamiss naman dito.

Hindi talaga tumutupad sa pangako si Ken, katampo. Sabay daw uuwi tas ganto? Unfair ha.

Nang matapos ang halos isang oras na byahe ay nasa bahay na ako nila Jah.

"Sorry beh, tangina ang rupok ko talaga."

Binatukan ko si Ken, sabay daw kami uuwi ng Pinas tas nauna pa siya sa akin, isang sorry lang, balik ka na?

Napaka rupok! Can't relate, di kasi ako marupok.

"Sorry di kita nasundo."

"Hala eh, okay lang yan mahal."

"Ih Stell, alam kong nagtatampos ka na naman sa akin," sabi ni Pau kaya kinurot ko pisngi niya.

"Mahal naman, wala yan sa dugo ko," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

Okay, maybe marupok nga rin ako.

PAUSTELL ONESHOTSWhere stories live. Discover now